"Isa kang umbra," sabi ni Crystal nang magpakilala si Zarah. Bukod doon naisip niya baka siya rin ang babaeng nakita nila sa mortal world noon dahil sa pangalan nito at parehas sila ng katawan nito. "Umbra?" tanong ni Kim. "Tawag sa katulad niyang nabubuhay sa anino ng tao. Pinanganak si Zaira na may dual soul: isa ang kilala nating si Athena habang ang isa naman magiging umbra at iyon si Zarah. Tinawag silang umbra dahil kahit iisa lang sila nabubuhay ito bilang anino lamang, may pagkakataon na nagagamit nila ang katawan nito pero mga ilang oras o araw lang ito," paliwanag ni Crystal. "Ngayon ko lang narinig yan, saan mo nalaman yan?" tanong ni Gin. "Nabasa ko." Mula pagkabata mahilig na magbasa si Crystal kaya mas marami itong alam kumapara kila Kim. "Yeah. Parang naalala ko nga

