ANDREA “WHAT happened? Manang Fely said na nahimatay ka raw sa beach?” tanong ni Bea sa akin. She was on the other line. She’s calling from Candice’s phone. Nasa kwarto pa rin ako at iniwan sa akin ni Candice ang kanyang cell phone dahil nga tumawag si Bea. She sounded so worried while I am speaking with her over the phone. Nasiyahan naman akong naririnig na pag-aalala niya sa akin. “Uh, yeah. Pero okay lang ako. Wala lang ‘yon,” I reasoned. Wala rin akong balak sabihin muna kay Bea ang mga naalala ko kanina bago ako nahimatay. “Are you sure? Ano bang nangyari?” interesadong tanong niya. “Well… I was doing my morning jog and swim. Tapos noong pauwi na ako biglang sumakit ang ulo ko and before I knew it, I blacked out…” summarize ko sa nangyari. “Did you remember anything?” kulit nit

