Chapter 8

1700 Words
Habang kumakain sila ng lalaking Nico ang pangalan ay panaka-naka niya itong sinusulyapan at madalas pa nga niyang nahuhuling nakatingin din ito sa kanya, tsaka para pa ngang nakakaloko ang paraan nito ng pagtitig at naiirita siya dito. Mabilis inubos ni Andrea ang pagkain at ang balak niya ay iiwan na ang binata tutal naka libre na siya ng pananghalian. "Ahmmm--- mister, salamat sa libreng lunch ha, aalis na ako." Pagpapaalam niya at akmang tatayo ng pigilan siya nito sa braso. "Wait---- Iiwan mo ako dito? Tanong ng binata. "See Im not yet done." Sambit pa nitong hinawakan pa siya sa kanyang braso na agad naman niyang pinalis dahil naiilang siya. Bumalik siya sa pagkaka-upo at nagpatinaod na lamang dahil kabastusan nga namang iiwan niya itong kasalukuyan pang kumakain. "Okay, hihintayin na lang kitang matapos." Pagbibigay na lamang niya sabay baling sa ibang direksyon ang tingin dahil ayaw niyang tignan ang lalaki. 'Kung makatingin akala mo kung lalapain ka, manyak talaga wala pa ding pinagbago.' Usal sa isip ni Andrea patungkol sa kaharap na binata. "Ehem--- So, Miss ano nga pala ang pangalan mo?" Nico asked the lady, but the truth ay never niya itong nakalimutan kahit tatlong taon na ang nakaraan nang huli niya itong makilala sa hotel kung saan tinakasan siya nito noon. And yes, he pretended not to recognize her dahil ang balak niya ay gantihan ito sa pang-iiwan at pagtanggi nitong makipag talik noon sa kanya and the worst thing that this woman did ay tinangay ang perang ibinayad niya na hindi man lamang siya naka-score dito. Masyado nitong inapakan ang p*********i niya kaya dapat lang na pagbayaran nito ang ginawa sa kanya. No woman ever did that to him, walang babaeng tumanggi sa karisma niya. He thought habang nakatingin sa babaeng tila ilag sa kanya. "Bakit ko sasabihin ang pangalan ko sayo?" Mataray na saad ni Andrea sa lalaking nasa harap niya na abala pa din sa pagkain. "And why not?---- You know what? I think magkakasundo tayo." He told her while smirking. Alam ni Nico na medyo mahihirapan siyang paamuin ang dalaga dahil mistulang mailap ito at hindi basta-bastang babae, but he will do everything he can for her to beg him to have s*x with her. Napataas naman ang kilay ni Andrea sa ka-angasan ng binata. Inirapan pa niya ito. "Pwede ba bilisan mo na diyan--Kailangan ko ng umuwi!" Asik niya at ngali-ngaling iwan na ito dahil kanina pa siya naiirita, at kapag naalala niya ang nangyari 3 years ago between them ay sinasalakay siya ng matinding kaba. "Okay, Im done---Let's go." He uttered sabay tayo at hinintay pa siyang makatayo din. 'Whoa gentleman' Sa isip ni Andrea nang alalayan pa siya nito. "Dito na ako,bye!" Mataray na turan niya sabay piksi sa kamay nitong nakaalalay sa kanya. "Hindi ka pa aalis, may pupuntahan pa tayo." Matigas na turan ni Nico sabay hila ulit sa kamay niya at iginiya siya sa kung saan naka parking ang kotse nito. Nagpupumilit naman siyang kumawala sa mahigpit na hawak nito but it seems na ayaw siya nitong bitawan hanggang sa makarating nga sila sa sasakyan at halos pwersahin din siyang pasakayin doon at wala na nga siyang nagawa pa. "Ano pa bang kailangan mo sa akin ha?" Naiinis niyang baling sa lalaki at pinandilatan pa niya ng mata ito. "Well, I wont allow our second meeting to be over nang hindi ka nagpapaliwanag." He told her habang nakatingin sa kanyang mata ng nakakaloko. Natigagal si Andrea sa tinuran ng binata at sinalakay agad ng matinding kaba ang dibdib niya. 'Lagot na mukhang naalala na ng mokong na 'to ang ginawa niya dito 3 years ago' Saad niya sa sarili habang napapalunok pa trying to think kung paano ito lulusutan. "A-anong sinasabi mo mister?" Maang-maangan niya but her heart is beating so loud now. Napangisi naman si Nico sa nakita niyang reaksyon ng dalaga na halos ay mawalan na ng kulay ang mukha, malamang ay natakot na sumbatan niya ito. "Hahaha--- You look scared baby, hmmn I just want you to tell me kung bakit naroon ka sa office namin kanina-- He said. "Do you work there?" Tanong pa ni Nico sa dalaga, he doesn't want to scare her away dahil baka magback-out ito sa pagiging Personal Assistant niya at ayaw niya iyong mangyari. Yes he knew that she would be his new P.A, dahil nabasa niya ang resume nito at agad niyang namukhaan kaya naman agad niyang pinatawagan sa HR office para agad nang papuntahin for the interview. Matagal niya itong hinanap noon dahil sa kakaibang desire na naramdaman niya para dito. She was one of a kind woman at tiyak mas exciting kapag ito mismo ang magmamakaawang magpa galaw sa kanya and he will make sure it will happen. Sa isip ni Nico habang nakatunghay sa dalaga. ***** Napahinga naman ng maluwag si Andrea sa tinuran ng lalaki, akala niya ay naalala na siya nito. Pero labis talaga siyang nagtataka dahil sa hindi nito pagkakilala sa kanya but she just shrugged her shoulder at alisin sa isip ang nangyari