KYLIE’S POV
Nakasakay ako sa jeep papuntang school at malapit nang bumaba. Napatingin ako sa cellphone ko nang may ma-receive akong text message galing kay Troy. Binuksan ko ito at binasa.
From: trxy
Good morning! Pwede bang makahingi ng isang good luck wish?
Received: 8:12am
To: trxy
Bakit? Anong meron?
Sent: 8:12am
From: trxy
May basketbball game kami ngayon.
Received: 8:13am
To: trxy
Gano’n ba? Good luck! Do your best! ?
Sent: 8:13am
From: trxy
Thank you ?
Received: 8:14am
Maraming tao ang bumungad sa akin pagdating ko ng school. Napakunot noo pa ako kung ano bang mayro’n at tili ang naririnig ko sa ilang schoolmates kong babae. Anong nangyayari?
Nang makita ko ang ilang van at mini bus, nalaman ko na ang sagot sa tanong ko. Nandito na malamang ang mga varsity players ng ibang schools na maglalaban-laban.
Nagpatuloy ako sa paglalakad patungo sa pupuntahan ko. Palinga-linga ako para tingnan ang mga basketball players galing ibang school. Ang tatangkad nila at may magandang mukha na ibubuga. Natigilan ako at nagulat nang may biglang tumakip ng palad sa mga mata ko.
“Sino ‘to?” tanong ko saka hinawakan ang kamay at pinilit alisin.
Unti-unting pinakawalan ng kamay nito ang mga mata ko. Dali-dali akong lumingon dito. Napaawang ang bibig ko at nanlaki ang mga mata ko sa gulat pagkakita sa taong ito.
“Anong ginagawa mo rito?”
“Dito gaganapin ang basketball game namin.”
“Ha? Isa ang school ninyo sa lalaban sa school namin?” gulat kong tanong at tumango siya. Hindi ako nakapagsalita.
“Troy, halika na! Bumalik ka na dito!” sigaw ng isang lalaki kay Troy.
“Sige na. Tinatawag na ako ni coach. Manood ka ng game, ah? See you later,” paalam niya at tumakbo palayo sa akin.
Ilang sandali akong nakatayo lang doon bago naisipang umalis at naglakad na sa pupuntahan ko. Pagdating ko sa pwesto kung saan nakatayo ang mga booths, nagtaka ako kung bakit nakasara ang mga ito.
“Kylie! Kanina pa kita hinihintay. Bakit kadarating mo lang?”
“Bakit close?” tanong ko na hindi pinansin ang tanong niya.
“Ano ka ba? Walang magbabantay. Lahat nasa court na dahil magsisimula na ang basketball tournament!” aniya. “Kaya halika na at pumunta na rin tayo do’n. Mauubusan tayo ng upuan!”
Dali-dali kaming pumunta ng court. Ang daming tao pagdating namin kaya halos puno na ng manonood ang bleachers. Nahirapan na kaming maghanap ni Helen ng bakanteng upuan. Mabuti na lang at tinawag kami ng mga co-organizers namin. Pinaupo nila kami sa pina-reserve nila mismong upuan para sa amin.
Napunta sa gitna ang paningin ko. Nakita ko si Troy kasama ang teammates niya. Palinga-linga ito sa paligid na tila may hinahanap. Hanggang sa mapunta sa direksyon ko ang paningin nito kaya nakita niya ako. Ngumiti ito sa akin at ginantihan ko rin siya ng ngiti.
Umingay ang paligid nang magsimula na ang laban. School namin versus school nila Troy. Hindi ko alam kung paano ako mag-che-cheer ngayon. Tahimik na lang akong nanood ng laro habang todo tili ang mga kasamahan ko.
“Hala! Ang gagaling ng kalaban!” bulalas ni Joan.
“Pansin ko nga. Ang ga-gwapo rin nila,” tugon ni Helen at sabay silang kinilig.
“Kanino ang loyalty ninyo? Huwag kayong padala sa kanilang itsura. Players ng school natin ang dapat nating suportahan!” sabi ng isa na organizer din.
“Alam naman namin ‘yon. Syempre doon pa rin tayo sa sarili natin. Hindi lang namin maiwasang humanga sa kabila dahil talagang ang ga-gwapo! Inay!” kinikilig na sabi ni Helen. “Lalo na ‘yung number 10! Ano kayang name niya at nang ma-stalk ko mamaya ang account niya sa f*******:?”
“Troy Kieron Cardenal,” sambit ko kaya napatingin si Helen sa gawi ko. Parang hindi siya naniniwala sa sinabi ko.
“Kilala mo?” tanong niya at tumango ako. “Weh? Paano naman nangyari ‘yon? Galing siyang ibang school at isa pa, bukod kay Jordan, hindi ka na tumingin sa ibang lalaki.”
“Didn’t I tell you not to talk about him?”
“Oh, sorry. I forgot,” sambit niya saka nag-peace sign. “Pero seryoso? Kilala mo talaga siya?”
“Siya ‘yung nakapulot ng cellphone ni Jordan,” sabi ko.
Napatakip siya sa kanyang bibig at nanlalaki ang mga mata. “Oh my God! Really?”
“Oo nga.”
“Weh? Hindi pa rin ako naniniwala. Patunayan mo. Gusto kong lapitan at kausapin mo siya mamaya kung nagsasabi ka talaga ng totoo.”
