"Hinayaan na kitang huwag matuloy yung photoshoot with that swimwear,Mathew! Ngayon,ako naman ang masusunod,baka nakakalimutan mo kasama yun sa ilalaunch natin ngayon!" naiiritang saad ni Tiara kay Mathew. Hindi alam ng mga ito na naririnig niya ang pinagtatalunan ng magpinsan dahil nasa labas ng dressing room nag-usap ang dalawa. Naiwan siya sa loob kasama ang manedyer niya na si Tita Emma at ang make-up artist niya. "May problema ata," untag ni Tita Emma. Hindi man nito naririnig ang pinag-uusapan ng mga ito agad naman nahalata nito na may problema. Napabaling siya rito. "Seloso ata yang Mathew mo,huh?" turan nito. "Ha?"kunwa'y di niya gets ang ibig sabihin nito. Tinaasan siya nito ng kilay. " Hula ko kasi baka ayaw ka niyang pagsuutin ng swimsuit..?" "Ganun?" "Hindi niyo ba n

