Sa Bahay nila Andrea
"Nay, inumin niyo na po itong gamot niyo at maya-maya ay matulog na din po kayo." Tugon ni Andrea sa ina ng pasukin ito sa silid. Kasalukuyang nakadungaw sa maliit na bintana sa kwarto nito ang nanay niya at as usual ay para na namang ang lalim ng iniisip.
She hate seeing her like that at lahat na yata ng pagpapagaan ng loob ay ginawa na niya para lamang gumaan ang pakiramdam nito but still bumabalik pa rin ito sa pagiging balisa.
Alam niyang hanggang ngayon ay hindi pa rin nito matanggap ang sinapit, at dumating pa nga sa puntong hiniling pa ng nanay nya na sana'y hindi na ito nabuhay pa noon na siyang lagi naman niyang sinasaway.
"Anak--- nariyan ka pala." Saad nito at mapait siyang nginitian.
"Ano na naman po ang iniisip nyo nay?" Tanong niya sabay lapit at yakap dito mula sa likuran.
"N-naisip ko lang anak na sobra na ang sakripisyo mo sa amin ng kapatid mo, a-at kung gusto mo nang magkapamilya ay ayos lang sa amin, wag mo kaming aalalahanin ha---gusto kong maging masaya ka." Hayag pa ng ina na makikita sa mata ang labis na lungkot.
"Nay--- ano ba naman yang sinasabi nyo?, hinding hindi ko po kayo iiwan ni Kiro, pangako ko ho 'yan." Aniya at mahigpit itong niyakap.
Naluha na din siya dahil isipin pa lamang na iiwan niya ang ina at kapatid ay napakabigat ng dalhin at alam niyang hindi niya kakayanin.
"Anak--- alam kong darating ang araw na magkakaroon ka din ng sarili mong pamilya at ayoko na kami ang maging dahilan para pigilin mo ang sarili mong maging maligaya." Tugon pa ng nanay niya habang hinahaplos siya sa buhok, naka-upo siya paharap sa ina.
"Kapag dumating po yun, isasama ko kayo ni Kiro nay, promise ko po yan sa inyo." Saad niya para pagaanin ang loob nito.
Niyakap naman siya ng nanay niya ng mahigpit tsaka nginitian.
Pagkatapos niyang puntahan ang ina sa silid nito ay nagligpit na siya ng mga pinagkainan nila habang ang kapatid naman niyang si Kiro ay natulog na, after niyang magligpit ay pumasok na din siya sa kanyang silid upang makapag pahinga na.
It's been a long and tiring day at habang nakahiga ay naalala niya ang lalaking nakilala niya three years ago na kani kanina lang ay nakasama niya, hindi niya talaga akalaing magkikita pa ulit sila nito after that insident in the hotel kung saan niya ito unang nakita.
Mas lalo kasi itong kumisig ngayon at mas nag mature ang itsura pero sa tingin niya ay hindi pa din ito nagbabago sa pagiging manyak nito dahil sa ginawa pa siyang panangga sa babaeng biktima na naman nito malamang.
'Ibang klase talaga ang libido ng lalaking yun' Sa isip isip ni Andrea habang nagbabalik tanaw sa naganap kani-kanina lamang.
Ipinilig niya ang ulo at pilit binura ang lalaking yun sa kanyang isipan at tsaka pinilit ang sariling matulog na. Sa lunes na siya mag-uumpisa sa trabaho kaya medyo kabado siya dahil panibago na namang adjustment ang gagawin niya lalo pa at malaking kumpanya ang papasukin niya.
******
Araw ng lunes, maaga pa lamang ay nagising na si Andrea dahil yun ang unang araw niya sa NAB Corp. and she was quite excited para pumasok sa opisina.
Kailangan muna niyang asikasuhin ang nanay at kapatid niyang si Kiro bago siya papasok sa opisina kaya maaga pa lang ay nag-gagayak na siya.
Naghahanda na siya ng agahan sa kanilang maliit na kusina nang bumungad ang kapatid niyang pupungas pungas pa dahil sa kagigising pa lamang.
"Good morning ate!" Masiglang bati ng kapatid niyang si Kiro sabay palatak at palakpak ng kamay when he saw the food na nakahanda na sa lamesa.
Nagluto siya ng hotdog dahil iyon ang paborito ni Kiro at nag sangag din siya ng kanin na sinamahan niya ng nilagang itlog at kamatis na siyang paborito rin ng kanilang nanay.
"Maupo ka na Kiro at kakain na tayo, tatawagin ko na si nanay." Nakangiting saad niya sabay ngiti sa kapatid at tsaka nagtungo na sa silid ng kanilang ina para yakagin na itong kumain.
Nakaligo na siya 'nun at magbibihis na lang para ready to go na siya.
Alas otso ng umaga ang pasok niya at may isa at kalahating oras pa siya para makapag handa.
"Good morning nay--- halina po kayo at kakain na po tayo." Masiglang bati niya sabay lapit sa ina na noon ay gising na nakatunghay sa kanya.
"Magandang umaga din anak, papasok ka na ba ngayon sa bago mong trabaho?" Pilit ang ngiting tanong ng nanay niya at bakas pa rin ang tamlay sa tinig nito.
Lumapit siya dito at hinalikan ito sa noo.
"Opo nay, kaya kakain na po tayo kasi nagluto po muna ako ng agahan bago papasok." Saad niya at inalalayan itong maka-upo sa wheelchair nito.
