SALAMAT SA MGA NAGBABASA ? *** PATTY MENDOZA ~* AFTER NG PROGRAM AT PAGPAPA-SALAMAT ng mga may ari ng bar ay hindi kona nakita si Aikee. Hindi ko alam kung nasaan na siya ngayun. 'Di ko alam kung bakit hinahanap ko siya dapat nagpapa-kasaya ako ngayun kasi minsan lang ako naka-punta sa ganito kaya sasamantalahin kona. At napansin ko rin na hindi ako kinikibo nila Archie at MC simula kanina pa. Parang ang layo nila sakin kasi hindi nila ako kinakausap, dinadaan daanan lang nila ako. " Okey ka lang? Tahimik mo." Napalingon ako kay Leo habang nandito kami sa counter at umiinum. Tipid akong ngumiti sa kanya. " Naisip ko lang, parang galit sakin sina Archie at MC?" " Baka busy lang sila kaya hindi ka nila napapansin. Wag mo isipin 'yun, hindi sila galit sayo." Aniya na may ngiti sa labi.

