Chapter 5

2865 Words
Na-discharge na sa hospital ang bunso niyang kapatid na si Arvin ngunit hindi ibig sabihin no'n ay magaling na 'to. Babalik pa rin sila roon sa mga sinabing araw para sa medication at mga proseso upang gumaling na ito. Ngunit dahil nag-aaral siya, hindi niya pa rin ito mababantayan kaya naman kumuha na siya ng tagapagbantay nito sa tuwing wala siya. "Alis na ako 'te. Punta agad ako rito bukas ng umaga kapag aalis ka na," ani Celine, ang 18 years old na kapitbahay nila na kinuha niya bilang bantay ni Arvin. 'Yong nagbabantay kasi sa kapatid niya no'ng nasa hospital pa 'to ay may trabaho na kaya naghanap na siya ng iba. "Sige, Celine. Maraming salamat." Pinanood niya ang pag-alis nito. Bago pa siya makapasok sa bahay nila ay biglang lumapit ang matanda niyang kapitbahay rin. Nagpapaypay ito ng sarili at ang isang kamay ay nasa bewang habang nakatitig sa kaniya ang mapanghusga nitong mga mata. "Aba'y, kumuha ka ng katulong?" tanong nito. Tumango si Avionna. "Taga-bantay lang po ni bunso habang wala ako," magalang niyang sagot. Napaismid ang matanda. "Afford mo ba? Sa daming gastusin ngayon, nagawa mo pang kumuha ng katulong. Pareho lang naman kayo ng antas sa buhay. Mas mahirap pa nga yata kayo ro'n kina Celine dahil may magulang pa 'yon." Natikom ni Avionna ang labi at tinitigan ang matanda. Isa ito sa pinaka-chismosa nilang kapitbahay. Bumuntong-hininga siya. "Wala naman po 'yon sa antas ng buhay. Nasa pangangailangan at kakayahan magbayad. Ayos lang din naman sa magulang ni Celine at sa kaniya, para kumita raw siya habang tambay lang." "Asus!" napailing-iling ang ginang, nasa tono ang pangungutya. "Ikaw naman kasi, Avionna, napakaambisyosa mo! Imbes na tumigil ka na lang sa pag-aaral para mas matutukan mo ang tatlo mong kapatid, aba'y kumuha ka pa ng kasambahay para lang ipasa ang responsibilidad mo. Ano ba ang course mo?" tanong nito. Pilit niyang pinahaba ang pasensya. "Bachelor of Science in Office Administration po." Napangiwi ang ginang saka umirap. "'Yan lang pala, akala ko med o engineering kaya pinaglalaban mo nang ganiyan ang pag-aaral mo." "Kapag huminto pa ho ako, mas lalo akong malalayo sa mga oportunidad na posible kong makuha kung makapagtapos ako. At ako naman po ang magbabayad kay Celine. Naiintindihan din ng mga kapatid ko na hindi ko sila matutukan dahil alam nilang para sa kanila ang ginagawa ko, kailangan lang ng kaunting sakripisyo." Bumilis ang pagpaypay ng ginang sa sarili. "Akala mo naman ay mataas ang maaabot mo riyan sa tinatapos mong kurso!" Umismid ito. Pilit na ngumiti si Avionna. "Ikaw po ba, ano ang maaabot mo sa pangingialam sa akin? Hindi po ako humihingi ng kahit ano sa inyo." "Aba't bastos ka! Sumasagot ka nang ganiyan?" Nanlalaki ang mata ng matanda, hindi makapaniwala sa sinabi niya. "Baka nakakalimutan mo, nagbigay ako ng abuloy no'ng burol ng mga magulang mo!" tumaas na ang boses ng matanda. Napailing si Avionna saka umatras. Hindi niya alam kung ano ba talaga ang ipinaglalaban nito. "Kung gagawin niyo lang po 'yan na pangsumbat sa akin, sabihin niyo lang po ang halaga para maibalik ko na lang," mahinahon niyang saad. "Aba't talaga—" "Tiyang Angie, ano na naman po ba 'yan?" saad ng nagmamalasakit na si Berna nang makalapit. "Ay itong bata na 'to, napakabastos! Akala mo kung sino. Nakakapagtrabaho lang, ang yabang na." "Hindi po ako nagyayabang. Ang sa akin lang po, huwag mong hamakin ang pag-aaral at desisyon ko. 'Yon lang po. Ate Berna, papasok na po ako," kalmadong saad niya saka tinalikuran na ang dalawa. "Naku, Tiyang Angie, huwag mo ng pakialaman si Avionna. Matalino ang batang 'yan at napakasipag. Ginagawa niya ang lahat para sa mga kapatid niya," rinig niyang saad ni Berna. "Ginagawa lahat? Hindi nga matigil ang pag-aaral para maalagaan ang mga bata! Kumuha pa ng katulong, akala mo kung sino." Napalunok nang malalim si Avionna saka sinara ng pinto. Naninikip ang dibdib niya ngunit kahit papaano ay gumaan nang marinig ang pagtanggol sa kaniya. Hindi niya maintindihan bakit parang gigil ito sa katotohanan na itinutuloy niya pa rin ang pag-aaral. Kinabukasan ay mas magaan na ang loob niya nang pumasok sa school. Panatag na siya na ayos lang ang mga kapatid niya sa bahay nila. Binilin din kasi niya kay Celine ang pagkain ng dalawa niya pang nakababatang kapatid. Hindi naman kailangan bantay-sarado ang dalawa na 'yon dahil mga responsable na. Si Arvin lang talaga ang kailangan tutukan. Nang dumating ang hapon ay nag-ikot siya sa designated area niya sa campus para mag-check ng mga classroom ayon sa utos ng president ng school. Kailangan niya i-check kung may mga sira ba ang mga gamit, kung may nag-iiwan ng kalat sa classroom, at iba pa. Naglalakad siya sa hallway nang may mapansin. Pinanood niya ang pagbaba at akyat ng mga estudyante sa hagdan sunod ay ang lalake na nasa may sulok. Nasa ilalim ito ng hagdan at may hawak na cellphone. Lumapit siya sa pwesto nito at tumingala. Doon niya napansin na hindi maganda ang view mula roon dahil naka-skirt ang mga estudyante. Bawat baitang kasi ay parihabang bakal lang kaya may malalaking siwang kada hakbang. "Sir, ano pong ginagawa mo?" mariin niyang tanong. Nabigla ang lalake at natatarantang itinago ang cellphone, muntik pa 'yon mahulog. Sinipat niya ang suot nitong uniform. Utility worker ito ng school nila. "Bakit po kayo nagvi-video? Ano ang kinukuhanan niyo riyan?" Tiningala niya ang hagdan saka ibinalik ang tingin sa lalake. "Kinukuhanan ko 'yong bitak do'n sa pader." Itinuro nito ang crack nga sa pader malapit sa hagdan. Sinundan 'yon ng tingin ni Avionna. Tila nahihirapan siyang makumbinsi ngunit bago pa makapagsalita muli ay nagpaalam na ito saka umalis. Pinagmasdan niya ang paglayo nito. Tiningala niya ulit ang hagdan saka napailing. Sana nga ay totoo ang sinasabi nito. "Ionna, tapos ka na?" Nilingon niya ang papalapit sa kaniya na si Jonas. "Tapos na, Vice," aniya matapos tumango. "Babalik ka ng office?" tanong nito sa kaniya habang sinasabayan siya maglakad. "Oo." "Tara, sabay na tayo." Natahimik silang dalawa. Nakaramdam bigla ng kaba si Avionna nang maalala ang nangyari kahapon. Inayos niya ang salamin sa mata. "Tungkol kahapon... 'di mo nabanggit na kay Mr. Morgan ka pala nagtatrabaho," saad ni Jonas. Napakurap siya saka tumikhim. Nanatili ang tingin niya sa kaniyang harap. "Nawala na sa isip ko. Alam mo naman... busy ako." Napakamot si Jonas saka bahagyang natawa. "Sabagay, hindi ka naman required na ikwento sa amin lahat ng nangyayari sayo," wika nito. Sumulyap ang lalake kay Avionna. "Pero alam mo, kung gusto mo magkwento, handa akong makinig, Ionna." Nginitian niya nang tipid si Jonas at hindi na umimik. Sa totoo lang, may mga kaibigan siya ngunit hindi talaga siya mahilig magkwento. Wala na siyang panahon do'n dahil palagi siyang nag-iisip ng plano para sa kanilang magkakapatid. Kapag may libre siyang oras, ginugugol niya iyon sa pagbabasa o pag-aaral. Wala rin talaga sa ugali niya na ipaalam ang mga bagay tungkol sa kaniya. Mataas ang pader na binuo niya sa kaniyang paligid. "Ang bait pala ni Mr. Morgan, 'no? Hinatid ka pa niya sa workplace mo." "Ah..." Taranta siyang napatango. "Sinabay niya na ako kasi papunta rin naman siya ro'n," pagdadahilan niya. Nakagat niya ang labi matapos ng pagsisinungaling, sunod ay muli niyang naalala ang nangyari sa loob ng kotse ni Andreas habang umaandar iyon. Uminit ang pisngi niya. Pinipilit niyang kalimutan 'yon dahil sa tuwing naaalala niya ay iba ang hatid no'n sa kaniya. "Mukhang nagkamali ako ng tingin sa kaniya. Totoo sigurong mabait siya," ani Jonas. Katahimikan ulit ang namagitan sila. Nakahinga nang maluwag si Avionna nang mapansin na malapit na sila sa office ng student council. "Teka..." Nahinto siya nang hinawakan siya ni Jonas sa kamay. Kumunot ang kaniyang noo at tinignan ang binata. Mas matangkad ito sa kaniya. May suot din itong salamin sa mata. Gwapo rin si Jonas at katulad niya ay matalino. Kaya nga no'ng bago lang sila sa position nila sa Student Council ay palagi silang pinagtatambal dahil pareho sila sa maraming bagay ngunit nang makilala nila ang ugali ni Avionna na masyadong seryoso ay tumigil din ang pang-aasar na 'yon. "Bakit, Jonas?" tanong niya. Mabilis na kumurap ang binata sunod ay pumula ang pisngi saka napakamot sa ulo, tila nahihiya. "Ah, kasi—" Tumikhim ito saka tumuwid ng tayo. "Gusto ko lang malaman kung may boyfriend ka na ba?" Agad na umiling si Avionna. "Alam mo naman kung gaano ako ka-busy. I don't have time for that," aniya saka mahinang natawa. Hindi niya akalain na kailangan pa 'yon tanungin dahil obvious naman na wala siya no'n. Tumango si Jonas saka ngumiti. "Mabuti naman..." aniya. Nawala ang ngiti ni Avionna. "Ha? Bakit?" Tinitigan siya ni Jonas. Naging seryoso na ang ekspresyon nito. "Gusto kita at gusto ko manligaw sayo, Ionna." Umawang ang labi ng dalaga. "Jonas..." "Hindi ako nagmamadali. I'm not asking for your immediate answer. Kahit abutin pa ng ilang taon. Naiintindihan ko na iba ang focus mo ngayon. Hayaan mo lang ako na ipakita sayo ang nararamdaman ko." Bumuntong-hininga si Avionna saka napailing. "Jonas, ayoko ng may naghihintay sa akin. Ayoko magkaroon ng panibagong responsibilidad." "Hindi. Hindi mo ako magiging responsibilidad, Ionna!" Umiling muli siya. "Magiging responsibilidad kita sa oras na pinayagan kita. Kailangan na kita bigyan ng pansin palagi dahil kung hindi, masasaktan ka. Kailangan ko mag-ingat dahil maari kang maapektuhan sa mga gagawin ko. Sa ayaw man natin o sa gusto, maapektuhan ka sa bawat gagawin ko sa oras na binigyan kita ng chance na manligaw." "Avionna, please. Gusto kita. Hayaan mo akong ligawan kita." "Jonas, no," diretsong sagot ni Avionna. "Hindi talaga. Wala sa isip ko kahit ang magpaligaw. At isa pa, gusto kong magkaibigan lang tayo." Nanigas si Jonas sa sinagot niya. Pilit na ngumiti si Avionna saka umiling. "Kalimutan natin ang pag-uusap na 'to," aniya saka tinalikuran ang binata. Nauna na siyang pumunta sa office nila. Ayaw niya magkamali na magpakita ni katiting na pag-asa kay Jonas dahil ayaw niya na maging komplikado pa ang mga bagay. Ang dami niya ng iniisip, hindi niya na kaya madagdagan pa ang mga 'yon. Bago pa siya makapasok sa office nila ay hinarang na siya ni Aileen. "Miss President, pinapapunta ka ni Madam Hani sa office niya. Maaga kasi umuwi assistant niya, baka may ipapagawa," pag-inform nito sa kaniya. Tumango si Avionna. "Sige, kunin ko lang ang gamit ko," aniya. Kinuha niya lang ang bag niya. Bago siya makalabas ay pumasok na si Jonas na walang imik at walang tinignan na kahit sino sa kanila. Hinayaan na lang 'yon ni Avionna at lumabas na para tumungo sa office ng president ng school. Kumatok siya bago pumasok sa office. Pagbukas niya ng pinto ay natigilan siya nang makita kung sino ulit ang bisita ni Madam Hani. "G-good afternoon po," pagbati niya. "Oh, you're finally here, hija. Bisita ko ulit si Mr. Morgan." Tumango lang siya at iwas na iwas na mapatingin sa binata. Kahapon lang sila huling nagkita nito at malala ang nangyari sa loob ng kotse. Hindi pa siya handa dahil labis ang hiya niya sa tuwing naaalala niya ang mga naging reaksyon niya. "Good afternoon, Miss Avionna Emily," bati sa kaniya ni Andreas. Napalunok siya at napilitan na mapatingin sa binata. Tila nagpipigil ito ng ngisi sa kaniya. Pilit siyang ngumiti saka pumasok na nang tuluyan. Pinagtimpla niya ang dalawa habang nag-uusap ito. Marahan niyang inilapag ang kape at tsaa sa center table na nasa pagitan ni Madam Hani at Andreas. Magkaharap ito habang nakaupo sa mga couch. Kumuha rin siya ng snack para sa dalawa. Matapos no'n ay may pinaasikaso si Madam Hani na mga papeles sa table nito. "Maybe you could get her once na OJT niya na. She's really organized and reliable," saad ng president kay Andreas. "Office administration ang course niya. She'll be a great secretary. Napaka-efficient." Napaangat ng tingin si Avionna saka ngumiti kay Madam Hani bilang pasasalamat. Palagi talaga siya nitong pinupuri at pinagmamalaki tuwing may chance. "Hindi halata na paborito mo siya, Miss Hani," ani Andreas saka mahinang humalakhak. Napalunok si Avionna dahil sa boses nito. Naalala niya bigla ang mga binulong sa kaniya ni Andreas kahapon. "Oh!" Natawa ang president saka humagikhik. "I really like Miss Avionna. She's indeed my favorite!" Tahimik lang siyang gumawa sa table ng president habang ang dalawa ay nag-uusap tungkol sa school. Minsan ay napapahinto siya tapos mapapatitig kay Andreas. Sa tuwing nahuhuli siya nitong nakatingin ay guguhit ang maliit na ngisi sa labi nito o 'di kaya tataas ang kilay. Maya-maya ay nagpaalam saglit si Madam Hani dahil pinatawag ito sa registrar's office. Pumainlang ang nakabibinging katahimikan sa loob ng office. Pinilit ni Avionna na hindi mag-angat ng tingin, nanatili ang mga mata sa ginagawa. "I can imagine you in my office," pagbasag ni Andreas sa katahimikan. Napatingin siya sa binata at naabutan itong titig na titig sa kaniya habang hinahaplos ang sariling labi. "Do you know what am I imagining?" tanong nito saka tumayo. Napakurap si Avionna. Nagsimulang kumabog nang malakas ang puso niya. Umiling siya bilang sagot sa tanong nito. Ngumisi nang bahagya si Andreas saka inayos ang sleeve nito habang dahan-dahan na naglakad palapit sa kaniya. Nang nasa harap na ito ng desk ay inilagay nito ang mga palad sa mesa na gawa sa salamin saka yumuko para titigan siya. Si Avionna naman ay bahagyang nakaangat ang mukha para matitigan ang lalake. "You're on my desk while I'm on my seat, my head is in between your legs and you.... you are whimpering in pleasure as I lick you," bulong ni Andreas sa kaniya. Napalunok si Avionna at umawang ang labi. May kung anong pakiramdam ang lumukob sa kaniya. Awtomatikong na-imagine niya ang sinasabi nito. Hinaplos ng binata ang labi niya habang magkatitigan sila. Napakurap si Avionna saka pinilit na manatili ang katinuan ang isip niya. Dahil kay Andreas ay nalaman niya ang ibang pagkatao niya. Kapag kasama ang lalake, nawawala agad lahat ng katinuan niya. Ang reasonings at logic niya ay agad naglalaho na tila isang bula. Akala niya no'ng una ay dahil lasing lang siya no'ng nakaraan kaya halos bumigay siya. Pero dahil sa nangyari kahapon, napagtanto niya na hindi 'yon dahil lang sa alak. Ginising ni Andreas ang kaibuturan ng pagiging babae niya. Bahagya siyang lumayo at umiwas ng tingin. "Babalik na si Madam Hani," halos bulong na saad niya. Inabot muli ni Andreas ang mukha niya saka ito kinulong sa malalaki niyang palad. Hindi pa siya nakakapagprotesta ay yumuko na ito para sakupin ang labi niya. Pinagdikit lang ng binata ang labi nila ngunit tila libo-libong boltahe agad ang gumapang sa kaniyang katawan. Awtomatikong napapikit si Avionna. Nang maglayo ang labi nila ay akala niya, 'yon na 'yon ngunit tumagilid ang mukha ng binata at muling inangkin ang labi niya. Ngayon ay malalim na ang halik nito. Napahawak siya sa braso ng binata, napapaangat pa sa upuan dahil sa nakaliliyong intensidad ng hagod ng labi ng binata. "Andreas..." bulong niya sa gitna ng mga halik. "Hmm?" bulong nito saka marahan na kinagat-kagat ang pang-ibabang labi niya. Mariin siyang napapikit at humigpit ang hawak sa binata. Halos makalimutan niya kung nasaan sila dahil sa malalalim at sabik na halik ng binata. Humaplos ang daliri ng binata sa kaniyang panga pababa sa leeg at nagdagdag lamang 'yon sa kakaibang nararamdaman ni Avionna. Tuluyan na sana siyang madadala nito ngunit taranta siyang napalayo nang makarinig ng ingay. Agad siyang napatingin sa pinto ngunit walang tao ro'n. Napansin niya na hindi 'yon tuluyan na sarado. Halos nawala ang kulay sa mukha niya. Nanatili na malapit ang mukha sa kaniya ng binata. Ang mga kamay ay nakahawak pa rin sa pisngi at sa may leeg niya. "What is it?" tanong ni Andreas na namumungay rin ang mga mata. Napatayo si Avionna habang mabilis ang kabog ng dibdib. "May tao yata..." mahinang saad niya. "Wait here," bulong ni Andreas. Hinalikan pa siya nito bago umalis sa harap niya. Lumapit sa pinto ang lalake at sumilip sa labas. Nang bumalik ay umiling ito. "There's no one. Malakas ang hangin sa labas. It's just the wind," saad nito. Napalunok nang malalim si Avionna, kabado pa rin. Natatakot siya. Paano kung hindi 'yon hangin lang? "Come on, don't worry." Hinaplos ni Andreas ang pisngi niya. "There's another door outside. Hindi agad makakalabas kung may tao man and I saw no one," pag-aasure nito sa kaniya. Napaupo si Avionna saka tumango. Mariin siyang pumikit. Bakit ba kasi nadala siya sa mga halik nito? Tinignan niya si Andreas na titig na titig sa kaniya. "Please, huwag na natin 'yon ulitin. Not here in school," aniya. Tumaas ang kilay ng binata saka namulsa. "Alright," sagot nito saka tinalikuran siya. Naglakad ang binata pabalik sa couch saka pabagsak na umupo. Nang bumalik si Madam Hani ay pinauwi na siya na agad niya namang sinunod. Habang naglalakad palabas ng campus ay hindi niya mapigilang mag-isip. Hindi pwede na may makaalam ng koneksyon niya kay Maliq Andreas Morgan. Kailangan maging maingat siya. Hindi na maaari maulit ang nangyari kanina. Hindi pa siya tuluyang nakalabas ng gate ng school ay nag-vibrate ang cellphone niya sa kaniyang bulsa. Kinuha niya 'yon at binuksan ang pumasok na message. Nahinto siya para basahin 'yon. From: Andreas 'Let's meet tonight.'
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD