Pumasok si Zaira sa battlefield na makikita sa loob ng malaking pabilog na stadium. Sa gilid ng battlefield may mga upuang nakapalibot para sa mga manood at sa taas may screen tv na nakasabit para mas makita ng malapitan ang nagaganap sa battlefield. May nakaharang na barrier sa battlefield para walang masaktan na manonood. Pagpasok ni Zaira nawala ang kaba niya at naging sabik ito sa laban. "Go Athena!" sigaw ni Tyler. "Go Zaira!" sigaw naman nila Kim. Nakaupo sila sa gilid malapit sa battlefield. Kinawayan sila ni Zaira habang nakangiti. "Ayan na yung makakalaban niya." May lumabas na lalaki galing kaharap na pintuang dinaanan ni Zaira. "Sino ka?" tanong ni Zaira sa lalaki. "I'm Drich from lower class, level 20." Tinignan ni Zaira ang dala niyang espada. "The battle will be s

