Tok tok tok
"Anak, Savanna gising ka pa ba? "
Boses ni Nay Lor mula sa labas ng pinto nitong aking silid. Kaya tumayo ako at pinag buksan ang matanda.
" Bakit po Nay? "
Humihikab pa na tanong ko.
" Nako anak mag ayos ka ng sarili mo, may manliligaw ka sa baba! "
Napamulagat ang aking mga mata sa dahil sa gulat.
" Sino Nay, eh wala naman akong kilala na lalaki na malapit saakin? "
" Si Clint anak ang nasa ibaba "
Tila kinikilig na wika ni Nanay Lor
" Sira talaga ulo ng lalaki na yun nay, bahala sya matutulog na ako, hahakbang na ako pabalik sa kama ng bigla aki hilahin n Nanay, sabay hinawi at inayos niya ng konte ang aking buhok.
" Okey na yan maganda ka naman kahit anong ayos mo pa "
Wika ng matanda na nakangiti pa.
My goodness lakas talaga ng sapak sa utak nung Clint na yun, akala ko nagbibiro lang kanina kaya hindi ko pinansin, sana pala nag reply nlng ako na inaantok na ako nakakainis talaga! Nagpapa padyak ako ng mahina na ikina ngisi ni nanay Lor.
" Hello beautiful, kasing ganda mo ang gabi "
Nakakadiri na pagbati ng lalaki sa akin na inikotan ko ng aking mata..
" Flowers for you "
Abot niya sa akin ng isang paso na may tanim na kulay pula na rosas..
" ano to?, " pigil na pigil na tanong ko pero gusto ko na tumawa kasi malakas talaga sapak ng lalaki na to sa ulo.
" Galing sa greenhouse namin sa bahay, tanim ni mommy, kinuha ko kasi kung oorder pa ako ng flowers baka bukas na makarating anong oras na "
Mahaba na paliwanag ng baliw..
"Sino ba kasi nagsabi na pumunta ka dito?"
" Sariling desisyon ko to Sav, malupit na pagtatalo ng isip, puso at kahihiyan ang pinagdaanan ko habang nagmamaneho ng kotse papunta dito "
Sa kanyang sinabi, doon ko na hindi napigilan na tumawa ng napaka lakas!
Hahahahahahahahahahaha
" Ano ba kasi pumasok sa isip mo, ha? "
"Gusto ko kasi tala manligaw sayo hindi ko lang alam kung paano sisimulan, kaya kanina nakakita ako ng opportunity kaya heto ako sa harap mo, dala ang paboritong tanim ni mommy"
Lalo ako natawa sa kanyang sinabi pero diko maiwasan na titigan ang namumula niyang mukha na tila hiyang hiya na batang kausap ang crush nya.
Hahahaahahahahahah mahaba na tawa ko pang muli dahil hindi ako makapag move-on, nawala ang antok ko sa kanya.
" Lagot ka sa mommy mo, paano mo yan ipapaliwanag saknya? "
" Bibilhan ko na lang siya ng bag o sapatos hindi na yun magrereklamo pa "
Ehem ehem ehem, boses ni nay Lor na nag lingon sa amin.
" Excuse me lang mga anak ha, kukunin ko lang itong halaman na napaka ganda, itatabi ko muna at saka mo nalang ayusin bukas anak, at ako'y matutulog na sabihan mo nalang si Jen sa kwarto niya na siya na mag sara ng mga pintuan. "
" Thank you po nanay Lor, I'm so happy to see you again "
" Ako rin anak, masaya ako na bumalik ka na at may makakasama na si Sav na kaibigan "
Wika ng matanda at naglakad na paalis na sinundan nalang namin ng tingin.
Araaaay!
" Masakit Sav, bakit ka nang kukurot?, para kang langgam "
"Nakakainis ka kasi para kang tanga"
" Sakit mo magsalita baby, yung pagmamahal ko para sayo parang tanga lang, ganun ba? "
Nagdadrama na wika ng lalaki na kung hindi mo kilala na maloko iisipin mo na totoo ang sinasabi sayo.
"Wag mo ako titigan ng ganyan Sav, baka hindi na ako makatulog niyang mga titig mo at please lang mag damit ka naman kapag bigla ka sumulpot sa isip ko "
Hahahahahahahahaha "ewan ko sayo sira ulo ka talaga ikaw pala itong may pagnanasa sa akin "
"At Least ako aminado, yung iba dyan denial pa "
"Magtigil ka nga! Napindot ko lang yun! "
"Kasi nga stalker kita, ni search mo"
Dun ako hindi naka imik at pakiramdam ko pulang pula mukha ko sa kahihiyan, dahil guilty talaga ako sa part na yun.
