Chapter 1: The Girl in Red
"SO WHAT will be my schedule for today?" Tanong ni Nick kay Luz habang inaayos ang cufflinks ng suot na business suit. Patungo sila ngayon sa kanyang private office habang sa likod niya ay nakasunod ang ilang board of directors.
Mabilis na ini-scan ni Luz ang hawak na folder kung saan nakapaloob ang mga schedule ng CEO. "You will be meeting Atty. Teodosio this morning sir para i-settle ang ilang bagay regarding sa loteng balak nyong bilhin for the company's extension." Sagot ng sekretarya. She tried as fast as she could to keep up with the CEO's long and sure strides.
"Will that be all?" Walang emosyong lumingon ito sa kanya.
"N-no sir ... M-may--
Itinaas ni Nick ang kamay para patahimikin ang sekretarya. "The rest, we'll talk about it in my office. For now, fix yourself and quit stammering. Don't make me think that I was drunk when I hired you." He said with his voice hard bago ito naunang naglakad. Agad namang nagsisunuran ang mga board of directors at tuluyang iniwan si Luz na natitigilan. She was appalled. Dapat sanay na siya, her boss was acting that way for two years now.
He was different from the first Nickolas Allen Sobremonte that she knew ... Way too different.
Two years ago, bigla na lang itong nawala, he was gone for more than a month, at ng magbalik ito, she knew the moment she saw his eyes that he wasn't back at all ... not yet.
until now.
Hindi pa bumabalik ang dating CEO na kilala niya. He was still different, lifeless. Since two years ago, ni hindi niya pa ulet ito nakikitang ngumiti o tumawa. His face was drained of emotion eversince. Naging mas nakakatakot ito. He doesn't have to say harsh words because his frigid face alone can kill you and send you on your edge. He was stiff ... More like heartless.
Tuluy-tuloy sa paglalakad si Nick, he was really irritated sa mga taong sumusunod sa kanya. All he wanted ay makarating sa kanyang opisina at lunurin ang sarili sa trabaho. What's new anyway? That's what his been doing all those days to keep himself occupied and to drive the pain away from his system. Most of the people may think na pinapatay niya ang sarili niya sa lahat ng trabahong ginagawa, but the truth was, that what keeps him alive. Hindi siya maaaring magkaron ng bakanteng oras, because that would mean death for him. For sure, he would be sulking, drowning himself with her memories.
He was over those days, kung saan para siyang kriminal na nagtatago sa isang sulok para lang umiyak at panghinayangan lahat ng nawala sa kanya. People on the outside, think that he's a god who deserves to be worship because of the power he got, pero ang totoo, he's just a man with that huge hole in him waiting to be filled. Nag-aantay din siya ng shooting star, wishing ...dreaming, that one day, someday he'll be happy. He's very different from the persona he always put on to cover his vulnerability. He's freezing outside, but wanting inside.
"Goodmorning sir." May iilang empleyado ang nakasalubong ni Nick, yumuyukod sila sa kanya, pero ni hindi niya sila binibigyang pansin. Even a glance, he didn't grant them.
Nagpatuloy siya sa paglalakad patungo sa elevator na nakalaan para sa mga executive officers. He was half on his way ng makuha ang kanyang pansin ng isang babaeng may pamilyar na likod. Nakatalikod ito sa kanya, nakaharap sa elevator at tila nag-aantay na magbukas iyon. She has that back like of Shiinel ... Yes si Shiinel. The name seems so old, but the pain it brings still cuts like a freshly sharpened sword.
Ipinilig niya ang kanyang ulo. His feet are aching to walk near that girl at kumpirmahin ang hinala, but his mind says no. Kapag ginawa niya yun, alam niya na ang mga susunod na mangyayari, magkakamali siya, mapapagkamalang bastos at masasampal. Ilang beses na nga bang nangyari sa kanya yun? Hindi niya na mabilang.
