Nag-umpisang makaramdam ng kakaiba si Zaira. Nag-iinit ang katawan niya kasabay ng paninikip ng dibdib at panunuyo ng lalamunan na para bang gusto niyang uminom ng malamig na tubig. "Ken, hindi ako makahinga..." sabi niya sabay kapit sa binata. Napabitaw sa pagkakayakap si Max. 'Ganito din ba ang nararamdaman nila bago sila mamatay?' sa isip ni Zaira habang nakatingin sa mga kasama niya na sunod-sunod na namamatay. "Ano nararamdaman mo? May masakit ba sayo?" nag-aalalang tanong ni Max sabay hawak sa kamay ni Zaira. "Mainit, nauuhaw ako," sambit ni Zaira subalit may kakaibang napansin si Max. "Mainit? Pero ang lamig ng kamay mo," aniya sabay hawak sa leeg ni Zaira at noo. "Ang lamig ng mukha at leeg mo. Sigurado ka bang naiinitan ka?" tanong ni Max. Tumango si Zaira sabay takip ng

