Masuyong hinawi ni Mathew ang ilang hibla ng buhok na tumatabing sa magandang mukha ni Maia. Mahimbing pa rin ito natutulog sa bisig niya. Agad na natigilan ng gumalaw ito at lalo pang nagsumiksik sa katawan niya na nagpangiti sa kanya. Tila isa itong baby na umaamot ng init mula sa ina. May ngiti sa mga labi na hinapit niya ang dalaga at sinubsob ang mukha sa mabango nitong buhok. He sighed. Hindi niya malilimutan ang mainit na pag-iisa nila ng kasintahan. Naging agresibo sila sa pag-angkin ng isa't-isa. "Morning," paos na usal ni Maia. "Hey..morning,princess," agad na pagtugon niya rito. Matamis na ngiti ang nasilayan niya ng tingalain. Mabilis na pinatakan niya ng halik ang tungki ng ilong nito. "Hmm,hindi ba kita nasaktan kagabi?" Napangisi siya sa tanong nito na kinapula ng mga