"Salamat nak, hayaan mo at ako na ang bahala sa kapatid mong magturo sa mga leksyon niya sa school." Tugon ng nanay niya ng makarating sila sa hapag kainan.
Dinulutan ni Andrea ng pagkain ang nanay at kapatid niya bago siya kumain. At habang sila ay nag-aagahan ay masaya silang nagku-kwentuhan lalo na ang kapatid niyang si Kiro na kahit na isa itong special child ay makikitaan pa rin ito ng ibayong sigla at saya sa katawan.
Nakakatuwa itong pag masdan na sa maliit lang na bagay ay nakukuha na nitong sumaya.
Ang buhay niya ay hindi ganoon kadali at most of the time she felt tired but only by looking at her mother and her only brother is enough to make her feel alive and strong para harapin ang iba pang hamon ng buhay.
Pagkatapos pakainin at asikasuhin ni Andrea ang dalawa ay agad na siyang nagbihis para pumasok na sa office at dahil first day of work ay naglagay pa siya ng light make-up and used the Siobe's lipstick na bigay ng isa niyang kaibigan para naman maging presentable siya sa harap ng magiging boss niya na anak ng may-ari ng kumpanyang papasukan niya.
****
Andrea was already in front of NAB Corp. at nagsimula nang kumabog ang dibdib niya sa matinding kaba.
Ang daming naglalaro sa kanyang isip that moment but one thing is for sure she is ready and very determined to become the best sa trabahong ibinigay para sa kanya and she will do everything to please her new boss.
Nagmadali siyang naglakad when she saw the elevator na papasara na, agad na siyang pumasok doon at akmang pipindutin ang numero ng floor kung saan ang magiging office assignment niya pero naunahan siya ng lalaking nasa tagiliran niya, agad siyang nag-angat ng tingin para makita ang katabi but to her biggest surprise ay bigla siyang napanga-nga nang mapag sino ang kasama sa loob ng elevator.
It was the man na Nico ang pangalan na nakasama lang niya last friday at ang bruhong lalaki ay ngising-ngisi while staring at her deeply.
"Hi miss beautiful, Im glad I saw you again." Saad nitong ngumiti pa ng nakakaloko and even wink at her.
Agad namang kinalma ni Andrea ang sarili at pinukulan ng matalim na tingin ang manyak na lalaki.
'Ang feeling talaga ng lalaking 'to!'
Sa isip isip niya habang pilit itong dinedeadma at ni hindi na sinagot pa ang pagbati nito sa kanya.
"Hey--- hindi mo ba ako babatiin ng good morning." Pangungulit pa ng binata na lalong nagpakulo sa dugo niya.
Masyado itong makulit buti na lang at silang dalawa lang ang laman ng elevator kaya pwede niya itong tarayan.
She harshly looked at him at inirapan niya ito.
"Pwede ba huwag kang papansin!" Mataray na turan niya sabay layo sa binata at ibinaling ang tingin sa ibang bagay.
"Whoa!---Is that the proper way to greet your new friend hmmn?" He asked her habang hindi nawawala sa labi nito ang pagkakangisi.
"Excuse me mister,--
hindi tayo friends noh!
Kapal mo rin eh ano?" Singhal niya at biglang nalukot ang mukha sa kakapalan ng mukha ng binatang playboy.
"Ang sungit mo naman honey---hahaha!" Pang-aalaska pa nito sa kanya na lalong nagpatindi ng iritasyong nararamdaman niya para dito.
Susupalpalan pa sana niya ang lalaki ng biglang magbukas ang elevator sa floor na kung saan siya ma-aasign, agad na siyang lumabas at ni hindi na nilingon pa ang binata.
But to her shocked ay nakasunod naman ito sa likuran niya.
She harshly face him at binigyan ng nakamamatay na tingin.
"Huwag mo nga akong sundan!" Sikmat niya sa mataray na tono sa binata na bigla ding tumigil sa paglalakad at nakatingin sa kanya with amusement in his face.
"Im not following you miss--- Actually I worked here, baka ikaw ang sumusunod sa akin dahil hindi ka maka get over sa kaguwapuhan ko." Nakataas ang labing turan nito sabay lapit sa kanya at halos ay magdikit na ang mga noo nila sa sobrang lapit habang nakayuko pa ito at ni hindi nawawala sa labi nito ang pagkakangisi.
Amoy na amoy ni Andrea ang mabangong hininga nito at halos hindi siya kumukurap.
Kinalma niya ang sarili at ang sumunod niyang ginawa ang hindi inaasahan ng binata.
Inapakan ni Andrea ang paa ni Nico.
"Ouch! What the hell is your problem huh?!" Singhal ni Nico sa dalagang nakangisi lang habang nakatanaw sa kanya.
Wala pang mga empleyadong dumadaan sa parteng yun ng opisina dahil alas syete pa lamang nun ng umaga.
"Opppsss---- Im sorry sir, hindi ko sinasadya." Pa-sarcastic na hinging paumanhin ni Andrea sa binata sabay talikod at hakbang palayo dito.
Habang naiwan namang napapamura na lang si Nico na iniinda pa rin ang paang nasaktan dahil sa ginawa ng supladang babaeng yun.
's**t!
You little witch will pay for this!' His mind even cursed her, dahil sa tindi ng inis niya sa ginawa nitong pang-aapak sa paa niya.
*to be continued*