SEVEN

2363 Words

“Oh? Remi? Anong ginagawa mo dito? At bakit iisa lamang ang sapin mo sa paa?” Imbes na sagutin si Sister Martha ay niyakap niya ito. Ibinuhos niya ang lahat ng luha niya. Naramdaman niya ang paghagod nito sa likod niya. “Ayos ka lang ba anak? Halika, pasok ka muna,” nilakihan ng madre ang pagkakabukas ng berdeng gate na may nakasulat na malaking “Bahay Pag-asa” sa labas. “Gabi na ang pagdalaw mo anak. Tulog na si Izza,” kapagkuwan ay sabi ng madre. Inabot nito sa kaniya ang isang baso ng kape. Kasalukuyang nasa kusina sila ng bahay ampunan na iyon. Pagkatapos ng sagutan nila kanina ni Edward ay sa sementeryo siya dumiretso. Kinausap lamang niya ng kinausap ang puntod ni Angela hanggang sa gumaan ang loob niya. “Salamat po,” inabot niya ang kape. “Anak, ayos ka lamang ba?” nag-aalalan

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD