Magkatabi sila ni Maia sa harapan ng bar counter kung saan nakalapag ang gintong bote na binigay ni Zei. Ang inumin ng pagtanggap. Hindi malubos maisip ni Mathew na totoo nga ang pinagsasabi sa kanya ni Zei. Maia is really fuvking a princess! A wolf princess! Napukaw siya ng tumikhim si Maia at may alanganin na ngiti sa mga labi na dinampot nito ang bote. Hindi niya pa nasusubukan buksan ang bote pero..gusto niya mas lalong masiguro na totoo nga ang lahat ng ito. "Okay lang ba...na..subukan kong buksan?"maingat niyang saad. Ayaw niya maoffend ito na hindi pa rin siya naniniwala rito. Ngumiti ito at tumango. Agad naman siyang nakahinga ng maluwag. "Salamat.." aniya at kinuha rito ang bote. Buong lakas binigay niya para buksan ang takip ng bote. Simple at mukha lang naman madali iyu

