Sa isang paaralan sa Outlandish, may dalawang lalaki at isang babae ang nag-uusap. "Handa na ba kayo?" tanong ng isang lalaking may kulay itim na buhok at may kulay abo na mata. Ang pangalan niya ay Dwayne Tyler Scovoille, 17 years old at isang werewolf. "Handang-handa na," sagot ng babae na may kulay dilaw na mata at itim na wavy na buhok; ang pangalan niya ay Adeline Kim Norwich, 17 years old, ang nag-iisang witch sa magkakaibigan. Tinignan ng isang lalaking may brown na buhok at asul na mata ang kanyang hawak na pintura. "Gin, nandyan na siya yung pintura," sabi ni Tyler sa kanya. Siya naman si Gin Apollo Bosworth, 16 years old, katulad ni Tyler isa rin itong werewolf. Sumilip siya sa bintana sa isang room sa 2nd floor kung nasaan sila nagtatago, nakita niya ang unang target nila

