Walang ingay ang mga yabag ni Prinsesa Maria Adrialyn habang palapit sa natutulog na si Mathew. Napapanglawan lang ito ng liwanag ng buwan na tumatagos sa salin na pintuan sa balkonahe nito. Maingat na lumuhod ang prinsesa ng mga dilaw na lobo sa gilid ng kama nito kung saan nakaharap ang gwapo nitong mukha at nangumlababa habang pinakatitigan ito. Maingat na dumantay ang libre kamay ng prinsesa sa bahagya nakaawang na mga labi nito. Hinaplos ng hintuturo ang upper lip ng binata. "Bakit ang lambot ng labi mo?" usal ng prinsesa. Maya-maya pa ay bumaba ang mukha ng prinsesa palapit sa gwapong mukha ng binata. Napapikit ang Prinsesa ng maglapat ang kanilang mga labi. Napangiti ito habang magkadikit pa rin ang mga labi nila ng binata. Maya-maya pa ay biglang nagmulat ang binata. "Maia.

