PAULA “SAAN mo gustong pumunta?” tanong ko kay Bea nang nasa sasakyan na kami. “Hmm… Explore the tourist spots in Manila, maybe?” Pareho na kaming naka-seatbelt and we are ready to go. “Okay. Breakfast muna siguro tayo?” “Good idea! Drive thru na lang tayo para sulit ang oras. Is that okay?” Tumango ako bilang sagot. Sasakyan ko ang ginamit namin dahil himalang wala akong nakitang dalang sasakyan si Bea. Pinaandar ko na ang sasakyan para makapunta na kami sa gustong puntahan ni Bea. “Ang galing. Your memories are really back, ‘no?” she asked. “Why?” nagtatakang tanong ko sa kanya at sumulyap ako saglit dito. “You remember how to drive na.” “Uh, yeah…” sagot ko, still focusing in driving. “Nga pala, about the places that you want to go, nakapag-decide ka na ba?” Bea is looking

