Maagang gumayak si Lucille dahil may usapan sila ni Summer na mag mamall silang dalawa. Pag labas ni Lucille ng kwarto at dumiretso siya sa kusina nakita niya si Darcie na nag luluto. “Bakit ikaw ang nag luluto, Darcie?” tanong ni Lucille at hinalikan ang pamangkin niya. “Tulog pa si Astrella ate, kaya ako na po ang nag luto” sagot nito, tumango si Lucille. “Nasaan si Raiden, tulog pa rin?” nakakunot ang noong tanong ni Lucille sa dalaga. “Nasa labas po ate, bumili ng pandesal.” sambit ni Darcie, tumango si Lucille at hinarap ang dalaga. “Pwede ko bang hiramin si Zy zy? punta kaming mall, kasama ko si Summer don't worry, kaibigan ko.” sambit ni Lucille, tumingin si Darcie kay Lucille at tumango. “Sige po ate, mag enjoy po kayo” nakangiting sambit ni Darcie, tumango si Lucille a

