Nasa loob na nga kami ng eroplano, ilang saglit lang ay bababa na kami. Nakapag paalam naman kami ni Jen sa aming mga doktor at pumayag naman ang mga ito dahil hindi naman maselan ang aming pag bubuntis, basta huwag lang daw kami sumabak sa mga activities na matatagtag kami ng sobra, kaya sigurado hanggang langoy at lakad lakad lang kami nito. Wala naman sa aking problema ang gusto ko lang naman ay mag bakasyon hindi naman ako yung tao na mahilig sa sports. Mas gusto ko tumunganga sa kalikasan. Ilang sandali pa ay lumapag na ang aming sinasakyan pinakilala ako ni Brent sa kanyang kaibigan na si Keaven ang piloto ng aming sinakyan na eroplano.Gwapo ito at mukhang may sinasabi din sa buhay, kalbo ang gupit ng buhok at may konting tumutubo na balbas sa kanyang mukha, mamulamula ang kulay ng

