Inihatid na nga ako ni Brent sa aming bahay hinalikan niya ako sa labi, papasok na sana ako sa loob ng bigla niyang hinila ang aking kamay . " Sorry kung nasaktan ka nung mga kasambahay ni Lolo, isa lang sila sa nag aakala na perpekto ako, pero Ikaw pa lang, ang unang tao na hindi ko kapamilya na nakakita ng ibang ugali na meron ako, sana matanggap mo na hindi ako ang lalaki na inaakala ng lahat, pero isa lang mapapangako ko sa'yo kapag sinabi ko na ikaw lang, paniwalaan mo ito. Dahil walang ibang babae ang naka lapit sa'kin ng ganito. Ikaw pa lang.. Good night baby. " Hindi ako nakapag salita kaagad kaya, tumango na lang ako at pumasok na sa loob ng bahay. Naglinis ng katawan at napatunganga ako sa kisame.. Ganun pala un, hindi maiiwasan na ipagkumpara ang nakaraan at ang kasalukuyan.

