THIRD PERSON Hindi alam ni Ziche kung paano, anong nangyari at bakit si Simoun Ovledo ang ngayo'y nasa sasakyan, ang Ovledo ang kasama niya sa loob. Nasaan sina Kelly at Janne? Habang nagmamaneho ang asawa ni Simoun, si Ziche ay tahimik lang. Natatakot lalo pa't nakatutok sa kaniyang ulo ang baril na hawak ng lalaki, hindi tinatanggal. Hindi niya alam kung saan sila pupunta, saan siya nila dadalhin. Napapikit si Ziche nang maalala si Heitor. Alam niyang abala ito tungkol kay Zandro Vides, alam niyang hindi nito alam ang nangyayari sa kaniya ngayon at siguro'y akala nito, inihatid nga siya nila Kelly at Janne sa mansiyon na siyang siguradong hindi siya nito maliligtas mula sa mga Ovledo. Alam ni Ziche.. Naiiyak si Ziche, takot na takot. Hindi niya namalayan kanina, nang inaal

