Sa isang pribadong restaurant ang tagpuan nila ni Tiara Hilton ng gabing iyun para pag-usapan ang inooffer nito na kunin siyang model para sa launching ng bagong design na damit na ilalabas sa susunod na buwan ng pag-aaari ng M-Hilton Fashion.
Pinagkibit-balikat lang niya ang sinuot niya na hindi nababagay sa lugar na iyun. Isang V-Neck Yellow t-shirt na pinaresan niya ng hapit na kulay itim na pantalon na may tastas sa tuhod at yellow sneaker. Kapansin-pansin ang paninitig sa kanya ng mga nadadaanan niya habang tinutungo ang VIP room ng restaurant kung saan sila magkikita ng designer. Malamang nakikilala siya ng mga ito. Pero wala naman nagtangka na kumibo bagkus namamanghang nakatitig lang sa kanya.
Agad naman niya nakita ang babaeng designer na abala sa pagtipa sa hawak nitong aparato.
"Tiara Hilton?" pukaw niya rito sa pagsambit niya sa pangalan nito. Agad naman ito tumayo at namamanghang binati siya.
"Hi! Yes, it's nice to meet you,Ms.Maia Nuenzio! I'm one of your fan!" nagagalak nitong saad.
Nginitian niya ito ng makipagkamay ito sa kanya saka sinenyasan siyang umupo na kasabay nito.
"Actually,kinakabahan na naeexcite nga ko na makausap ka ng personal," umpisa nito.
Napangiti lang siya rito.
"Ahm,hindi na ko magpaligoy-ligoy pa..sinabi sakin ni Ms.Emma na deretsahin na kita since she told you about this," anito.
Napatango siya. Agad na nagustuhan niya ito.
"I have here the agreement..well,kung papayag ka sa proposal ko to be my model at my up-coming launching?" may pag-asam nitong saad. "Bago ang launching,magkakaroon muna ng photoshoot sa mga designs ko," inporma nito. "Since malapit na ang summer..kaya iyun ang tema ng photoshoot..shooting in the beach then swimwear and summer dress na mga dinsenyo ko at ng team ko na irarampa mo sa launching," anito.
"Hindi ba maaapektuhan ang business niyo dahil sa isyu na kinasangkutan ko?" agaran niyang pagtatanong rito.
Ngumiti ito. "A being professional wala sakin ang isyu-isyu na yan,Ms.Nuenzio..naniniwala ako na dapat lang bigyan ng leksyon ang mga lalaking pangahas," anito na kinangisi niya.
I like her na..
"Maia na lang ang itawag mo sakin,we're friends now,Tiara..I like you now being in my side,"aniya na may ngisi sa mga labi niya.
Napangiti ito sa kagalakan. " I like you more,Maia!"
Kinuha niya ang isang pulang folder na nasa harapan nito at pinasadahan ng tingin.
"Okay,I'm on it," aniya na labis na kinatuwa ni Tiara.
"OMG! really! Woah! you make me so happy,big time!"
Napangiti siya rito.
"Oo nga pala..we settled everything at our office tomorrow morning para na rin pag-usapan ang petsa ng photoshoot together with my cousin,the Owner of M-Hilton Fashion," magiliw nitong inporma sa kanya na kinatango naman niya.
"Ahm,may gusto nga pala akong sabihin sayo.." anito.
"Hmm?"
Alanganin itong ngumiti sa kanya. "Ang totoo hindi payag si Mathew na ikaw ang kunin kong model," anito na kinataas niya ng kilay.
Mathew?
"Oh,your cousin,the owner of M-Hilton Fashion?" aniya na lalong kinangiwi nito ng sambitin niya ang mga salitang iyun.
"Yeah,gusto ko lang ipaalam sayo ang tungkol dun na sakin na mismo manggaling kaysa sa iba mo pa marinig. Ayokong ipahiya ang sarili ko sayo," anito.
Tumango siya. She like her being honest.
"It's about my issue,rigth?" aniya na agad nito kinatango.
"Pero pumayag na siya kaya..I'm here to convince you and now you accepted my proposal!" agad na balik sa pagkagiliw nito.
"Hmm,pwede ko bang malaman kung paano mo siya napapayag?"
Napangiti ito. "Sinabi ko lang naman na icancel na lang niya ang launching..malaking kawalan yun sa kanya dahil ako lang ang main source niya para maging successful ang M-Hilton Fashion.." proud nitong saad.
Napangiti siya sa sinabi nito.
"I'm so flattered about that.."
"Let's prove him na ikaw talaga ang deserve na maging model ng M-Hilton Fashion.."
Napangiti siya rito. "Don't worry..I'll make him proud of you to choose me," aniya na kinamangha nito.
"I'm so excited now!" bulalas nito.
Hmm,may naaamoy akong hindi ka gusto ng Mathew yun,prinsesa! Baka isa siya sa haters mo!
Oh well,excited na kong makita siya...