Noong mga panahong lulong siya sa sakit at pagsisisi, his mind had always been clouded by Shiinel's images to the point na nagha-hallucinate na siya. He would see every woman in his way as Shiinel. Ganon siya kasabik na makita ang dalaga, but now that he had mastered the art of pretention, there's no way in hell that he would let his imagination ruin him!
Yes, she's just an imagination, and will stay as one forever dahil hindi na siya babalik. And he? He would be wanting forever.
Nagpatuloy siya sa paglalakad, totally ignoring the glamorous woman in a red dress who has that very same back as of the girl he love. Nakasunod parin sa kanyang likuran ang ilang board of directors. He held the button of his suit and fix it.
"Ma'am anong floor po kayo?" He heard the elevator girl asked from his back. Hindi niya alam kung bakit, pero sinadya niyang bagalan ang paglalakad para marinig ang sagot ng babaeng may pulang bestida.
"Ground floor please."
Napako siya sa kinatatayuan. His hand automatically stop and his heartbeat raced. Of course it can't be ... Hindi pwede ang iniisip niya. But that word ...please, and that voice, that same angelic voice na matagal niyang pinanabikan. He can't be imagining again! Mabilis ang naging pagkilos niya, naglakad siya pabalik at hindi pinansin ang nagtatakang tingin ng mga board of directors na nakasunod sa kanya. Papasok pa lang ng elevator ang babae, he was still a few meters away from her and could only see her side. Pumasok na ito sa loob, and when she turned para humarap, he was totally appalled.
He was open-mouthed, but can't manage to utter a single word. It can't be ...it really can't be, pero nandito siya at at nasa harapan niya. She's moving and alive.
He stared at her for seconds, pero di tulad ng mga nauna, hindi nagbago ang mukha nito, si Shiinel parin ang nakikita niya. When he got his mind back, mabilis siyang naglakad para kuhanin ang atensyon nito.
"Shii--WAIT!" Nagsara na ang elevator door. Sinubukan niyang humabol, but he was late. s**t!
"Sir, may problema po ba?" One of the board asked, and he glared ng makitang lahat ng mga ito ay sumunod ay ngayo'y nakatitig sa kanya. The board automatically back-off.
"Move." He command. Umalis ito sa daraanan niya kaya nagpatuloy siya sa paglalakad.
HE'D BEEN sitting on his chair for almost two hours. Maraming papeles ang nakatambak sa kanyang harapan at nangangailangan ng kanyang atensyon, pero kanina pa siya walang ginagawa. For the first time, after two years, ngayon lang ulit niya naranasang tumunganga. Supposedly, he would have his head against the table and work his ass on, but there he is, pumping his stress ball while moving his swivel chair left and right. Kanina pa siyang tulala at iniisip ang nangyari kanina. Could it be true? Sinubukan niyang habulin ang babae kanina, pero hindi niya na ito naabutan pa.
Maraming bagay ang pumasok sa isip niya, mga tanong at posibilad. Mga posibilidad kung papaano siyang nabuhay at tanong kung bakit hindi siya bumalik.
He swiftly scan his table at napansin niya ang isang may kakapalang libro na nakapatong doon. He reached for it at sinipat iyon. Hindi niya na kailangan pang tanungin kung kanino yun nanggaling, he was sure na si Alex na naman ang nagpadala non. Alex had been sending him books from his own publishing house. Mostly, the story's genre is comedy. Hindi ito nagsasawang padalhan siya non, still hoping that he would take a break from all his works and try to light up.
Nilagay niya ang libro sa isang maliit na cabinet kung saan nakalagay ang iba pang librong naipadala sa kanya ni Alex, wala pa pa siyang nababasa ni isa sa mga yun. Minutes after, muli niyang binalingan ang libro at kinuha iyon. He scanned for the teaser and began reading.
Wala naman sigurong masama, if he would try one right?
He was half way done ng mapansin niya ang isang kulay itim na papel na nakapatong sa kanyang lamesa. Hindi niya iyon napansin kanina, because he was so engrossed with what he's reading. The book was good, he must say.
Kinuha niya ang itim na papel at binuksan iyon. Invitation? It was an invitation for the hotel Maya's First anniversay celebration. Yeah, he remember the hotel, sila ang naging supplier ng mga materyales na kakailanganin ng mga ito for the hotel's construction. He remember na nagkaroon pa ng kaunting aberya sa negosasyong iyon dahil sa dalawang corrupt employee, pero agad niyang tinanggal ang mga ito. On that very day, kasama niya si ... Uggh. Not again.
Agad niyang tinawagan si Luz para ipaayos ang kanyang schedule. He would be attending that said celebration. It would be tomorrow evening and he needs to make his schedule for tomorrow clear for some preparation. This means business. Kapag nagpatuloy ang paglago ng hotel Maya, his company could be the hotel's major supplier kung sakaling magtayo pa ang mga ito ng branches.
Pagkatapos tawagan si Luz, matagal muna siyang nakatulala bago niya muling binalingan ang hawak na papel. He scanned every bit of it, and a particular name caught his attention.
Sophia L. Carrantes
The name sounds good, pero ipinagkibit-balikat niya na lamang iyon, positively thinking na wala naman siyang pakialam kung sino ito. He will be there for business and nothing else.
But he thought it wrong. Very wrong.
NAGPASALAMAT muna si Sophia sa elevator girl bago tuluyang lumabas ng elevator. She was fishing for his car key inside her bag, ng biglang tumunog ang kanyang telepono.
Bae calling ...
"Yes hello?" She answered.
"Bae! Where are you?!" Napangiti ang dalaga ng marinig ang pagka-alarma ng lalaki sa kabilang linya. She could sense the irritation in his voice, gayunman, hindi man lang siya nabahala.
"Miss mo naman agad ako?" sumilay ang pilyang ngiti sa kanyang mapupulang labi ng marinig ang marahang tawa mula sa kabilang linya. She really knows how to handle him.
"You can't blame me." He answered nonchalantly. Muli siyang napangiti. "So where are you?" Muli nitong tanong.
"I dropped by here at NAS Company para personal na ibigay yung invitation for tomorrows celebration."
"Bae, you know that you don't have to do that. May mga tao naman akong inutusan para gawin yan." Narinig niya ang ugong ng mga sasakyan sa kabilang linya, and realized that he's driving. For sure, ay nagulantang ito ng malamang wala siya sa bahay kaya agad na hinanap siya. Tss, ang paranoid talaga nito.
"It's okay, gusto ko naman to. NAS, was a great part of our success kaya gusto ko lang gawin to ng personal."
"Eh pano kung naligaw ka?"
She rolled her eyes in annoyance. "GPS."
“Okay, okay. Kelan ba naman ako nanalo sayo diba?” Tumawa na naman ito sa kabilang linya. “Since nandito na rin naman tayo, I wonder if I can eat with my bae?” If she’s just with him, siguradong nalapirot niya na naman ang ilong nito. She’s more than sure na sobrang cute nito ngayon.
“I guess so? Your bae’s hungry.”
Napasipol ito. “I’ll fetch you there.”
“No, convoy na lang tayo. I can’t leave my car here.”
“Okay, kelan ba naman ako nakahindi? I’ll be there after minutes.” Bumilis ang ugong ng sasakyan. “Psh, get out of the way, naghihintay ang asawa ko!” Napamulagat siya ng marinig ang pagsigaw ng lalaki.
“Bae, you’re not doing it again. Are you?” Tanong niya sa kausap sa telepono. “Clarence.”
“Wala yun bae, I love you! See yah, muah!"
Napailing na lang siya sa narinig. Kahit kailan talaga ay napakakulit ng lalaking yun.
True to his words, minutes after ay dumating na nga ito. Nakangiti itong bumaba ng sasakyan at halos patakbong lumapit sa kanya para yumakap. "I miss you." He said bago siya nito kinintalan ng halik sa noo. He's always sweet.
Pumunta kami sa pinakamalapit na mall sa lugar. Mas gusto niyang kumain sa fast food ngayon, fine dining will be so stiff to appease her raging stomach. Yeah, nagugutom na nga siya, and she'll be so glad to have a whole pizza for herself.
Nang makarating sa mall ay agad silang pumunta sa fast food na paborito nilang tambayan sa tuwing luluwas sila ng Manila. Yeah, they don't really live here. Kaya nga takot na takot si Clarence nong malaman na umalis siya ng walang paalam. Alam kasi nitong ito ang unang pagkakataon na umalis siyang mag-isa.
"Stop staring at me." He said grinning. His diamond piercing compliments his manly grin.
"Uuwi na ba tayo pagkatapos nito?" She asked as she reached for the fried chicken. For a moment, tila may gusto siyang gawin sa fried chicken, hindi niya lang matukoy kung ano yun.
"You okay?" Napansin ata ni Clarence ang bahagya niyang pagkatulala.
"H-ha? O-oo, of course I'm fine." She smiled to assure him. "Ano nga ulit yung sinabi mo?"
"I said, not yet. I'm thinking of strolling for a while. Is it okay with you?"
"Of course."
Pagkatapos nilang kumain ay nag-ikot ikot pa sila ni Clarence, at ngayon nga'y kasalukuyang naghahanap ng dress shop.
She blink thrice ng mapansin ang isang dress shop with the name Sichee. A familiar picture swiftly flash in her mind. She wonder kung na-feature na or naging setting na ng isang pelikula ang lugar na iyon. It seems so familiar to her, even its name.
"Let's go?" Ngumiti si Clarence sa kanya which she sweetly return. She wrapped her arms around his, and saw how a pinkish tint crept on his cheeks.
One of things she love about Clarence aside from his illegally gorgeous face, ay ang pagiging totoo nito. Hindi ito nahihiyang ipakita ang pagiging childish at kilig na nararamdaman nito, and that makes her feel more loved and wanted. She feels special whenever she's with him.
The moment they entered the place, agad na tumutok sa kanila ang atensyon ng lahat. Why not? Clarence gorgeous image is just so irresistable and almost impossible to skip.
“Bae, makukulong ba ko kapag tinusok ko isa-isa ang mga mata ng mga yan?” She asked seriously, dahilan para mapatawa si Clarence. “Ngingiti mo diyan?” Sita niya sa lalaki dahil napansin niyang nakikipagngitian ito sa mga saleslady.
“To naman, alam mo namang ngiti ko na lang ang makukuha nila, you already got my heart bae.” He swiftly kissed her on her cheek dahilan para mapanguso ang kaharap nilang saleslady. Tinaasan niya ito ng kilay.
Tumawa si Clarence ng makita ang ginawa niyang pagtataray. Iginiya na lang siya nito sa isang bahagi ng dress shop para iiwas. Well, sanay na siya sa mga babaeng nagkakagusto kay Clarence. May iba nga tinititigan pa si Clarence kahit na kasama siya, but at least they knew their limitation. They would back off sa oras na malamang pagmamay-ari niya ang lalaki. Unlike that girl na harapan pang ipinakita ang pagka-disgusto sa kanya.
Idinaan niya na lamang sa pamimili ng damit ang inis na nararamdaman.
“You think they’ll love it?” Tanong niya kay Clarence na kanina pa nakapulupot sa kanyang bewang at tila ayaw humiwalay. Para itong pusa na singhot ng singhot sa kanya.
“Hmm, they’ll love whatever you give them bae.” He answered without looking at the thing she’s holding at patuloy na nakasubsob sa leeg niya. Napailing na lang siya.
“Even Flame?” Ngingiti niyang tanong dito. As expected, mabilis itong napatuwid ng tayo at tumutok ang mga mata sa hawak niya.
“H-ha? A-ah. Yeah, I think?” Napahagalpak siya sa naging reaksiyon nito. Takot lang nito kay Flame. Ngumuso ito ng ma-realize na pinagtitripan niya lang ito, dahilan para lalo siyang mapabungisngis.
Halos lahat ng tao sa loob ng lugar na iyon ay sa kanila nakatuon ang pansin. Sanay na rin naman siya sa ganon.
“Ang cute naman nila.” Bulong ng isang teenager sa kasama nito.
“Oo nga, kapag nag-asawa ako, sana ganyan din kami.” Sagot naman ng kasama nito. They’re both still wearing their school uniform.
“For sure, destined silang dalawa. Ganon kasi sabi ni sir diba, magkamukha daw ang mga soulmate. Look at them, they have the same smile and the way their eyes shine.”
It’s because we’re both happy. Sa isip ni Sophia. She felt Clarence lips formed into a smile. Siguradong narinig din nito iyon.
On their way out, a particular conversation caught her attention.
“Diba siya din yung babae dati? Akala ko pa naman asawa niya yung kasama niya nakaraan. Sayang, they look good pa naman.”
“Ssshhh, wag ka na ngang maingay.”
Lumingon si Sophia sa pinanggalingan ng boses and caught one of the saleslady directly looking at her way. Bigla itong napaiwas ng tingin. She knew na hindi siya ang pinag-uusapan ng mga ito because it’s her first time na makapasok sa Sichee. Hindi niya maintindihan, it’s just that she felt something ng marinig iyon. Guilt? But why?
Kinabukasan ay maagang nagising si Sophia for some final touches. Agad siyang nagtungo sa hotel Maya kung saan idadaos ang okasyon.
Hindi naman kalayuan ang hotel sa kanilang bahay kaya mabilis siyang nakarating doon. Sa may entrance pa lang ay agad niya ng napansin si Zach, isa sa mga hotel staff na pinagkakatiwalaan niya. Dinederektahan nito ang mga tao kung saan dapat ilagay ang mga bagay-bagay na kakailanganin mamaya.
“Oh Zach.”
“Ma’am, kayo pala! An aga niyo naman?”
Pabiro niya itong sinimangutan. “Pag-uusapan na naman ba natin yan Zach?” Tukoy niya sa pagtawag nito sa kanya ng ma’am. Hindi naman sa ayaw niyang igalang siya, hindi lang talaga siya komportable. Isa pa, Hindi rin naman nagkakalayo ang edad nilang dalawa to have such formalities.
“Ah, Sophia pala. Ang aga mo naman ngayon? Di mo naman kailangan pang pumunta eh, kaya na namin to.”
“Ayos lang, wala din naman akong gagawin sa bahay. Nasan pala si Peng?”
“Nandon, may inaayos lang din.” Turo nito sa loob.
“Ah sige, may sasabihin lang ako sa kanya.”
“Sige.”
Isa rin si Peng sa mga staff ng hotel. Well, halos lahat naman ng staff sa hotel na iyon ay naging malapit na sa kanya, since siya ang mas madalas na nasa hotel at nagma-manage non. She needs to have that approachable image para hindi mahiyang lumapit sa kanya ang mga staff sa tuwing nagkakaroon ng conflict.
Kasalukuyan silang nag-uusap ni Peng patungkol sa kanyang final instructions ng maramdaman niyang may mga brasong pumulupot sa kanyang katawan. Nakita niyang napayuko si Peng at tikom ang mga labi na para bang kinikilig.The moment she smelled that familiar scent, agad siyang napangiti.
“Bakit iniwan mo ko? Hindi mo man lang sinabing pupunta ka dito?” He murmured on her shoulder.
“Nakakahiya naman kasi sa laway mo kanina kung gigisingin pa kita.” Biro niya dito at siniguradong siya lang ang makakarinig.
“Grabe ka.” Bahagya pa siya nitong itinulak na para bang totoo itong nasaktan sa kanyang sinabi. Well, hindi naman totoo yung sinabi niya. Of course, she was just kidding. “Kasalanan ko ba kung napanaginipan kita?”
She heard Peng gasped, kaya agad siyang napaharap kay Clarence para kurutin ito. Sukat ba namang sabihin na naglaway ito dahil napanaginipan siya nito?! Ang lakas pa naman ng boses! Ang pasaway talaga!
Humalakhak lang ito ng malakas, dahilan para mas dumami ang nakatingin sa kanila. Alam niyang sa mga oras na yun ay marami na ang kababaihang kinikilig dahil kay Clarence, kaya agad niya itong pinatigil. Ayaw niya ng mas marami pang kaagaw.
“Ah, sophie, pupunta muna ko sa kitchen, may kailangan pa kasing ayusin doon. Sige una na ko.” Pagpapaalam ni Peng sa kanya.
“Sige, basta wag mong kalimutan yung pinag-usapan natin ah.” Paalala niya ulit dito. Tumango lang ito at Kinindatan pa siya bago tuluyang umalis. Alam niya ang ibig sabihin non, kinikilig na naman ito.
“Sino yun?” Tanong ni Clarence sa kanya.
“Si Peng yun, siya ang mag-a usher ng mga bisita mamaya. Nag-breakfast ka na ba?”
“Not yet bae. Peng?” Tanong nito sa apelido ni Peng.
“Peng Cammot.”
“WHAT?!”
“Sshh, she’s Peng Cammot. What’s with the reaction?” Nagtataka niyang tanong dito.
“W-wala lang …” Sagot nito, pero parang ayaw niyang maniwala na wala lang yun dahil lumolobo ang pisngi nito dahil sa pagpipigil na matawa. “Wala nga.” Ulit nito ng makitang hindi parin siya naniniwala.
Umiling-iling na lang siya at tsaka ito iginaya sa kitchen. Maybe he’s just hungry kaya medyo naninigas ang utak.
“MR. SOBREMONTE!” Agad na sinalubong si Nick ng isang pamilyar na bulto the moment he entered the grand place of hotel Maya. It was Mr. Arguilles, if he’s not mistaken. He gave the old man a slight nod na sinuklian naman nito ng isang malawak na ngiti.
“Kanina ka pa hinihintay ni Mr. Carrantes, marami siyang gustong sabihin sayo. He was really thankful to your company that he wants to—oh! I guess that isn’t my proposition to tell.” Tumawa pa ito. “C’mon, let me just lead you to their place.” The old man was talking with enthusiast habang naglalakad sila papunta sa isang lugar. How he hope that he would just shut up, he’s not in the mood to chat right now. Ang tanging gusto niya na lang ngayon is to close a deal and come back home para makapagtrabaho.
As they came near to a table kung saan nakapalibot ang ilang kalalakihan, na ang ilan ay ilang beses niya ng nakasalamuha, something caught his attention. Agad na napahinto ang mga ito sa kung ano man ang pinag-uusapan and acknowledge his presence.
“We meet again Mr. Sobremonte.” Bungad sa kanya ng isang lalaking nakilala niya bilang may-ari ng hotel.
“Yeah, good to see you again Mr. Carrantes.” He said.
“Hotel Maya is a success because of your company, and I was expecting a further negotiation with you Mr. Sobremonte. But of course, we have to drop it first and just enjoy the celebration.” Ngumiti ito.
He nodded in agreement. Napansin niya ang babaeng nakaupo sa tabi nito. Her hair was neatly arranged in a sophisticated bun, revealing more skin. Low cut ang kulay pula nitong gown, na umaabot hanggang sa kalahati ng kanyang likod, exposing her creamy and flawless back. He hissed harshly ng maramdaman niya ang urge na paglandasin ang kanyang mga daliri sa likod nito at alamin kung gaano iyon kakinis. s**t! It’s been two years since he felt that same feeling. It seems like alien. Wala ng ibang babae ang nakakuha ng kanyang atensiyon mula noon. Funny, but he's been fvcking celebate for two years now. There is just something in this woman na hindi niya maintindihan. Her back and the way she laugh with the other people sitting around the table … it is so familiar.
“By the way…” His hands travel to the woman na nakaupo sa tabi nito at inalalayan itong tumayo para humarap sa kanya. “I want you to meet Sophia Carrantes ...” When she finally turned to meet his face, tila nabato siya sa kinatatayuan.
She smiled at him.
“My wife.”
*****************************/****
Gee❤️