Halos mangalahti ang beer na ini inom ni calex ng inisang lagok nito iyon. Tulad ng dati pag kalabas niya ng kanyang opisina ay diretso sya sabar ng kaibigang si dustin.
''Chill man,marami pa.''sabi sa kanya ni dustin ng makita ang kanyang ginagawang sunod sunod na pag tungga sa iniinom na beer.Napa buga sya ng hangin saka sunod sunod na pag iling ang kanyang ginawa.
''Paano yan?matatali kana pala bro.''maya maya ay usisa sakanya ni dustin.Saka isang nakaka lukong pag ngisiang ginawa sa kanya.
''Kung hindi lang dahil sa kapatid ko,never kong gagawin ang mag patali.''
Inis na sagot niya sa kaibigan. Hindi niya talaga gusto ang ideya ng kanyang ama.Pero kung hindi niya gagawin yun, kapatid niya ang malalagay sa alanganin.Babae ang kapatid niya.At ayaw niyang ito ang mag dusa.Dahil sa mga kalukuhan niyang pinag gagawa.
''So sino ang malas na babaeng papakasalan mo?'' natatawang usisi naman sa kanya ni luke. Napa iling siya dahil kahit siya ay hindi alam kung sinong babae ang ipapakasal sa kanya ng kanyang ama.
''Ang lagay ba niyan si calex na ayaw mag patali, handa ng mag karoon ng misis zaavedra?" nakangiting kantyaw sa kanya ni dustin na sinabayan ng isang pag tawa.Mapaklang pag ngiti ang kanyang ginawa sa kaibigan.
''Like what i said, gagawin ko lang ito para sakapatid ko. And kung sino man ang babaeng yon pag sisihan niya ang gagawing pag papakasal sa akin.aniya sabay inom ng beer.Bakit ba kasi kailangan pang mag pakasal siya ng sapilitan.Pakiramdam niya na set up sya ng kanyang sariling ama. Ginamit pa ang kanyang nakababatang kapatid.Para lang mapapayag siya.Dahil na rin siguro sa mga kalukuhang ginagawa niya sa mga babae.Siguro ay napuno na ang kanyang ama sa kanyang pagiging playboy at babaero.
Ano bang magagawa niya?eh ipinanganak syang gwapo at lapitin ng babae. Sila ang kusang lumalapit sa kanya. Eh sino ba naman sya para tumanngi pag dating sa kama. Lalaki lang sya na may kahinaang dala pag dating sa kama.
Habang nag iinuman at nag uusap silang mag kaakibigan ng bigla na lang may sumuntok sa kanya. Sa lakas ng ginawa nitong pag suntok sa kanya ay natumba sya mula sa kanyang pag kaka upo.Nalasahan pa niya ang kalawang sa kanyang labi. Putok lang naman ang kanyang pang ibabang labi dahil sa lakas ng pag kakasuntok sa kanya.
Mabilis ang ginawa niyang pag bangon mula sa pag kaka lugmok. At saka tiningnan kung sino ang nag wawalang nanuntok sa kanya.
"Hayop ka pati girlfriend ko hindi mo pinalampas.''anang galit na galit na si ezzikel.Natawa na nailing sya.Kasalanan ba niya kung nag hahanap ng init nang katawan ang girlfriend nito.
"ezzikel, ezzikel hindi ko kasalanan kung nag hahanap ng init ng katawan ang girlfriend mo. Pasalamat ka pa nga sa akin dahil binigay ko ang pangangailan ng girlfriend mo.Oh wait, siguro hindi mo na naibibigay ang kanyang pangangailangan. Maybe hindi ka magaling sa kama.Kaya sa iba nag hahanap.''
Saad niya na sinamahan pa ng nakaka lukong pag tawa.Kita niya na mas lalong nag ngingitngit sa galit si ezzikel.
''Alam mo di ko aakalaing magaling pala sa kama ang girlfriend mo ah. Masarap sya!''
Muli ay saad niya kasunod ang nakaka insultong pag tawa.Dahilan para mas lalong mag wala sa galit si ezikel. Sinugod sya nito at muling inundayan sya ng suntok.Pareho silang nag pambuno.Nang maka bawi siya mula sa pag kakasuntok nito ay sya naman ang nag pakawala ng isang malakas na suntok na tumama sa mukha nito. Halos matumba ito sa ginawa niya. Hindi pa sya nakontento at pinag tatadyakan nya pa ito ng matumba. Dahil sa nilikha nilang away ni ezzikel, nag kagulo ang mga tao sa loob ng bar.
"Calex tama na bro!"awat sa kanya nina dustin at luke na pilitsyang inilalayo kay ezzikel na halos duguan na ang mukha.Kahit si ezzikel ay ayaw mag pa awat kahit duguan na ay pilit pa rin ang ginagawang pakikipag buno sa kanya.Kung hindi pa dumating ang mga bantay ng bar na naroroon.
"Hayop ka zaavedra!babalikan kita, pag sisihan mo ang ginawa mong pag patos sa girlfriend ko!''
Galit na sabi nito sa kanya.Na pilit kumakawala sa pag kakahawakng mga gwardiya dito.
"Hihintayin ko gago!mukha kang batang inagawan ng candy.By the way pinagod ko nga pala ang maganda at masarap mong girlfriend. Infairness magaling syang gumiling sa kama."
Insultong sagot niya dito saka tumwa ng parang sa demonyo.Akma na naman siyang susugurin nito at uundyan ng suntok ngunit inunahan na niya ito. Dahilan para matumba na naman ito
"Bro tama na!'' awat sa kanya ni Luke saka ubod lakas na itinulak sya palayo kay ezzikel.
"Ilayo nyo sa akin ang hayop na yan at baka mapatay ko pa yan!"galit na sabi niya sa mga gwardyang naroroon na pilit inilalayo na sa kanya si ezzikel
"Babalikan kita zaavedra!tandaan mo yan !Hindi pa tayo tapos!"
Sigaw sa kanya ni ezzikel bago tuluyang nailabas iyon ng mga may hawak ditong gwardya.Nang matapos ang away nila ni ezzikel ay pagalit niyang tinadyakan ang isang table na naroroon saka iiling iling na napa upo.
"Ito na nga ba ang sinasabi ko eh!"
narinig niyang himutok ni luke na napahilot pa sa sariling sintido.Makahulugang nag katinginan sila ni dustin.
****
"Paano ba yan Sergio?balak ng kunin sa atin ni don elias ang ating natitirang lupa. Paano na ang mga bata?Lalo na si Junior."
Narinig ni felicie tanong ng kanyang inay sa kanyang ama. Isang hapon. Kagagaling lang niya sa pamumuti ng talong doon kina aling yolanda. At habang papasok nga sya ng bahay ay narinig niya ang pag uusap ng kanyang mga magulang. Napatigil sya sa pag pasok ng kanilang bahay. At palihim na nakinig sa usapan ng kanyang amat ina. Kota niya ang lungkot sa mukha kanyang ama.
"Kung may magagawa lang akong ibang paraan Emma ay nagawa ko na. Dahil ayaw ko ding mawala ang ating natitirang lupa. Lalo na at minana ko pa ang lupang iyon sa aking mga magulang."
Narinig niyang malungkot na sagot ng kanyang itay sergio sa kanyang inay emma.
"Paano na ang pag aaral ng tatlo?Lalo na si junior na madalas sumpungin ng kanyang asthma.Kapag tuluyan ng nakuha sa atin ang lupa wala na tayong ibang mapapag kunan ng ating hanap buhay. Doon lang tayo umaasa sa lupang yon.''anang kanyang ina na tila gusto pangmaluha dahil sa sinasabi nito. Ang tatlo pa niyang mga kapatid ay mga kapwa pa nag sisipag aral.Ang sumunod sa kanya na si aiyen ay nasa second year college pa lang.At pilit nilang pinag tutulong tulungan at pinag sisikapan mapag aral ng kanyang mga magulang.Para maka tapos ito ng pag aaral.
At ang dalawa pa niyang kapatid na parehong nasa high school pa. Siya ay nasa third year college noon ng mapilitang tumigil sa pag aaral. Sa kadahilanan na hindi na siya kayang pag aralin ng kanyang magulang.Kasabay pa noong mga panahon na iyon ang madalas na pag kakasakit ng kanyang ina. At ng kanilang bunsong kapatid na madalas sumpungin ng sakit nitong asthma.
"Tay,nay mano po."saad niya ng mapag pasyahan ng pumasok sa loon ng kanilang bahay.Saka nag mano sa kanyang itay at inay.Tila nagulat pa ang kanyang amat ina ng makita siyang nakatayo na sa may pintuan ng kanilang balkunahe.
"Anak,kanina ka pa ba dyan?"anang kanyang ama na pilit ang pag ngiti ang ginawa sa kanya. Marahang pag tango ang kanyang ginawa sa mga ito. Isang malalim na pag hinga ang kanyang narinig sa ina. Saka ginaya ang ginawa ng kanyang ama. Pilit din itong ngumiti sa kanya.
"Ginabi ka yata anak sa pamumuti?"anang kanyang ina saka tumayo at ikinuha siya ng tubig sa kanilang maliit na kusina.
"Medyo napa rami po kasi ang pina ani sa amin ni aling yolanda ngayon nay.''Sayang naman kung sa iba pa mapupunta yon kikitain ko doon.'' Nakangiting sagot niya sa kanyang ina habang ini aabot niya ang baso dito na nag lalaman ng tubig na kanyang maiinom. Napatingin siya sa kanyang ama na napa buntong hininga pa dahil sa kanyang mga huling sinabi. ''Pasensya kana anak, hindi mo dapat ginagawa ang mga ganyang gawain. Kung nakakaraos raos lang sana tayo hindin na sana kayo makakaranas ng ganitong pag hihirap na mag kakapatid.'' anag kanyang ama na napa piyok pa sa mga huling sinabi. Llumapit siya sa kanyang ama. Saka marahang pag hagod sa likod nito ang kanyang ginawa. Saka ngumiti dito.
"Ano kaba naman tay, okay lang po.Pag tutulong tulungan naten Makakaraos din tayo.''saad niya sa amang bakas ang lungkot sa mukha .
"Sya halina na kayo mga anak, ng maka paghapunan na tayo.'' anang kanyang ina na naka pag hain na pala ng kanilang hapunan.
"Mga anak, naka hain na.'' tawag ng kanyang ina sa tatlo pa niyang kapatid na mga kapwa nag sisipag -aral.
Kinabukasan ay maaga siyang gumising at napag pasyahan niyang pumunta sa hacienda ni Don elias. Baka sakaling may magawa pa siya para sa kanilang lupang nanganganib na mawala sa kanila dahiln sa pag kakasanla nito. Alam niyang malaking palugit na ang naibigay sa kanila ng don. Ngunit susubukan parin niya na maka hingi pa ulit ng mga ilang linggong palugit dito. Alam niyang malaking halaga ang kakailanganin nila para matubos ang lupang naka sanla.at hindi niya alam kung saan kukunin ang perang iyon.
Bahala na si superman !ang mahalaga sa kanya ay mabigyan sila ni Don Elioas ng kahit kaunting palugit para maka hanap ng perang ipapang bayad dito.Nang makarating sya sa hacienda ng mga Zaavedra ay napa nganga siya. Dahil sa laki at lawak ng bakuran ng mga ito.
"Ano pa nga ba ang aasahan ko. Syempre mayaman eh."
Saad niya sa kanyang sarili habang pinag mamasdan ang maganda at napaka lawak na bakuran ng mga Zaavedra. Sa pag kaka alam niya ay bahay bakasyunan lang ng mga Zaavedra ang malaking mansyon na iyon. Paminsa minsan lang mag karoon ng tao doon.Ang madalas niyang niyang makita sa mansyon na iyon a yang Don. Ngunit ang pamilya nito ay hindi pa niya nakikita.Habang palapit siya sa bakal na gate ay agad niyang nakita si Ka isko. Ang katiwala ng mansyon ng mga Zaavedra. Agad niyang nilapitan ang may katandaang katiwala.
''Magandang umaga ho Ka Isko."Magalang na pag bati niya dito.At saka inayos ayos ang suot suot niyang salamin.Ngumiti naman sa kanya ang matanda na nag didilig ng mga halaman sa malawak na bakuran.
''Magandang umaga naman felicie,abay kay aga mo yata. Anong aten?"Naka ngiti paring sagot ng matanda habang patuloy pa rin ito sa pag didilig. Alanganin syang ngumiti sa matanda pag kuwan ay tumingin sa loob ng mansyon.
"E, Ka Isko,itatanong ko lang po kung naririyan pa si Don elias.' alanganin na tanong niya dito.
" A, si Don Elias? Naku umalis noong makalawa. Pumunta ng manila dahil doon sa panganay na anak. Ang naririto ngayon ay si Alily. Yung bunsong anak. Mahilig kasi ang batang iyon sa mga halaman. Kaya ayan kasa-kasama ni Don Elias kapag umuuwi dito sa quezon.E,ano bang lakad mo kay Don Elias felicie?"
tanong sa kanya ni ka Isko na pinatay ang gripo ng tubig.
"Tungkol po kasi doon sa lupa na sinanla ni Itay ka isko. Baka sakaling mapa kiusapan ko pa na bigyan pa kami ng kahit mga ilang linggo pa. Para makahanap ng pang bayad." Sagot niya dito. Hindi pa man nakaka sagot ang matanda sa kanya ng may biglang dumating na sasakyan. Agad na pinag buksan ng gate iyon ni ka Isko.
"Magandang umaga po Don Elias."
Narinig niyang bati ni Ka isko sa bagong dating. Agad syang napa tingin sa bagong dating. Isang medyo katandaang lalaki yun.At hindi maitatanggi ang katikasan nitong taglay. Kahit may katandaa na din ito ay hindi maipag kakaila na may hitsura ang matandang Don.Bigla siyang naka ramdam ng kaba ng biglang tumingin ito sa gawi niya. Nasa labas kasi sya ng gate. Ngunit dagli ding nawala ang kabang iyon ng ngumiti sa kanya ang Don. Maya maya pa ay nakita niyang kinausap nito si ka isko. Saka lumapit sa kanya.
"M-magandang umaga po Don Elias."
Magalang na pag bati niya dito sak ngumiti.
"Magandang umaga naman Iha. Ano bang maipag lilingkod ko sayo?"
Anang Don na ngumiti sa kanya.Hindi naman pala nakaka ilang at nakaka takot kausapin si Don Elias. Mukhang mabait naman. Anang niya sa sarili.At nabuhayan ng loob.
"Tungkol po kasi doon sa lupang naisanla ng aking itay."Wala ng paligoy ligoy na sagot niya dito. Kunot noo itong napatingin sa kanya. Ngunit maya maya rin ay umaliwalas ang mukha neto.
"Pumasok ka muna iha. Mukhang mahabang usapan ang ating mapapag usapan."
Anang Don saka malaking ibinukas nito ang gate.
***
Halos maibuga ni Felicie ang iniinom na kape dahil sa mga sinabi sa kanya ni Don Elias.
"P-po?!Ano pong sabi niyo Don Elias?"ulit na tanong niya sa matanda na natawa pa sa kanyang naging reaksyon.
"N-nag bibiro lang po kayo diba Don Elias?"
Halos di maka paniwalang tanong dito ni felicie. Muli ay natawa na naman sa kanya si Don Elias. Saka sunod sunod na pag iling ang ginawa sa kanya.
"Seryuso ako iha.Marry my son.At hindi ko na kukuhanin ang lupang sinanla ng tatay mo. At isa pa ako na rin ang bahalang mag paaral sa tatlo mo pang kapatid.Hindi mo na kailangan pang problemahin pa ang pag tubos sa lupa.All you need is marry my son.Ako na ang bahala sa lahat. Kapag tinanggap mo ang offer ko."
Anang Don sa boses na kinu kumbinsi siya. Napa kamot ang dalaga sa sariling ulo. Saka tumitig sa Don.Baka naman bagong gising lang ito noong bumaba ng sasakyan kaya wala sa huwesyo. At kung anu-ano ang mga pinag sasabi.
"Don Elias mukhang kagi gising niyo lang po."Alanganin niyang sabi. Ngunit tinawanan na naman siya ni Don Elias.
"Mukha ba akong nag bibiro iha?No. seryoso ako sa inaalok ko sayo. Marry my son. At sainyo na muli ang lupa. At bukod pa doon makaka pag aral pa ang mga kapatid mo sa maayos at kilalang paaralan. Ayaw mo ba noon iha?"
Panandalian siyang napa isip. Ano ba to!Lupa ang ipinunta ko rito at hindi ang pag aasawa. Lord naman!ni wala pa nga akong boyfriend sa tanang buhay ko tapos ito. Boom! instant asawa agad agad ang ina alok sa akin!"
sa loob loob niya sa sarili.
"Ano iha?payag ka ba?"untag sa kanya ni Don Elias na nakapag pabalik diwa sa kanyang pag mumuni muni. Inayos nya ang suot suot na salamin. Saka isang pilit na pag ngiti ang ginawa sa Don.
"Don Elias,pwede po bang pag isipan ko muna. Lalo na at usaping pag aasawa.E ni hindi pa nga po ako nag kaka boyfriend e."
Dere-deretsong sagot niya sa matanda Tumango tango naman ito sa kanya. Maya maya ay may inabot ito sa kanyang calling card.
"Kapag nakapag disesyon kana iha. Tawagan mo lang ako sa number na yan."Nakangiting tumango sya dito at ini abot ang calling card. Saka nag paalam na din. Pakiramdam niya ay parang sumakit ang kanyang ulo sa pakiki APG usap kay Don Elias. Mayroon bang ganoon. Magulang ang humahanap ng magiging asawa ng anak?Teka hindi kaya?hindi kaya may kaunti si Don Elias. Naipilig niya ang sariling ulo.Mukhang matino naman. Sa loob loob niya habang binabagtas niya ang daan pabalik ng kanilang bahay.
****
"I said pabagsakin mo ang Monte real Company!Kunin mo lahat ng mga investors nila."Nang gagalaiting saad ni calex kay Luke. Isang hapon sa kanyang opisina.Halos mabingi ang kanyang kaibigan dahil sa lakas ng kanyang boses.
"What?!I can't calex."Pag tutol sa kanya ng pinsan at kaibigang si Luke. Naningkit ang tingin niya rito. Saka napatayo sa pag kaka upo ng kanyang swivel chair.
"Yes you can!baka nakaka limutan mo Luke isa lang Zaavedra. Makapang yarihan at kayang kaya mong gawan ng paraan ang ipinag uutos ko sayo.!"pagalit niyang sabi sa kaibigan at pinsnang si luke. Ilang beses na pag iling ang ginawa nito sa kanya saka mapa buga ng hangin. Nag kamali ng binangga ang Ezekiel na yun. Isang linggo na ang nakaka lipas buhat ang naganap sa bar na panununtok na ginawa nito sa kanya. At hindi pa rin niya matanggap iyon. Walang kahit na sino man ang pwedeng gumawa noon lalo na sa kanya. Na isang Saavedra.
"Hindi ko nakakalimutan,Calex. Paano ko ba naman makaka limutan ang apilyedo ko na kulang na lang pati ako damay sa mga kalukuhang pinag gagawa mo. Kung pwede ko lang itakwil ang pagiging Savedra ay ginawa ko na."
Inis na sagot sa kanya ni Luke. Yes!sa tuwing mag nagagawa siyang kalukuhan ay damay ang pinsan niya. Dahil ito ang gumagawa or nag lilinis ng mga kalat niya.
"Dapat bago ako maka balik dito next week ay nakuha mo na lahat ng mga investors ng mga Montereal."Muli ay saad niya sa pinsan na malalim na pag hinga ang ginawa.
"And where are you going?"Usisa nito sa kanya. Wala sa sariling pinag salikop ang mga daliri sa sariling ulo saka sumandal ng swivel chair.
"I need to go to Quezon. I hate that place!''
Sagot niya sa pinsang hindi naitago ang pag kadismaya. Ayaw na ayaw niyang pumunta sa lugar na yun.Bukod sa panget at bako bakong daan patungo roon ay masyado pang bukid. Ewan ba naman kun ano ba nagustuhan ng kanyang ama at kapatid para mag lagi sa lugar na yon. Gayong bukid iyon at malayo sa kabihasnan. May kuryente nga ngunit wala namang signal doon. Kaya kung mag dadala din sya ng cellphone at laptop ay hindi rin mapapa kinabangan. Subra subra pa sa tahimik ang lugar na yun. Pakiramdam niya kapag naroroon ay ubod ng lungkot ang kanyang buhay. Walang mapapag libangan na katulad sa syudad.
Isang beses lang syang nakarating sa lugar na yun. At kamalas malasan pa ay tumirik pa sa maputik at bako bakong kalsada ang kanyang sasakyan. Mag mula noon ay hindi na sya umulit pa na pumunta doon.
"Anong gagawin mo doon?"Takang tanong sa kanya ni Luke. Napailing sya sa pinsan
"Hindi ko alam.Hindi ko rin alam kung bakit biglaan ang pag papapunta sa akin doon ni Dad. "Palatak na saad niya. Hindi rin niya alam kung bakit bigla bigla ang pag papa punta sa kanya sa Quezon ng kanyang daddy. Na kahit ayaw niya ay wala syang magawa gawa.Dahil once na tumanggi sya dito automatic na may gagawin sa kanya ang sariling ama na di niya magugustuhan. Alam niya kung ano ang kayang gawin sa kanya ni Don elias. Lalo na sa usaping mana.