Sabi ni Brent sa bahay daw muna kami, mamaya na kaming hapon pumasok, kaya tumambay muna kami sa hardin, nakaupo habang nagkakape. " Alam mo ba love na napapanaginipan kita dati?, simula pa noong teenager ako. Hindi malinaw ang mukha mo pero ang bulto mo ay kabisado ko. " " Nakahubad ba ako sa pananigip mo baby? " Sa kanyang seryosong tanong ay pinaka titigan ko ito ng matalim. " Alam mo Brent Evangelista, gwapo ka lang talaga pero wala kang kwentang kausap. " Pagkasabi ko non ay nagpapadyak ako na tumayo at tinungo ang dulo ng hardin kung saan naka tanim ang aking mga gulay. Namangha ako dahil ang lago ng mga dahon ng pechay, at namumunga pa rin ang talong. Kaya't kumuha ako ng pansapin sa kamay at pang gupit. Sinimulan ko na ang pag bunot sa mga pechay at pag ani ng mga talong,

