Dahil sa kanyang nakita noon nakaraan na gabi ay masama parin ang kanyang loob sa asawa. Kaya naman ay hindi niya mapigilan na iwasan ito.Kung sa bagay kahit iwasan naman niya ito ay hindi rin naman mapapansin ni Calex ang pag-iwas niya dahil sa busy ito sa trabaho. Mabuti na rin iyun.Baka kung ano pang masamang pananalita pa ang kanyang mabitawan sa asawa kung mapansin man nito ang pag-iwas niya. Hanggat maari ay gusto na lamang niya sarilihin ang sama ng loob na kanyang nararamdaman. Marahan siya tumayo sa kama at nag-inat ng katawan. Malalim siyang humugot ng hininga ng makita na hindi man lamang nagusot ang kaliwang bahagi ng kama. Ibig sabihin ay hindi na naman dito sa bahay natulog si Calex. Minsan ay hindi na rin niya maiwasan ang hindi mag isip ng hindi maganda sa asawa. Paano kung

