Kabanata V

1339 Words
Habang kumakain ang mag kaibigan, may biglang namataan si Lucille, nakita niya si Lincoln na nag hahanap ng lamesa dala ang tray ng mga pagkain niya. Tatawagin dapat ito ni Summer pero sakto namang umalis ang table sa tabi nila kaya hindi na siya tinawag ni Summer. Tinitigan ni Lucille ang binata, si Lincoln ang typical nerd pero guwapo, matipuno ang katawan niya, maganda ang mata, sa madaling salita gwapo na matalino. “Hindi ba ganyan ang mga type mo girl? yung parang si Lincoln?” bulong ni Summer, pinandilatan naman ni Lucille ng mata si Summer, dahil baka marinig sila ni Lincoln. “Tumahimik ka, marinig ka pa niya.” bulong ni Lucille sa kaibigan. “Ay sorry, wait order lang ako ng dessert.” sambit ni Summer, tumango si Lucille at pinagmamasdan ang dalaga. Habang hinihintay ni Lucille si Summer, biglang dumating si Mirane. “Good noon pres” nakangiting sambit ni Mirane. “Good noon Mirane, kumain kana ba?” tanong ni Lucille sa kaklase. “Kakain palang pres, bibili lang ako ng inumin. Naiwan ko sa bahay tumbler ko, tapos kana ba kumain pres?” tanong ni Mirane. “Oo, baka gusto mo sumabay sa'min? kakain pa kami ng dessert ni Summer.” pag aalok ni Lucille kay Mirane. “Hindi na pres, kasabay ko rin ang kaibigan ko na kumain, nasa garden siya ngayon. Una na ako pres, bibili pa ako ng inumin.” nakangiting sambit ni Mirane. “Eatwell, Mirane.” nakangiting sambit ni Lucille, ngumiti ang dalaga at tumalikod na para pumunta sa counter, lumipat ang tingin ni Lucille kay Lincoln at nginitian niya ang binata, tipid na ngiti ang sumilay sa labi ni Lincoln at tinuon na ang paningin sa pagkain. “My gosh! nakaka stress ang pila, hindi ko carry!” maarteng sambit ni Summer, tumawa si Lucille sa kaartehan ni Summer. “Sabi ko na kasi sa'yo huwag na, ang hilig mo stressin sarili mo.” sambit ni Lucille. “Gusto ko ng dessert Luci, tsaka I bought your favorite.” nakangiting sambit ni Sunmer at inabot ang leche flan kay Lucille. “Thank you Summerbelle.” nakangiting sambit ni Lucille, tumili naman si Summer at pinandilatan siya ng mata. “Ano ka ba?! bakit buo? ang pangit!” reklamo ni Summer, tumawa si Lucille at hindi pinansin ang kaartehan ng kaibigan niya. “Ang arte mo, pangalan mo naman iyon.” naiiling na sambit ni Lucille sa kaibigan. “Hey any way, diba may bagong love letter? basahin mo dali dali, excited ako omygosh!” sambit ni Summer, tumango si Lucille at kinuha ang bagong sobre na nakuha niya sa lamesa niya sa ssg office. Asul na kalangitan Para kang asul na kalangitan, napaka banayad ng iyong presensya, mga salita mong parang sumasalag sa bawat hapdi at sakit ng mga insultong natatanggap ng mga estudyanteng nasasakupan, parang ang mga ulap lang sa kalangitan na sinasalag ang init ng haring araw na tumatama sa ating balat, pero tulad ng asul na kalangitan, ang hirap mo abutin, para akong nangangarap ng gising sa tuwing pinagmamasdan kita sa kalayuan. Hindi mawari ang nararamdaman, may takot sa aking kaloob looban dahil hindi ko alam kung may pag asa ba ako, pero katulad ng ligawan noong unang panahon, ito ako gusto kong iparating sa'yo na hindi ako nag hahangad ng kahit anong kapalit. Hindi ako nag hihintay ng sagot na ‘oo’ dahil alam ko namang ikaw lamang ang makadarama niyan. Gusto kong iparating ang sinsero ko na pag hanga saiyo, hindi mo man nakikita ang katauhan ko, gayun pa man, gusto kong maramdaman mo ang presensya ko sa bawat titik na aking nilalatag sa papel na ito. Tulad ng makalumang panahaon, walang kupas ang iyong ganda, araw araw kitang inaabangan tuwing umaga, umaasa na palagi kong mapag masdan ang iyong ngiti, sa totoo nito ay sa ngiti mo ako humuhugot ng lakas para ipag patuloy ng matiwasay ang aking araw. Ikaw lamang ang babaeng nag paramdam sa'kin nito, hindi ako naniniwala sa gayuma pero parang may kung anong mahika na ibinibigay ang iyong tingin sa'kin, nais kong sambitin ang mga katagang ito, ‘sana patuloy mong isuot ang tunay mong ngiti, huwag mong hayaan madala ka sa agos ng mga salita ni Sanchez, tunay kang kahanga hanga, binibining Lucille.’ “What? gayuma? is that love spell?" tanong ni Summer, tumango si Lucille at isinilid sa sobre ang papel at inilagay niya sa bag niya. “But, wow! he is so effort ha! I mean that kind of like, love letters?! so f*****g rare babe!” kunwari pang naiiyak na sambit ni Summer. “Ang arte mo bading, tumahimik ka r’yan. Pero totoo, I love love letters, kung sino man ang nag bibigay nito, mygosh! he's rars.” sambit ni Lucille habang malapad ang ngiti. “You are kinikilig, omg! Lucille! I am gonna tell this to lolo Ambrose!” excited na sambit ni Lucille. “Hoy! anong tell lolo Ambrose?! gaga, hibang ka ba?” gulat na sambit ni Lucille, napatigil naman si Summer at tinitigan ang kaibigan. “Hehe, sige no na.” sambit ni Summer. “Tsaka, may communication ka kay lolo, Summerbelle?” naniningkit ang matang tanong ni Lucille sa kaibigan. “Yes, he told me to take care of you, and he told me to love you, you know. And he told me to report it to him kapag ano, inaway ka rito sa school, awe I miss my lolo so much.” nakasimangot na sambit ni Summer. “Sumasakit ang ulo ko sa pag sasalita mo, so conyo” nang aasar na sambit ni Lucille, tinignan siya ng masama ni Summer at dahan dahan nang tumayo, mabilis na tumayo si Lucille habang hawak ang bag niya at tumakbo palayo sa kaibigan. “Lucille! wait for me!" sigaw ni Summer at pilit hinabol si Lucille. Pinag masdan ni Lincoln ang dalawang dalaga na tumatakbong umalis sa canteen, nakangiting inalala ni Lincoln ang sinabi ni Lucille kanina. Napag desisyunan niyang linisin na ang lamesa nila Lucille at isabay na sa pinag kainan niya. “Oh bro?! what are you doing? are you now a waiter here?” natatawang tanong ni Enzo pagkakita kay Lincoln na inaayos ang lamesa nila Lucille. “A little respect on the waiter's job won't hurt, Enzo.” seryosong sambit ni Lincoln at iniwan ang kaibigan na nakatanga roon. “Ate, ito na po ang pinag kainan namin.” sambit ni Lincoln. “Naku Lincoln, salamat” nakangiting sambit ng head cook ng cafeteria. “Wala pong problema” sagot ni Lincoln at tumalikod na para pumunta sa garden, pero hinarangan siya ni Enzo sa labas ng canteen. “Lincoln, bakit mo ako pinahiya kanina?” tanong ni Enzo, pinagmamasdan ni Lincoln ang binata na nasa harapan niya. “Hindi kita pinahiya Enzo, ikaw ang nag pahiya sa sarili mo. Hindi porke nag lilinis ako ng table, waiter na ako. And if you will defend your claim that it's just a joke, jokes are meant to be funny man. Not like that, go get your trash ass jokes to someone else, not on me. Excuse me.” sambit ni Lincoln at tinalikuran na ang lalaki. “What? what? you're unbelievable, Lincoln. Stop being sensitive, you're like a f*****g girl.” sagot ni Enzo, hinarap ni Lincoln ang binata. “The word ‘sensitive’ doesn't subject to all of the girls around the world, hindi lang babae ang pwedeng maging sensitive. And mind you, I'm not sensitive, you just need to stop being insensitive sometimes, jackass.” sambit ni Lincoln at binangga ang braso ng kaibigan pagkatapos lagpasan. Akmang susugurin ni Enzo si Lincoln pero humarang si Lucille. “Frost, alam mong pinag babawal ko ang gulo sa school. Kung gusto mo makipag away, sa labas kayo mag suntukan.” mataray na sambit ni Lucille, tinaasan niya ng kilay ang lalaki ng hindi ito natitinag. “Kailangan pa ba kitang kaladkarin papunta sa guidance, Frost?” tanong ni Lucille, tinignan siya ni Enzo at tumalikod na.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD