Habang kumaen kami naisipan ko na i open ang about sa bakasyon. " Jen may alam ka ba na resort sa probinsya ninyo yung pwdede tayo mag stay kahit 1 week? " " Sa Calaguas Island ba?, nako meron! matutuloy at makukulayan na ba ang matagal nating drawing? " Tumango ako na naka ngiti kay Jen, kaya ang babae parang bata na nagtatalon sa tuwa. " Kailan mo ba plano, para maayos ko na ang lahat?, syempre bigyan mo ako ng pera ng gumalaw na ang baso. " " Ako na ang bahala Jen, ikaw Brent kung sasama ka ayusin mo na ang lahat sa trabaho mo. " Wika naman ni papa na tinanguan ng aking kasintahan. Gusto ko ng bakasyon sa dami ng nangyari sa akin nitong mga nakaraan, gusto ko ng pahinga. Pagkatapos kumain ay umakyat na kami ni Brent sa taas. " Baby, uuwi muna ako sa bahay huh?, marami akon

