"Bakit hindi niyo alam na may sakit ang ate niyo? Bakit siya may sakit?" Seryosong usal ni Mommy. Gusto ko sanang matawa sa mga sinasbi niya pero hindi ko magawa. "We don't know the reason either, Mom. Ikaw nga hindi mo alam." Sagot ni Prim. Nanatili akong nakapikit habang pinapakinggan ang usapan nila. Bahagya pa din akong nahihilo. Nakaramdam ako ng kaba ng maramdaman ko na may humawak sa kamay ko at pigain ito. I know si Glen iyon dahil kabisado ko na ang texture ng kamay niya. "Ano daw ang sabi ng doctor?" Ulit na salita ni Mommy. "They're running some test. Can you please calm down, Mom. Wag kang excited.." Rinig ko naman ang iritableng boses ni Sage. Gustong gusto ko nang dumilat pero natatakot ako. Natatakot ako sa hindi ko alam na dahilan. "Paanong hindi magkakasakit si, Maggi

