PAULA “ORYANG, what’s your position?” tanong ng captain namin na si Coco. Na-promote na ito. Lt. Col. Macasaet wanted to promote me to captain as well pero tinanggihan ko muna. Ang rason ko ay hindi pa ako masyadong stable. I mean, mentally stable. But the real reason was I don’t want to be promoted hanggang hindi nakikita si Yaci. Plus ayaw kong mawala sa team. Kasi kapag na-promote rin akong captain, that means magkakaroon na rin ako ng sarili kong team. Sabihin na nilang may attachment issues ako, bahala na sila. Basta hindi pa ako ready na mahiwalay sa team. Coco did not want the promotion as well but he has to do it since walang magiging captain ang team. Balak din pala nilang i-scatter ang iba naming mga kasama kung walang bagong captain kaya tinanggap na rin ni Coco ang promoti