"Totoo kaya hindi naka imik"
Pang aasar pa saken ng lalaki na to.
"Seriously Savanna Gomez, can I court you? "
" bakit ako? "
"Bakit hindi"
"Ang dami kaya nagkakagusto sayo sa comsec ng IG nabasa ko"
"Hindi sila ikaw, wala akong pake alam sa kanilang lahat. "
"Ang harsh mo dun ha"
"Gustong gusto kita Sav maliit palang tayo, hayaan mo sana ako na tuparin ang pangarap mo na makasal sa akin "
Araaaay! "Battered husband ang dating ko nito sayo sa future "
Pangungulit pa ng lalaki sa akin..
"Paano kita paniniwalaan kung ganyan ka sakin? "
Tinitigan niya ako ng matagal, na ikina ilang ko naman dahil napaka seryoso ng mukha nya ngayon, hinawakan nya ang isang kamay ko at pinisil pisil pa.
"Tumingin ka sa mga mata ko please, ikaw lang Savanna Gomez, ikaw lang ang dahilan ng bawat pag tigas nito "
Araaaay! Ang sakit.. Mapanakit ka talaga.. Tama na Sav, at para kaming tanga na nag hahabolan sa sala dahil sa kalokohan ng isa na ito! Yung kamay ko ipinatong ba naman sa pagka lalaki nya! Siraulo talaga!
"Layaaaaaas! Hindi ka uuwi?, babasagin ko itong malaking flower vase sayo. "
Pananakot ko kunwari sa kanya, pero ang totoo nagtatayuan ang balahibo ko dahil ito ang unang beses na naka hawak ako ng pag aari ng lalaki, oo nga at nasa labas naman ng suot niya na pantalon, pero hindi maitatanggi na malaki yung nahawakan ko kanina lang.
"Balik na lang ako bukas, good night beautiful "
Pasigaw na pag papa-alam ng lalaki na ikina iling ko na lamang.
Papa!
Gulat na bati ko kay papa na nasa kusina ngayon at umiinom ng tubig.
"Si Clint ba yun anak? "
"Opo papa, napaka maloko talaga nangulit lang po dumayo pa dito"
Tango-tango lang ang sinagot ni papa, sabay halik sa pisngi ko at nag paalam na babalik na sa pag tulog.
Bubuksan ko palang ang ref para kumuha ng malamig na tubig ng may pahabol pa na habilin si papa.
"Anak, maging maingat ka sa pagpili ng lalaki na mamahalin, ingatan mo ang puso mo.. Hindi mo maiiwasan ang masaktan sa hinaharap dahil kasama talaga sa buhay pag-ibig ang saya, lungkot, selos at sakit.. Ngunit kung tama na lalaki ang pipiliin mo, hindi ka mag-isa na lalaban sa lahat ng pwedeng sakit na ibigay sayo ng buhay.. Goodnight anak '
Mahaba na sabi ni papa na tinandaan ko, mahal ako ni papa alam ko na hindi niya ako sasaktan kaya lahat ng habilin niya at buong puso ko na sinusunod.
Nang maka alis na si papa ay pinili ko muna na maupo sa sala..
Kailangan ko na talagang kalimutan ang lalaki sa aking panaginip.. Dahil sabi nga ni Nanay Lor, panaginip lang iyon.
Napa buntong hininga ako..
Kung seryoso naman si Clint saakin, susubukan ko , mabait naman sya magaan kasama, may kakulitan at kapilyuhan lang talaga na taglay.. Grabe! Hindi ko man masyado nahawakan ang bukol niya ramdam ko na matigas yun.. Ano ba to parang biglang pumintig ang aking p********e nakakahiya isipin, kaya umakyat na ako sa taas naabutan ko na umiilaw at nag ba vibrate ang aking cellphone kaya sinagot ko ang tawag.
" hello beautiful kakauwi ko lang ipina-paalam ko lang sayo, baka mag alala ka sa soon to be husband mo.
"Mahangin ka ano? "
Sagot ko na natatawa kase hindi man kami pero yung i update nya ako, respeto yun sa tao..
"Sige na baby matulog kana, bawal sayo ang magpuyat, wet dreams "
Kaya pinindot ko na ang end call kasi naman natamaan ako sa wet dreams niya..
1 message received
Binuksan ko at namula ako sa nakita, letsugas talaga na Clint baliw yan! Nakahiga sa kama naka brief lang at nakabukaka pa! Baliw talaga.. Napapa iling na itinaob ko ang aking aparato, bahala siya sa buhay nya.. kaya nahiga na ako at ipinikit ang aking mga mata..
" Hey G its me again.. Thank You sa maghapon na patnubay .. "
Bulong ko habang naka pikit..