noon. "Ah-- Nag-apply kasi ako ng trabaho doon." Sagot niya sa tanong nito at bahagyang kumalma. "Oh I see-- So, when are you gonna start to work?" Tanong ulit ng binata at feeling close na agad sa kanya. Napakunot-noo tuloy siyang bumaling dito. "Bakit ba ang dami mong tanong?, empleyado ka din ba doon?." Iritado niyang patanong kay Nico. "Well-- Yes I worked in that company and Im hoping that we can meet again in the office." Makahulugang saad ng binata sabay kindat kay Andrea tsaka pinaandar na ang sasakyan nito. "Where is your house, Im going to drop you." Tanong ng lalaki sabay lingon sa kanya. "Huwag na, ibaba mo na lang ako sa kahit saan ako nang bahalang umuwi mag-isa." Tanggi niya dahil ayaw niyang ipaalam kung saan siya nakatira baka mamaya i-stalk pa siya nito. Naisip niya habang nakamasid sa labas ng sasakyan. "No I insist, Sige na tell me where will I drop you." Pagpupumilit nito at ayaw paawat sa pangungulit kaya napilitan na lamang si Andrea na sabihin dito kung saan siya nakatira. Nang nasa tapat ng inuupahang apartment ay nilingon niya ang binata para magpaalam pero laking gulat niya ng bumaba ito at nauna pa sa kanya. Lumigid ito sa gawi niya and even open the car door for her na labis niyang ikinagitla. "S-salamat sa paghatid." Turan niya at nahihiyang nag-iwas ng tingin dito. "You're welcome, So I will see you soon?" He told her smiling blatantly. Napaang naman si Andrea sa tinuran nito. 'May balak pang makipagkita?' Sa isip niya, sasagot sana siya ng biglang sumigaw ang kapatid niyang si Kiro mula sa loob ng bahay kaya agad siyang napapasok at ni hindi na nasagot ang binata. "Kiro!" Agad tawag ni Andrea sa kapatid na humahangos pang pumasok sa bahay. Nakasunod naman agad si Nico when he saw her na nagmamadaling tumakbo papasok sa bahay nito. They heard a voice screamed kaya napasunod din siya sa dalaga. "A-Ate-- Si Nanay ate." Naiiyak na salubong ni Kiro sa kanya kaya agad siyang napapasok sa silid ng ina. And there she saw her na nakasalampak sa sahig habang pilit na gumagapang paakyat sa wheel chair nito. Agad dinaluhan ni Andrea ang ina subalit dahil sa mabigat ito kaya nahirapan siya pero laking gulat niya ng buhatin ng lalaking kasama niya kanina ang nanay niya ini-upo sa wheel chair nito. Napamaang siyang nakatitig lang sa binata na parang walang anuman ang pagbuhat sa nanay niya. "Okay-- Ayos lang po ba kayo nay?" He even asked her mother na lalong nagpakunot-noo sa dalaga. Tinignan niya ito sa nagtatanong na mga mata. "A-Ayos naman iho, S-salamat." Nahihiyang saad ng nanay ni Andrea sa binata tsaka siya binalingan. "Ano po bang nangyari nay? Bakit po kayo nasa sahig?" Agad niyang tanong sa ina. "K-Kasi may inabot ako anak---Nagpaalam kasi ang tiya mo na maagang uuwi dahil may aasikasuhin daw, pero ayos naman ako nak.----Sino pala ang mabait na binatang kasama mo anak nobyo mo ba?" Paliwanag ng ina at tanong nito sabay baling ng tingin sa lalaking nakatayo pa rin. "Opo nay--- Boyfriend po ako ng anak nyo." Nakangiting singit ni Nico sa matanda sabay kindat at baling sa dalaga na napanga-nga dahil sa sinabi niya. "N-nay magpahinga na po kayo-- Ihahatid ko lang sa labas itong bwisita." Saad niyang diniinan pa ang huling salitang tinuran. Binalingan ni Andrea ang binata at pinandilitan ng mata. "Halika na sa labas ihahatid na kita." She told him coldly at hindi na nagawang itama ang sinabi nitong nobyo niya daw ito sa nanay niya. "Ahmm-- mauna na po ako nay, Nice meeting you po." Paalam pa ng binata sa nanay ni Andrea tsaka sumunod na sa dalaga palabas ng silid. Pagdating sa labas ay nasalubong naman nila si Kiro na agad pumunta sa gawi ni Nico at masaya ang mukhang yumakap pa sa binata. "K-Kuya ba tawag ko ikaw, Ate siya ba asawa mo?" Inosenteng tugon ni Kiro na ikina gulat niya. "Kiro doon ka muna sa loob samahan mo si nanay--At hindi ko siya asawa kaibigan ko lang siya." Saad niya sa kapatid at iginiya na muna ito papasok sa silid ng ina bago niya hinarap ang binata na parang nanibago sa inasal ng kapatid niya. "Oh ano-- nakita mo na kung anong klase ng buhay meron ako Mister?" Malungkot ang tinig na tugon niya habang nakatingin sa binata. Alam niyang manliliit ang tingin nito sa kanya kasi nga ay mayaman ito but she doesn't care dahil kahit ganoon ang buhay nilang mag-iina ay masaya siya. "I didn't think that way, Nakakatuwa ang kapatid mo--How old is he." Sambit ni Nico na mababakas sa mukha na walang halong ka-plastikan ang tinuran nito. "He's 16 years old--- m-may down syndrome si Kiro kaya parang bata pa rin kung magsalita at kumilos. A-at yung nanay ko naman na-stoke 3 years ago." Imporma ni Andrea sa binata. She doesn't want na magmukhang kawawa sa harap ng lalaki but since nakita nito ang sitwasyon niya ay sinabi na lamang niya para din malinawan ang alam niyang nabuong tanong sa isip nito upon seeing her situation. *to be continued*
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD