*** PATTY MENDOZA ~* PATUNGO AKO SA BAKERY PARA bumili ng tinapay dahil nagpapabili ng tinapay ang mahal kung ina. Gabi na ng mga sandaling iyon, mga 8pm na. Kakain lang pero lalapang na naman kaya lalong tumataba. Yung tatay ko naman payat kaya kung titignan sila ay number 10. Kung gaano kalakas kumain si nanay ay mahina naman kumain ang tatay ko kaya payat. Mabuti nga't tinigil na niya ang paninigarilyo pero sa alak naman siya na-adik kaya nauubos ang GIN namin sa tindahan. Galit na galit naman si nanay pero wala naman siya magawa. Wala ey, mahal niya. Kay nanay ata ako nagmana ng karupukan hehe. Nang makabili ng tinapay ay pabalik na ako sa bahay namin ng makasalubong ko si Peter sa daan. " Ate." " Bakit?" Tanong ko. " Penge naman." Hingi nito sa tinapay na binili kung tasty. "

