PROLOGUE:
"H-hindi ko yata kaya ang pinapagawa mo sa akin Sarah."
Tugon ni Andrea sa kaibigang si Sarah. Nasa isang Hotel sila at doon niya kikitain ang sinasabi nitong customer.
Wala na siyang ibang choice kundi patusin ang ibinigay ng kaibigang raket para makalikom ng pera upang mapa-opera ang inang kasalukuyang nanganganib ang buhay dahil sa stroke.
"Ano ka ba Andrea, nandito na tayo oh--- Ngayon ka pa aatras eh nasa loob na yung customer.
Tsaka para naman to sa nanay mo at isang gabi lang kapalit ng malaking halaga." Pangungubinsi pa ni Sarah na parang nawawalan na ng timpi sa kanina pang pagbago-bago ng isip niya.
Pero wala siyang magawa kundi ipikit ang mata at pumasok sa loob ng silid na iyon na kung saan alam niyang doon na mawawala ang dangal na iniingatan niya.
Kahit labag sa loob ay wala ng nagawa si Andrea kundi pikit matang tanggapin ang kapalaran.
She swallowed her saliva and took a deep breath and slowly enter the room.
"Lock the door!" Narinig niyang maawtoridad na tugon ng isang baritonong tinig na nasa loob ng napaka eleganteng silid na iyon.
Dumagundong ang kaba sa kanyang dibdib dahil sa sadya nga namang nakaka intimidate na boses ng lalaki.
Tumalima si Andrea sa utos ng customer at inilock ng nanginginig niyang kamay ang seradura ng pinto pero nanatili siyang nakatayo patalikod sa estrangherong lalaki at nanginginig pa ang tuhod niya sa sobrang nerbyos.
"Why you're still standing there,? Come over here and do your job!" Mabangis na sambit ulit ng lalaking parang hari kung maka-utos.
At sa kabila ng kaba at takot na nararamdaman niya ay bahagya siyang nakaramdam ng inis sa lalaking ubod ng yabang.
'Ano atat na atat lang maka-score!' Himutok ng isip niya sa lalaking di pa niya nasisilayan pero nag umpisa nang bumangon sa dibdib niya ang iritasyon para rito.
Dahan dahan siyang humarap sa lalaki para lamang magulat dahil sa nasilayang ka-gwapuhan ng mayabang na lalaki na ang tanging suot lamang nito habang prenteng nakahiga sa malaking kama ay isang itim na brief!
Halos manlaki ang ulo niya at lumuwa ang mata sa sobrang gulat kaya agad niyang naitakip ang mga palad sa mukha.
'Jusko naman! Bakit naman nakahubad na agad.' Himutok niya sa isip habang hindi malaman kung paano kikilos sa harap ng lalaking nakaambang wawasak sa kanyang iniingatang dangal.
❤❤❤❤