i

1195 Words
"Ms. Aya! Ms. Aya!" tawag nang assistant ko sa'kin habang ako'y kasalukuyang naglalakad paalis sa aming photoshoot. Nilingon ko ito. "Yes, Jas? May kailangan pa ba akong gawin ngayong araw na ito? Akala ko ba ito na ang huli kong photoshoot sa araw na'to." Napatango naman ito at may ibinigay sa akin na maliit na envelope. Tinignan ko muna ito at binalik ang tingin sa envelope. "Ano ito, Jas?" tanong ko sakaniya at unti unting pinunit ang envelope. Kinuha ko naman agad ang papel na nakapaloob rito at binasa. "You are invited to celebrate and share a very special day in our lives and join us as we renew the friendship and go back to the days gone by. The Class Reunion of St. Francis Academy year 2018, on Sunday, March 20, 2022 @St. Francis Academy Mountain High Hall at exactly 11:00 am - 8:00 pm. We hope to see you there! - batch 2018 Classroom President, Lyka" "Ano po ang nakasulat, Ms. Aya?" napatingin naman ako agad kay Jas ng bigla itong magtanong. "Ah, ito?" tanong ko pabalik sabay pakita sa scented paper na hawak ko. Tumango naman ito at agad akong sumagot. "Batch Reunion Invitation." Tipid kong sagot. Akmang lalakad ako ng bigla na naman itong bumato ng katanungan. "Pupunta ka po ba, Ms. Aya?" Nilingon ko ito ng kunti at binigyan siya ng maliit na ngiti. "Hindi ko pa alam, Jas, pero pwede ba na sa ati'ng dalawa muna ito? Ayaw ko pang sabihin kay Tita Ly ang tungkol dito." Tumango naman si Jas at nagpatuloy na ako sa paglakad. Pagkarating ko agad sa Bahay, dumiretso na ako sa kwarto at kinuha muli ang envelope kung saan nakapaloob ang imbitasyon para sa reunion. Binasa ko ito ng paulit-ulit hanggang sa pagsawaan ko ito. Bigla naman akong napaisip. "Ano kaya ang mangyayari kung pupunta man ako? Makikita ko ba siya roon? Sila? Mababalik pa rin kaya sa dati ang lahat-lahat? Yun ang hindi ko alam ang sagot, pero malalaman ko lamang kung ano ang mangyayari kung pupunta talaga ako. Siguro, ngayon na ang tamang panahon para maghiganti. Maghiganti para sa dating Thaliya Louise Cruz. ________________________________________ WAY BACK YEAR 2016: Thaliya's POV: "Uy Thaya! Andito na ang crush mo! Mag-ayos kana sis papasok na siya! Bilisan mo uy!" pasigaw na utos sa akin ni Breanna/Anna/Ana for short, childhood friend ko. "Nako! Anna bilisan mo sa pag-ayos kay Thaya malapit na! Ay letche nakapasok na siya tulak mo na si Thaya bilis!" Saad naman ng isa pa naming kaibigan na Lyka/Ly for short. Agad-agad naman akong itinulak ng mahina ni Ana sa may pinto at sakto naman ang pag pasok ni Brandon, 5 years crush ko. "Oh, Thaliya, okay ka lang ba? Sorry kung hindi ako nakatingin sa daraanan ko." Napabungisngis naman ang dalawa kung supportive na mga kaibigan na sina Ana at Lyka. "Ah sorry rin, I wasn't looking where I was going too. So ahmm, Salamat sa pagsalo sa nahuhulog kong puso este sa munti ko nang paghulog sayo." Napa "ayon o!" naman ang dalawa kong mga kaibigan at agad akong nilapitan. "Sis! Ang bilis nun ah! Paturo ako para mapasakin naming si Papa Jonas." Pabirong saad ni Ana. "Naku sis! No need na yun ano. Di mo pa barin na fe-feel na sobra na ang pagpapapansin sayo ni Jonas mo? Gaga ang manhid." Sagot ko naman rito. Actually, Ana's been inlove with a guy named Jonas kaso tong gagang ito nagpapamanhid kahit alam na ng lahat na sobra-sobra yung tama ng lalaking iyon kay friend ko. "Alam mo na naman ang rason sis right kung bakit hindi ko siya pinapansin kung nasa malapit siya." Bumuntong hininga ito at tumawa ng mapait. "Oo, dahil ayaw mong tuluyan ng mahulog sakanya kahit alam naman nating lahat na hulog-na-hulog kana. Takot ka lang sa commitment sis, baka matulad na naman kina tita at tito." Saad naman ni Lyka sabay haplos ng marahan sa likod ni Ana. "Ana, just let yourself love. Hindi naman siguro parehas lahat ng mga lalaki, hindi ba? May mga matitino naman siguro girl." Sabat ko naman at binigyan ito ng napakatamis na ngiti. "Speaking of! Sis papalapit na si papa Jonas mo! Palayo layo muna kami ni Thaya. Kaya mo to bes!" Sambit ni Lyka at agad naman ako nitong hinablot palayo. "Naku ka talaga kay Ana mamaya, Ly. Iniwan nanaman natin siya." Reklamo ko rito. "Sis relax ka lang, okay? Bibigyan lang naman natin silang dalawa ng time para makapag-usap. Baka mag bago pa ang isip nun about sa mga boys." Saad nito sa akin at nagpatuloy na kami sa paglalakad. Habang papunta kami sa canteen, biglaang nag ring ang cellphone nito at madaliang nagpaalam na pinatawag raw lahat ng mga president at vice-pres. ng bawat klase. Kaya heto ako ngayon at mag-isang kumakain. Nagpatuloy naman ako sa pagkain ng mapansin kung may nakatayo sa harap ng mesa ko. Nang nagtaas ako ng tingin, parang bigla akong nabilaukan ng mapagtantong si Brandon ang nakatayo sa harapan ko. "Uhmmm, hi? May kailangan ka?" Tanong ko rito. Tumawa naman ito ng konti. "Wala naman, pero pwede bang maki-upo? Halos punuan na kasi lahat ng mga upuan." Bigla naman akong napatango at nilinisan ang kalahati ng mesa. "Salamat." Saad nito at pasimpleng umupo. "Ah, Thaliya, pwede ba akong magtanong?" Saad nito. "Oo naman. Ano ba iyon?" Tinignan ko ito sa mata at nag-iwas naman ito. "Uh-ano kasi eh. Sabi kasi nila may gusto ka raw sa akin. Totoo ba iyon?" Agad naman akong nag-iwas nang tingin ng sabihin niya iyon. "What should I say?" tanong ko sa sarili ko. "Thaliya" "Thaliya!" Rinig kong pasigaw na tawag nito. Agad namang bumalik sa kanya ang tingin ko at nakatunganga. "Totoo ba iyon, Thaliya?" Tanong nito ulit. Napatango naman ako at siya'y napa buntong hininga. "Bakit naman, Thaliya? Bakit ako pa? Ang rami namang mga gwapo at mayayamang lalaki rito ah. Bakit ako pa talaga? Pinagtritripan mo lang siguro ako eh." Saad nito at akmang tatayo na ng mahawakan ko ang may braso niya. "Hindi ko din alam, Brandon eh. Biglaan nalang kitang nagustuhan. At no, hindi kita pinagtritripan." Mahinang saad ko. Umupo naman ito at hinawakan ang mga palad ko. "Thaliya, sikat ka sa paaralang ito at ako'y isang normal na mag-aaral lamang. Sino ba naman ang mag-aakala na ang pinakamagandang babae sa buong paaralan ay magkakagusto sa walang ka style-style na lalaki?" "Hey! Don't say that to yourself, Brandon. Ang bait mo kaya. Gwapo ka naman, totoo nga lang wala kang ka taste-taste." Tinignan niya muli ako at humiga ng malalim. "Patunayan mo." Huling saad nito at umalis na ng tuluyan. Sinundan ko ito ng tingin ng may mapansin akong grupo ng mga lalaki sa labasan ng canteen. Gwapo ang mga ito ngunit may isang nakakuha ng atensyon ko. Nakatingin ito sa akin habang naka cross ang mga braso nito sa harap niya tila ba'y binabasa ang nasa isipan ko. He kind'a look familiar. Binalewala ko nalang ito at niligpit ang mga kinainan. "What does he mean by proving it to him? Ako ang gagawa ng mga gawain na dapat mga lalaki ang gumagawa? Naku naman.". Sambit ko sa sarili ko at napabuntong hininga.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD