Muling pinagmamasdan ni Maia ang nahihimbing na si Mathew sa pagtulog nito. Nakaluhod siya sa gilid ng kama nito kung saan nakabaling ang mukha nito. Suot ang isa sa mga polo nitong muli. Alam na siguro niya na may kumukuha ng polo niya? Sa dami niyun baka hindi na niya mapansin,Wolfie. Saka ibabalik naman natin kapag sawa ko ng amuyin..pilya niyang tugon rito. Yeah,parang obsess lang ganern.. Tayong dalawa. Okay,wala na ko sinabi.. Napangiti siya sa pagsuko ng wolf niya. She heave a deep sigh. "Bakit kaya kahit tulog siya ang gwapo pa rin niya?" anas niya habang nakangalumbaba ang mga palad niya sa gilid nito. Tanging liwanag ng buwan lang ang tanglaw sa silid nito na sumisilip sa bahagyang nakabukas na balkonahe nito sa kung saan siya dumadaan palagi. Tama lang na gwapo ang iti

