Hindi ko na matandaan kung ilang beses akong nakipaghabulan, Nakipagtaguan Nakipagtakbuhan Makalayo lamang sa mga kalaban- ‘Yan ang senaryo noong ako’y nasa murang edad pa lamang. Makikipaglaro sa kalye ng tagu-taguan, luksong baka, piko at tumbang preso Ngunit ang pinakapaborito ko ay ang patintero. At ‘di ko naman inakala na maging ngayong pagtanda ay lalaruin ko pa rin ito. Ngunit ang kaibahan, hindi na mga bata pa ang kalaban, Hindi na ako nakikipaglaro lang. Hindi na ito kunwaring taya-tayaan Ito na ‘yong patintero na ‘di mo nakikita kung saan banda ang kalaban Kung paano siya kikilos o kung paano ka mahahawakan Ito ‘yong patintero na ‘di ko nagustuhan (voc over) Kaya nga ‘di ko alam kung paano nagagawa ni Juan na makipagpatintero sa ‘di nakikitang kalaban Sinusubukang ‘di siya mahawakan Sinusubukang ‘di siya mahawaan. Nandito siya nakikipagpatintero kahit ‘di alam kung mananalo Maaaring dehado, maaaring matalo ngunit pipiliin ni Juan na ‘di sumuko Sa magulong mundo, dumagdag pa ang kalabang tumitira nang patago Nang pasikreto ‘Yan ang kalaban na maglalagay sa kanya sa peligro dahil anumang oras ay maaari siyang tamaan nito. Ngunit iba si Juan. Hindi siya nahirapan para sa dulo ng laban ay susukuan nya lang. AT marami pang Juan na matatagpuan sa mga ospital Gumigising nang may pangamba kung maitatawid ba ang buong araw Ipipikit ang mata sa gabi nang nag-aalala kung may kinabukasan pa ba silang matatanaw. Ilang pakiusap ng pamilya nila ang kanilang napakinggan Nagsasabing, “Anak, mahal, Pa, Ma, Ate, Kuya dito ka na lang, Hindi sigurado kung ligtas sa labas At mas lalong delikado kung ikaw pa mismo ang gagamot at maghahanap ng lunas.” Ngunit hindi natitinag si Juan. Kahit may parte sa puso nya na nagsasabing manatili na lang siya sa kanilang tahanan, Kahit na may parte sa dibdib niya na nagsasabing ang COVID ay ‘di niya kayang labanan, Handa si Juan Handa siyang lumaban. At umaasa siya n asana ganiyan din mag-isip ang kanyang mga kababayan. narito rin si Pedro Nagbabantay ng mga kabababyang matitigas ang ulo Iyong labas pa rin nang labas sa kanilang mga tahanan Pero wala naman talaga silang pupuntahan. Natanaw ko rin ang kinalalagyan ni Maria SIya yong kumukuha ng impormasyon para ipamalita sa madla. Kaya natin nalalaman ang tungkol sa estado ng COVID sa bansa Iyon ay dahil sa mga katulad ni Maria. Nakilala ko rin si Aling Nene Naroon siya sa mga bilihan,nagbebenta sa palengke Nagtitinda pa rin kahit matumal Hindi para sa kikitain kundi para sa mga kababayan Baka kasi kailangan nila ng groserya Tapos wala pala silang mabibilhan Mabuti na lang, anandiyan si Aling Nene. Nakita ko rin ‘yong mga boss sa may munisipyo, kapitolyo at palasyo Nagpaplano Kung anong gagawin kinabukasan Kung paano tustusan ang pangangailangn Magbibigay ng ayuda sa mga nasasakupan. Juan, alam ko na maraming umaasa sa iyo. Na kung paano mo napagamot ang ilan Ay magagamot mo rin ang karamihan Ngunit Juan, kung umaasa sila ay sana wag mong kalimutan Na may pamilya ka pa ring umaasa na sila’y iyong uuwian Na sa dulo ng bawat araw, ika’y kanila ring maayayakap at mahahagkan. Nasasabik na muli kang masilayan Ngunit dahil nakikipagpatinetro ka pa ay makikipaglaro muna sila ng tagu-taguan Para hindi sila masundan, Para hindi sila mahawaan. Para hindi dumating sa punto na ang pamilya mo na ang ginagamot mo. Juan, manatili ka sanang ligtas Ikaw, Kasama ng bantay na si Pedro Ng midya na si Maria Ng tagabentang si Aling nene Ng mga tagaplanong gobyerno Ng mga hindi ko napangalangang patuloy na nagseserbisyo. Hiling ko na huwag kayong mahawaan o tamaan Kayo ang makabagaong Rizal Ang makabagong Bonifacio, Aguinaldo, katipunero at mga nakipaglaban para sa bayan. At sana pagdating ng dulo ng sakunang ito Ay ngingiti kayo at sabay-sabay na magsasabing, “SA WAKAS MAKAKAUWI NA AKO SA PAMILYA KO.”