“No way. ‘Di ko naman kailangan patunayan sa ‘yo, eh. Kung ayaw mong maniwala, wala akong magagawa.”
Kinulit pa ako ni Helen pero hindi ko na siya pinansin. Naka-focus na ako sa panonood ng game. Malapit nang matapos ang first quarter. Nang masawa siya sa pangungulit ay itinuon niya na lang sa panonood ng game ang kanyang atensiyon.
Hindi ko alam kung totoo ba ang napapansin ko o assuming lang ako na minu-minutong sumusulyap sa gawi ko si Troy. At sa tuwing gagawin niya ‘yon ay magtitilian ang mga nasa likuran kong babae at nagtatalo kung sino sa kanila ang tiningnan. Hay.
First quarter ay lamang ang school namin ng 5 points. Sa second quarter naman ay nadagdagan pa ng 3 points ang lamang ng school namin. Mas naging mainit at kapana-panabik ang laban nang maging pantay ang score sa end ng third quarter kaya ngayong fourth quarter ay hindi na mapakali ang mga tao sa court.
Malakas ang cheer ng schoolmates ko habang ang ilan pa sa kanila ay may hawak na props pang-cheer. Ang tahimik ko sa kinauupuan ko habang walang humpay naman ang ingay ng mga tao sa bleachers. Parang guguho na ang court.
Mas lalong lumakas ang sigawan ng mga schoolmates ko nang matapos ang fourth quarter at manalo ang school namin laban sa school nila Troy. Hindi matigil ang lahat sa sobrang saya. Pero maaga pa para magsaya dahil hindi pa naman dito nagtatapos ang game kasi semifinals pa lang.
Dahil tapos na ang basketball game, ang mga nagpunta para manood lang ng basketball ay umalis na pero may natira pa rin para manood ng next sport, ang volleyball.
“Mamayang hapon, bubuksan na natin ang booths,” sabi ng head organizer sa amin.
“Aww sayang. Hindi na natin mapapanood ang laban ng dalawang ibang school,” nakangusong sabi ni Helen.
Nakikinig lang ako sa usapan nila. Gusto ko rin panoorin pa ang game nila Troy mamaya pero kailangan na naming magbantay sa mga booths.
“Oh?” bulalas ni Joan habang nakatingin sa paanan namin. “Palapit siya rito Helen!”
“Oh my God!” bulalas ni Helen.
Nakakunot noo tuloy akong napatingin sa tinitingnan nila. Saka ako nagulat at pinanlakihan ng mga mata nang makita ko si Troy na paakyat sa bleachers papunta sa kinauupuan namin dito sa itaas.
Halos nakatingin sa kanya ang mga schoolmates ko. Inaabangan kung saan siya pupunta. Hindi ko alam pero bigla akong kinabahan. Lalapitan niya ba ako? Hala! Bakit? Ang daming nakatingin!
Halos mag-hysterical na ako habang palapit nang palapit siya sa pwesto ko. May narinig akong bulungan mula sa mga nakakakita ng pangyayari ngayon pero hindi ko na ito masyadong pinansin dahil nakatuon na ako kay Troy na nasa harapan ko na ngayon.
Ngumiti siya. “Pwedeng makiupo?”
Automatic naman na nag-adjust paatras ang mga kasamahan ko para magkaroon ng bakanteng upuan sa kabilang side ko. Wala sa sarili na lumipat din ako ng upuan sa dating kinauupuan ni Helen. Naupo si Troy sa tabi ko.
“Ang gagaling ng basketball players ninyo,” nakangiting sabi niya.
“M-Magaling din kayo,” sagot ko at nag-aalangang ngumiti. “Anong ginagawa mo rito? Baka hanapin ka ng coach mo at ng iba mong kasamahan.”
“Hindi ‘yon. Nagpaalam naman ako sa kanila.”
“Ah, okay.”
Ilang saglit nagkaroon ng katahimikan sa pagitan namin. Pareho kaming nakatingin sa mga naglalaro ng volleyball sa gitna. Ang awkward. Wala akong ideya na may mangyayaring ganito sa araw na ‘to.
“Hey. You should introduce us,” bulong ni Helen matapos akong kalabitin.
“Troy, mga kasamahan ko pala,” sabi ko saka itunuro ang nakahilera kong mga katabi. Tiningnan sila ni Troy at binati. “Guys. Siya si Troy, kaibigan ko.”
Ilang beses nagkaro’n ng katahimikan sa aming dalawa. Wala ring balak sumali sa amin ang mga kasamahan ko. May sarili rin silang pinag-uusapan. Nakaka-awkward ang sitwasyon.
“Manonood ka pa rin ng game mamaya?” tanong niya. Siya lang ang bumabasag sa katahimikan.
“Hindi na. Magbabantay pa—” Balak ko sanang magsalita pero naunahan ako. Nakikinig din pala sila sa pinag-uusapan namin ni Troy. Nagpapanggap lang. Tsk.
“Manonood sila ni Helen!” wika ni Joan.
“Oo, manonood tayo,” nakangiting sabi ni Helen.
“Pero ‘di ba magbabantay pa tayo ng booths?” tanong ko.
“Kami nang bahala ro’n.”
Pinilit ko na lang ngumiti sa kanila. Ang weird ng kinikilos nila ngayon. Anong nangyayari?
“Sige. Balik na ako. Gagalingan ko dahil manonood ka,” nakangiting sabi niya bago umalis sa tabi ko.