The worst distance between two people is misunderstanding... CHAPTER FOURTHY EIGHT Ng makaalis si Vincent ay dumadagundong pa rin ang galit na boses ni William sa anak na si Sandra. " You're a disgrace to this family Sandra. Nakakahiya ka! puro kahihiyan ang dinadala mo sa pamilyang ito! kahihiyan nung nabuntis ka ng walang asawa! kahihiyan nung pumatol ka sa may asawa at ngayon naman kahihiyan sa pagsisinungaling at pamemeke ng resulta ng DNA test ng anak mo sa ibang lalaki. " hindi pa rin humuhupa ang galit na tungayaw ni Wiliam sa umiiyak na si Sandra habang yakap yakap ng ina nitong si Bianca. " William tama na! please calm down. Makakasama sayo ang magalit ng sobra. " umiiyak na pagsasawata ni Bianca sa galit na galit pa ring asawa. " Isa ka pa! manang mana sayo yang anak mo! ka

