May pagtataka na wala sa kabahayan si Maia ng makapasok siya sa loob. Binigyan siya ng duplicate key ng dalaga kaya kahit anong oras pwede siyang makapasok sa bahay nito. Samantala,hindi naman niya makontak ang manager nito dahil busy ang line nito. "Maia?" muling pagtawag niya rito. Hanggang ngayon namamangha pa rin siya sa kulay ng bahay. Moderno ang mga kagamitan pero mas nakakakuha ng atensyon niya ay ang kulay dilaw na pintura ng pader. Masarap sa mata ang paligid dahil sa kulay niyun. Pinangahasan na niyang ikutin ang buong bahay dahil nagsisimula na siyang mag-alala para sa dalaga. Baka nakatulog lang ito. Malamang nasa silid nito kaya naman hinayon niya ang hagdanan nasa palagay niya ay kung saan naroroon ang silid ng dalaga. Agad na hinanap ng mga mata niya ang hallway. May d

