BEATRICE “TIGILAN mo na iyang pagpiksi-piksi mo diyan, Andrea. Hindi ka naman makakawala na rito. Kahit na dumating pa iyong mga kasama mong Katipuneros ay huli na rin sila para isalba ka…” kampanteng kausap ko kay Andrea habang pinapanood ko itong sumusubok na kumawala sa kanyang pagkakatali. Narito ako ngayon sa kwarto kung nasaan ito. Alam kong namalayan niyang pumasok ako kaya nagkakaganyan siya. “Papansin ka naman, Andrea. Huwag ka na nga sabing malikot kasi mas lalo kang masasaktan sa ginagawa mo…” patuloy na sabi ko sa kanya. I can hear that she is trying to say something pero hindi klaro iyon dahil may busal pa ito sa bibig. Hindi ko tatanggalin iyon dahil ayoko ng marinig ang anumang sasabihin niya kasi alam kong gaya ng nanay ko ay kukumbinsihin niya lamang akong ayusin ang

