PAULA “WHAT are you doing?” gulat na pabulong na tanong ni Teresa nang makita niyang ako lang pala ang humila sa kanya sa stock room. Nasa hospital kasi kami ngayon dahil sumama ako kina Yaci at Hale. May appointment kasi si Yaci kay Tita Mara. At para may excuse na rin akong makita si Teresa, sumama na ako. Alam kong alam na ni Yaci ang hangarin ko pero hindi naman niya ako binuko. Kaya love na love ko ang kaibigan kong ‘yon, eh. “I missed you…” malambing na wika ko at niyakap ito ng mahigpit. Her scent is so relaxing. Kung ako lang ang masusunod ay ayaw ko na siyang bitawan. “I miss you, too,” she answered. Gumanti rin ito ng yakap. “Why are you here? Hindi mo sinabi sa akin na pupunta ka rito…” “Surprise!” sabi ko. Niluwagan ko ang pagkakayakap ko sa kanya para makita ko ang kany

