Chapter 50

2187 Words

Magkatabing nakahiga da damuhan sila Zaira. Nakapatong ang ulo ni Zaira sa braso ni Blaize habang nakayakap ang isang kamay nito kay Zaira. Kahit na nangangalay na siya hinayaan niya lang ito matulog. Tinignan ni Blaize ang maamo niyang mukha saka nilagay ko sa likod ng tenga ang buhok nito na humaharang sa mukha. Bumaba ang tingin niya sa labi saka siya napangiti dahil naalala niya ang nangyari kagabi. "Ayoko na!" sambit ni Zaira nang hindi niya mahabol si Blaize. Umupo siya damuhan habang nakasimangot. Tumawa lang si Blaize dahil para itong bata na hindi nakuha ang gusto niya. Humangin ng malakas at napayakap sa sasarili si Zaira. "Ang lamig," aniya dahil basa pa ang damit nito at wala itong suot na jacket. Hinubad ni Blaize ang jacket niya saka ito pinatong sa balikat ni Zaira.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD