Chapter 7

3050 Words
Nang nagising si Avionna ay nakayakap sa kaniya si Andreas. Tinitigan niya ang binata ngunit agad umiwas ng tingin nang may maalala. Marahan niyang tinulak ito palayo sa kaniya at agad na tumayo. Dumiretso siya sa shower room para mag-ayos ng sarili. Nanatiling tanging roba ang suot niya. Tumungo siya sa kusina suot ang eyeglasses niya at naisipang magluto ng breakfast. Abala siya sa pagtingin sa refrigerator nang biglang may pumalo sa pang-upo niya kaya napaigtad siya. "Ay!" nabiglang saad Avionna. Paglingon niya ay nasa likod niya si Andreas na may mapaglarong ngisi sa labi. "Good morning," bati nito sa kaniya sa baritonong boses. "What are you doing?" Napakurap siya. "Ah, breakfast. Tumitingin ako ng iluluto," aniya. "Well, we can just order food para hindi ka mapagod," ani Andreas saka kumuha ng bottled water mula sa ref. Pinatakan pa siya ng halik nito sa batok niyang exposed dahil naka-ponytail siya. Umiling siya. "Huwag na. Magluluto na lang ako." Kinuha niya ang mga ingredients na kailangan niya saka 'yon inilapag sa may counter top sa kusina. Nagsimula siya na ihanda ang mga gagamitin habang pinapanood naman siya ni Andreas na paunti-unting umiinom ng tubig. Eksperto siya sa ginagawa, halatang sanay na sanay na kaya titig na titig sa kaniya si Andreas. "Marunong ka," puna ng lalake. Tumango siya. "Madalas akong magluto ng breakfast namin ng mga kapatid ko," aniya. "Ikaw?" tanong niya saka saglit na sinulyapan si Andreas. Umiling ito. "Nope. Nanay Helen cooks for me. She's my personal nanny since I was a child. Ngayon na wala na ako sa bahay, pumupunta siya rito to cook for me everyday. Ngayon lang hindi, I texted her." Nagluto siya ng fried rice, spam, scrambled egg, at bacon. Siya na rin ang gumawa ng kape sa brewer. "You can really cook well," mangha na komento ni Andreas. Napatawa siya nang bahagya. "Magaling na 'yan sa tingin mo? Puro fried lang 'yan," aniya. Nagkibit-balikat ito. "Well, yeah. What if you live here?" Nanlaki ang mata ni Avionna saka agad na umiling. "Hindi pwede!" sagot niya agad. Tinaasan siya ng kilay ni Andreas at iling lang ang isinagot niya. Tinulungan siya ni Andreas na maghanda ng mga gagamitin nila. Si Avionna na ang naglagay ng pagkain sa plato nito at nagsalin na rin ng kape. Tahimik silang kumain. Napaangat ng tingin si Avionna nang sunod-sunod ang ring ng cellphone ni Andreas. "Uh, may calls and texts yata," puna niya. Nagkibit-balikat si Andreas. "It's not time of work yet so..." Umiling lang ito. Nang natapos ay naghugas si Avionna ng pinggan. Gusto siyang pagamitin ni Andreas ng dishwasher ngunit kaunti lang naman kaya siya na ang gumawa. Tinutuyo niya na ang mga plato nang bigla siyang halik-halikan sa batok ni Andreas. "Let's shower together," bulong ng binata sa kaniya at hinalikan din siya sa may tenga. Ang kamay nito ay nagsisimulang maglumikot sa katawan niya. Napapikit siya ngunit pinilit niya mag-focus sa ginagawa. "A-andreas, may ginagawa pa ako," bulong niya. Humalakhak nang mahina sa may tenga niya ang binata saka hinila ang ribbon ng roba niya. "Bilisan mo na," sagot nito at hinaplos ang dibdib niya. "And you don't have to worry about your clothes and undies, nag-utos na ako ng bibili." "O-okay..." Bumaba ang halik ni Andreas sa leeg ni Avionna habang abala na ang kamay niya sa dibdib ng dalaga. He's squeezing her chest gently. He pressed his body against her to make her feel his hard-on. His one hand travelled down to her stomach down to her femininity as he kissed her neck to shoulder. "Andreas...." bulong ni Avionna at napasinghap. Bigla ay binuhat siya ni Andreas at naglakad na ito patungo sa shower room. Nang bitawan niya si Avionna ay agad niyang tinanggal ang roba nilang dalawa. He then attacked her with hungry kisses. Binuhat niya ulit si Avionna saka idiniin sa pader ng shower room. Napakapit ang dalaga sa leeg niya habang sumasagot ng halik. Warm water poured down on his back but he didn't even realized it. Andreas pushed her higher then sucked on her chest. Palipat-lipat siya sa dalawa at tila sabik na sabik kaya napapasabunot si Avionna sa kaniya. He then felt like he could no longer wait so he positioned himself on her entrance then he began to push inside her. "Ahh..." They both gasped in pleasure. Andreas began pounding in her hard and fast. Avionna's eyes rolled up as she accepted him. Awang ang labi niya at napapakalmot sa likod ng binata. Andreas' jaw clenched as he carried her firmly. Idiniin niya pa si Avionna sa pader habang gigil ang paggalaw niya. Their moans and groans filled the shower room. He cussed under his breath then he kissed her torridly as he moved. Her toes curled as the essence of pleasure started to build up inside her. Bumilis ang paghinga niya, her moans became louder. Andreas felt himself nearing so he moved even faster and harder. Humigpit ang hawak niya kay Avionna. "Andreas, ahhh... Oh!" Nilapit niya ang mukha sa tenga ni Avionna. "You're mine... Avionna," he whispered breathily. His moves and her whimpers became desperate and when they finally reached their climax, he buried himself inside her. Kapwa sila naghabol ng hininga at mariin na nakapikit, nilalasap ang nararamdaman. Then Andreas slowly put her down. Nang magmulat si Avionna ay sinalubong siya ng berdeng mga mata ni Andreas. Napaawang ang labi niya nang makita na tila nag-aalab pa rin 'yon. He held her small chin and squeezed it. "Face the wall, Avionna. We're just starting." MABUTI na lang weekend siya pinapunta ni Andreas no'ng nakaraan. Kung hindi ay baka hindi siya nakapaglakad nang maayos sa school. Ngayon na lunes, maayos na ang pakiramdam niya. Binabati siya ng mga kapwa estudyante niya habang naglalakad sa loob ng campus. Nagkaroon silang mga student council nang saglit na meeting. Nang matapos na ay nilapitan niya si Jonas para pag-usapan nila ang tungkol sa mangyayaring event. Nasira kasi ang cellphone niya kanina kaya hindi na siya makakapag-communicate online. "Vice, how about if we—" Natigilan siya at hindi natuloy ang sasabihin nang biglang tumayo si Jonas saka umalis na sa office. Nakita 'yon ng mga miyembro niya lalo na ni Phoebe. "Ano'ng nangyari do'n?" tanong ng isa. Hindi umimik si Avionna at napaisip na lang. Mukhang dinamdam nito ang pagtanggi niya no'ng nakaraan. Bumuntong-hininga siya. Wala siyang magagawa. Kung gano'n ang naramdaman nito at ayaw siyang kausapin, karapatan ni Jonas 'yon ngunit hindi siguro tama na idadamay ang duty nila as student council. "Nag-away kayo?" tanong ni Phoebe habang naglalakad sila palayo ng office nila. Umiling siya. "Hayaan mo na 'yon," tanging sagot niya. Kumapit sa braso niya si Phoebe saka bahagya siyang inalog. "Ano nga? It's so weird na hindi ka pinapansin ni Jonas. Alam naman nating lahat na may gusto 'yon sayo." Kumunot ang noo niya. Gusto siya ni Jonas? Ibig sabihin ay napapansin 'yon ng mga kasama nila. Talagang wala nga siyang oras sa mga gano'ng bagay dahil hindi niya man lang napansin 'yon habang ang mga tao sa paligid niya ay aware do'n. "Ano? Ano'ng pinag-awayan niyo?" tanong muli ng matalik na kaibigan. Bumuntong-hininga si Avionna. "Hindi ko na dapat ikwento 'yon, Phoebe. Kung malalaman mo man, mas mabuting kay Jonas na manggaling." Napanguso si Phoebe, maya-maya ay nanlaki ang mata na tila may napagtanto saka humarang sa harap niya. "Ni-reject mo ba siya?" tanong nito. Hindi nakaimik si Avionna. Nahulaan agad ng kaibigan ang nangyari. "Huwag na nating pag-usapan." Napangisi si Phoebe saka muling umangkla sa kaniya. "Hayaan mo na, magbabati rin kayo niyan. 'Di lang siguro talaga matanggap na ni-reject mo siya. Ang tagal ka na no'n gusto, mahirap mag-move on, 'no?" aniya. "Oo," tanging sagot niya. "So, sino na lang ang master mo? I-share mo naman! Para namang 'di tayo close niyan!" tonong nayayamot na reklamo nito sa kaniya. "Phoebe, hayaan mo na 'yon." "Grabe ka naman, Miss Pres! Lahat na lang ayaw mo sabihin! Kahit name na lang ng master mo!" "Uy, ano'ng master?" Pakiramdam ni Avionna ay namutla siya nang marinig ang ibang boses na nakisali sa kanila. Nahinto sila at tinignan si Aileen na curious ang ekspresyon. "A-Aileen, ano ka ba!? Nakakagulat ka naman!" Natatawa ngunit kabado na ani Phoebe. Nag-peace sign ang kaibigan nila saka humagikhik. "Oh, ano nga 'yong master? Sa laro ba 'yon?" Inosenteng tanong nito. Hindi na nakaimik si Avionna dahil sa halong takot at kaba. Nabawasan pa nga ang kulay sa kaniyang mukha. Si Phoebe naman ay tila nabuhayan sa sinabi ni Aileen. "Oo, sikat na laro 'yon ngayon. Parang apprentice and master kasi 'yon, online game! Maghahanap ka ng master mo para magkasama kayo sa adventure sa game!" Dire-diretsong pagsisinungaling ni Phoebe. Nakahinga nang maluwag si Avionna. Mabuti na lang mabilis makapag-isip ang matalik niyang kaibigan. Napakamot si Aileen. "Hay naku, gusto ko ng mga ganiyang laro kaso wala akong gadget!" reklamo nito saka kumapit kay Phoebe. "Tara na sa classroom!" Nang dumating ang hapon ay oras na para mag-ikot sa designated area niya sa campus. Bigla ay naalala niya ang na-encounter no'ng huli siyang nag-check doon. Tumungo siya sa puwesto kung saan niya nakita ang utility worker no'ng nakaraan. Lumakas ang kabog ng dibdib niya nang makita na naroon ulit 'yon, nasa sulok at nakataas ulit ang cellphone, nakatapat sa ilalim ng hagdaan. Pinagmasdan niya lang 'yon. Maya-maya ay pinatay na nito ang cellphone saka umalis, tulak-tulak ang cart na naglalaman ng mga trashcan. Napalunok siya nang malalim at napagdesisyunan na sundan ito. Tahimik siyang naglakad sa likod nito hanggang sa dulo ng hallway kung saan iniiwan ang mga gamit ng utility workers. Tama-tama ay hindi ito pumasok nang tuluyan, sa may pinto ito huminto at binuksan ang cellphone. Pigil ang hininga na lumapit siya sa may likod nito. Dahil halos kasingtangkad niya lang ang lalake ay kitang-kita niya ang pinapanood nito. Gano'n na lang ang pag-init ng ulo niya nang makita ang pinapanood nitong video. Tama nga ang hinala niya. Nagvi-video ito sa ilalim ng hagdan at sa kuha nito, kita ang pang-ilalim ng mga naka-skirt na estudyante. Nang maisip na malamang ay matagal na nitong ginagawa 'yon, lalong lumala ang galit na nararamdaman niya. "Nasisiyahan ka ba, Sir?" tanong niya. Napaigtad ito at taranta siyang hinarap. Tumaas ang kilay niya saka inagaw ang cellphone mula sa kamay ng lalake. "Napanood ko. Akala ko ba, ang sira sa pader ang kinuhanan mo?" sarkastiko niyang saad. Napakurap-kurap ang utility worker. "A-akin na ang cellphone ko!" ani nito at akmang aagawin sa kaniya kaya humakbang paatras si Avionna para iwasan 'yon. "Ire-report ko 'to sa President. Hindi karapat-dapat ang tulad mo na nasa paligid ng mga estudyante. You're harmful for the students," aniya saka tinalikuran ito. Nakakailang hakbang pa lang siya nang magsalita ang lalake na nagpahinto sa kaniya. "Sige, i-report mo. Alam ko ang sekreto mo, Miss. Presidente ka pa naman ng mga estudyante. Huh!" Naghahamon ang tono nito. Napalunok nang malalim si Avionna saka napalingon sa lalake. May sarkastiko na itong ngiti sa labi. "Ano'ng ibig mong sabihin?" halos bulong na tanong niya. Ngumisi ang lalake. "Sige, sayo na 'yang cellphone. Pag-isipan mo nang mabuti bago ka mag-report dahil sisiguraduhin ko na kapag natanggal ako rito, magdudusa ka rin," aniya. Tinalikuran siya nito at pumasok na sa loob ng room saka pabagsak na isinara ang pinto. Natulala si Avionna at awang ang labi. Isa lang ang naisip niyang sekreto na tinutukoy nito. Hindi kaya nakita sila ng utility worker na 'yon ni Andreas sa office ng president ng school? Iyon lang naman ang naiisip niya. Buong durasyon ng biyahe niya pauwi ay hindi mawala sa isip niya 'yon. Dala niya ang cellphone ng lalake ngunit hindi na siya sigurado kung dapat niya ba 'yon ipasa bilang ebidensya. Matindi ang dilemma niya. Gagawin niya ba ang tama at duty niya bilang president ng student council na protektahan ang kapwa estudyante niya o ang sarili niya ang poprotektahan niya mula sa pagkabunyag ng sekreto niya? Mariin siyang napapikit. Hindi, hindi pwede na mabunyag ang tungkol sa kaniya. Marami ang mawawala sa kaniya at ang kinabukasan nila ng kapatid niya ang masisira. Pero paano ang kahayupan na ginagawa ng manyakis na 'yon? Ang tanging naisip niyang solusyon na maging neutral ay mag-propose na ayusin ang mga hagdan sa school at gawin ng solid, 'yong walang siwang ang mga baitang. Ngunit hindi pa rin magiging ligtas ang mga estudyante kung naroon pa rin ang lalake na 'yon? Gagawa't gagawa ito ng paraan. Naglalakad na siya papunta sa bahay nila nang mapansin niya na may kumpulan sa gilid no'n. Narinig pa niya ang pangalan niya. Suminghap siya at pipiliin sana na dumiretso sa loob, hindi na papansinin ang mga naroon ngunit tinawag siya. "Psst, Avionna," tawag sa kaniya. Huminto siya at sinulyapan ang apat na naroon. Ang isa ay 'yong nakasagutan niya no'ng nakaraan lang na si 'Nay Angie. Tinignan siya nito mula ulo hanggang paa, saka umismid. "Ano po 'yon?" magalang niyang sagot. "Ano ba ang trabaho mo?" tanong ng isa sa kapitbahay niya na kasama sa kumpulan do'n. Inayos niya ang eyeglasses niya saka tumikhim. "Gano'n pa rin po, tulad ng dati," aniya. "Call center agent?" paglilinaw ng isa. Tumango si Avionna. "Opo." Nagtanguan ang mga naroon saka nagtinginan na tila may pinapahiwatig. Maya-maya ay nagsikuhan pa ngunit wala naman nais magsalita. Humakbang ang matandang si Angie habang nagpapaypay ng sarili. "Aba'y mabuti hindi totoo ang sabi-sabi na pokpok ka!" saad nito. Napalunok siya nang malalim saka kumunot ang noo. "Po?" Ngumisi ang isa saka siya tinapik. "Kasi naman, 'yong nautangan niyo dati na si Gina, sinabi sa amin na nakapag-down ka raw ng 25k no'ng kinumusta namin ang utang niyo! Aba'y siyempre nagtakha kami saan ka nakakuha nang gano'n kalaki para ihulog mo ng isang bagsakan, e, nagbayad ka rin pala kay Marilyn!" Sumingit naman ang isa. "Kaya naman nagkaroon tuloy ng haka-haka ang mga kapitbahay natin na, gano'n..." bulong nito saka ngumiwi. Bumilis ang pagpaypay ng matanda. "Totoo ba talaga na hindi ka pokpok? Naku, kung sino-sino makakakama sayong lalake, nakakadiri 'yon. Kapag gano'n, umalis ka na rito at ayaw namin ng kapitbahay na gano'n!" Tila dinudurog ang puso ni Avionna. Habang siya ay ginagawa ang lahat ng makakaya niya, ginagawa na palang entertainment ang buhay niya ng mga kapitbahay niya na walang ibang magawa. "Naku, ano naman ba kayo? Matinong bata si Avionna! Tigilan niyo na nga siya!" iritadong saad ni Berna na nakiusyuso na rin saka siya hinawakan sa braso. Kumuyom ang kamao ni Avionna. "Alam niyo po, tigilan niyo ang pakikialam sa buhay ko. Nananahimik kami ng mga kapatid ko rito. May kaniya-kaniya po tayong problema, 'yong sa inyo ang problemahin niyo," aniya. Hindi niya na napigilan na sumagot. Nanlaki ang mga mata nang mga naroon. Akmang magsasalita ang isa ngunit inunahan niya na. "Pati utang ko, binabantayan ninyo kung bayad na? Bakit, babayaran niyo ho ba? Hindi naman, 'di ba? Tigilan niyo ako, pakiusap po. Kung sino pa 'yong walang ambag sa buhay ko, kayo pa ang may gana na pag-usapan at pakialaman ako," dagdag niya sa tonong pinilit niya ikalma. "Di ba sabi ko sa inyo, nasa loob ang kulo niyan. Bastos at walang modo," ani ng matanda na si Angie. "Tiyang Angie naman kasi, pasimuno ka sa pakikialam sa buhay nitong si Avionna, tumigil ka na po. Malapit ka na lang mamatay, nagdadagdag ka pa ng kasalanan!" Tumaas na rin ang boses ni Berna. "Alam niyo ang mga pinagdaraanan niya dahil sa pagiging chismosa niyo pero hindi niyo naiintindihan ang hirap no'n!" "Aba'y Berna, nag-aalala lang kami kay Avi—" "Kung nag-aalala po kayo, sana ay tumulong kayo no'ng kailangan niya o nagbigay man lang ng mga salita na pampalakas ng loob! Chismisan kayo nang chismisan!" Nilingon siya ni Berna na namumula na ang mukha at halatang gigil na sa inis. "Sige na, Avionna, pumasok ka na roon. Baka magkabarangayan pa kapag hindi tumigil 'tong mga 'to!" Bumulong siya ng pasasalamat sa matalik na kaibigan ng nanay niya bago pumasok sa bahay nila. Tila ubos na ubos ang lakas niya pagsara niya ng pinto. Mariin siyang pumikit saka sinapo ang noo. Ano ba naman ang buhay niya? Tama naman ang mga pinag-uusapan ng nasa labas. Parang gano'n na rin siya, katawan niya kapalit ng pera. Pero ka'y hirap pala tanggapin dahil para sa kaniya ay may dahilan siya ngunit sa mata ng mga tao, walang sapat na dahilan para pasukin niya ang mundong 'yon. Siguro naman, once na matapos ang kontrata ay malaki na ang ipon niya lalo na't malaki ang binibigay ni Andreas. Aalis na siya roon pagkatapos no'n. Kailangan niya lang siguraduhin na hindi siya mawawalan ng pampagamot kay Avian. "Ate?" Napamulat siya at nakita si Alvin na seryoso ang mukha na nakatitig sa kaniya. "Alvin." Pilit siyang ngumiti saka nilahad ang braso. Nang lumapit ito ay inakbayan niya. "Kumusta? Si Avian at Arvin?" "Tulog sila kasama ni Ate Celine," sagot nito saka tiningala siya. "Okay ka lang ba, Ate?" Tumango siya habang nakangiti. "Oo naman. May pasalubong pala ako sa inyo, ito..." Inangat niya ang ang mga paperbag na naglalaman ng pagkain na inorder niya sa fastfood. "Sabi sa akin ni Ate Aida, baka raw kumakapit ka na sa patalim. Ano 'yon, Ate? Pinag-aralan namin 'yon, idiomatic expression 'yon, 'di ba? Pero hindi ko pa rin maintindihan dahil ayaw naman niya ipaliwanag." Nanlumo ang kalooban ni Avionna. Bakit parang hinihila siya pababa ng mga kapitbahay niya? Dinadamay pa ang kapatid niya. "Nahihirapan ka na ba dahil mag-isa kang nagtataguyod sa amin, Ate Avi?" Pilit siyang ngumiti saka agad umiling. "Huwag mong isipin 'yon. Kaya ko 'to. Wala lang silang magawa sa buhay kaya kung anu-ano ang pinagsasabi." Sinundan niya 'yon ng pilit na tawa. "Malapit na ako lumaki, Ate. Mababawasan na ang hirap mo. Sa ngayon, moral support lang po ako." Tahimik siyang suminghap saka umiwas ng tingin. Naroon ang pakiramdam na gusto niyang umiyak ngunit pilit niya 'yon na nilabanan. "Tanggap mo ba ako, Alvin?" mahina niyang tanong. Kumunot ang noo ng kapatid niya. "Siyempre naman, Ate. The best ka, eh! Ipagmamalaki kita palagi, 'no!" Lumaki ang ngiti niya at parang maluluha na kaya mabilis siyang kumurap at ginulo ang buhok nito. Ang dami niyang iniisip at problema, ngunit sapat na ang sinabi ng kapatid para muli siyang maging malakas.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD