"Parang pamilyar sa akin itong bahay na ito," sabi ni Zaira habang nakatingin sa isang bahay na nasa gitna ng gubat. "Nakapunta ka na dito dati, 5 years old ka noong nagbakasyon tayo dito," sabi ni Liam habang binababa ang gamit nila. Naalala bigla ni Zaira na may inukitan silang puno noon kaya tinignan niya ang isa sa mga puno na nasa tabi ng bahay nila, nakita niya doon ang pangalan niya at ng mga kuya niya. "Pasok na tayo sa loob," sabi ni Liam nang mabuksan niya ang bahay. Kinuha ni Zaira ang ibang gamit niya saka sumunod sa loob. "Kuya, sino naglilinis dito?" tanong niya nang mapansing malinis ito agad. "Pumupunta si mama dito once a week para maglinis," tugon ni Liam. "Bakit hindi ko alam yun?" Wala siyang maalala na umalis ang mama nila. "Madalas nasa school ka kapag pumup

