"f**k you!" Isang malutong na mura ang pinakawalan ko ng ihinto ni Simon ang motor. Halos mahilo ang pagkatao ko sa bilis ng patakbo niya kanina. Napatingin si Simon sa akin na halatang nagpipigil ng tawa. "So mean," tinaasan niya ako ng kilay. Umirap ako at mabilis na inalis ang helmet na suot ko. Ganon' din ang ginawa ni Simon. Huminga ako ng malalim at dumiretso papasok ng bahay. Mag aalas singko ng hapon ng makauwi kami! My goodness! Alas diyes lang kami ng umaga umalis pero palubog na ang araw ng umuwi kami. "Are we going to the wedding?" Salita ni Simon habang nakasunod sa akin. Marahas akong humarap sa kanya. "Ano pang wedding ang aabutan natin? Huh?" Iritableng iritable ako habang sinusuklay ng mga daliri ko ang nagdikit dikit na buhok ko. Natawa siya. Nakakainis! Hindi ko matan

