Some people think that the truth can be hidden with a little cover-up and decoration. But as time goes by, what is true is revealed, and what is fake fades away.
Ismail Haniyeh
CHAPTER TWENTY TWO
"Sinungaling ka Sandra! sinungaling ka! hindi ako ampon!"
naghihisterikal na si Monica samut saring emosyon ang nararamdaman niya!, sobrang sakit sa ginawang pagtataksil ni Vincent, sobrang sakit sa nalamang katotohanan tungkol sa pagkatao niya! at higit sa lahat matinding galit sa asawa niya at kay Sandra! galit na galit siya na para siyang bombang sasabog at mag eexplode!
" I hate both of you! mga sinungaling kayo! mga manloloko!"
Halos hindi na makahinga si Monica, nararamdaman niyang naninikip ang dibdib niya! kumawala siya sa pagkakayakap ni Vincent sa kanya at nagtatakbo palabas ng hotel room na yun.
Hinabol siya ni Vincent hanggang sa labas ng hotel, hinabol siya hanggang sa kalsada wala pa rin siyang tigil sa pagtakbo! hindi niya alam kung san siya patungo basta ang alam lang niya gusto niyang makalayo sa mga taong nakasakit sa kanya.
Gusto niyang panandaliang takasan ang isang masakit na katotohanan! iyak pa rin siya ng iyak habang tumatakbo at nanlalabo na ang mga mata niya dahi sa luha kaya hindi niya napansin at hindi niya agad napansin ang paparating na sasakyan.
ahhhhhhhhhhh..........konting konti nalang at muntikan ng sumalpok kay Monica ang kotseng itim.
Nakakangilong tunog ng gulong ng sasakyan ang maririnig dahil sa biglaang pagpreno nito. Humandusay si Monica sa kalsada at nawalan ng malay dahil siguro sa sobrang shock at takot.
Monica..........................sigaw ni Vincentna nasaksihan ang pangyayari!
mabuti nalang at agad na nakapagpreno ang driver ng itim na kotse at hindi ito tuluyang bumangga kay Monica.
Agad na binuhat ni Vincent si Monica! at humingi ng tulong sa may-ari ng itim na kotse na agad namang bumaba ng sasakyan para alamin ang nangyari sa muntikan na nilang mabangga.
" Ano bang nangyari iho bakit siya tumatakbo? " nagtatakang tanong ng medyo may edad ng lalaki sa kanya na may-ari ng kotseng itim.
"Nagkaroon po kasi kami ng hindi pagkakaunawaan manong, nanginginig na sagot ni Vincent na sobrang takot pa rin sa muntikan ng mangyari sa kanyang asawa. Manong pwede nyu po ba kaming ihatid sa Hospital."
" Oo naman iho, sakto at dun din talaga ang punta ko. By the way ako nga pala si Dr. Rommel Rodriguez. The owner of the Rodriguez hospital here in Baguio. C'mon buhatin mo na siya at isakay sa kotse.
ng maisakay niya na ang asawa sa kotse ay tsinek ng nagpakilalang doktor ang pulso nito.
" Don't worry iho okay naman ang asawa mo. Nahimatay lang siguro siya sa sobrang takot. Whoahh...ako man ay natakot iho. Muntik na akong maka-aksidente. For my 55 years of existence ngayon lang mangyayari yon. Pagkukwento ng doktor habang bumabyahe sila. Pasensya na kung medyo mabilis ang patakbo ko. Tumawag kasi ang mga staff ko sa hospital at sinabing may emergency daw kaya nagmamadali ako. Paliwanag nito sa kanya.
*******************************************************
AT THE HOSPITAL
"Dok kumusta po ang asawa ko! How is she?"
Tanong ni Vince sa doktor na umeksamin sa asawa niya. Si Dr. Rodriguez naman na naghatid sa kanila ay dumerecho na agad sa emergency room.
"Okay naman ang lahat ng test namin sa asawa mo, nawalan lang siguro siya ng malay dahil sa matinding shock at siguro masyado ding stress ang misis mo."
" Siya nga pala iho, iwasan mong bigyan ng sakit ng ulo ang misis mo, bawal sa kanya ang maistress at mapagod dahil maselan ang pagbubuntis niya."
"What! buntis ang asawa ko dok?"
"Yes iho! she's three weeks pregnant!"
"Yes! thanks dok! God answers my prayer! magiging daddy na ako!"
Ang lahat ng takot at pag-aalala ni Vincent ay napalitan ng saya ng malamang buntis ang kanyang asawa! sobrang saya ng naramdaman ni Vincent sa good news na yon ng doktor.
"Congratulations iho! wika ng doktor sa kanya sabay tapik sa balikat niya!"
"Thank you dok!"
"So pano I'll go ahead now to check on other patient, once na magkamalay siya ay pwede mo na siyang iuwi, niresetahan ko siya ng mga vitamins para sa pagbubuntis niya at pampakapit sa baby. Yung bilin ko alagaan mong mabuti ang misis mo. Your wife is very pretty i'm sure maganda o gwapo ang magging baby nyu."
"Yes dok makakaasa po kayo! thanks po ulit!"
"You're welcome iho!"
Samantala alalang alala naman ang mag-asawang Carmelo at Elena ng matanggap ang tawag ni Vincent
Agad silang nagbyahe patungong Baguio at hindi mapakali si Elena habang nasa byahe! iyak siya ng iyak dahil nabunyag na ang pinakatatago tago nilang lihim.
"Carmelo natatakot ako ayaw kong mawala sa atin si Monica sinasabi ko na nga ba at may masamang balak ang Sandra na yun at ang ina niyang si Bianca!"
"Elena stop that! anak natin si Monica at walang magbabago! wag ka munang magpanic makakasama yan sa health mo!"
"Pano ba naman ako hindi magpapanic eh alam na ni Monica ang totoo at maari itong kumalat sa buong bayan Carmelo. That Bianca is a b***h! she promise us na walang makakaalam ng lihim natin at pinapalabas niya pa na anak mo ang Sandra na yun na sumisira sa buhay ng anak natin Carmelo."
" I'm so sorry ElenaI also don't know the truth! Elena what if anak ko nga si Sandra?"
"Carmelo ayaw ko! wag mong sabihin yan! dahil hindi ko matatanggap! pinatawad kita nung malaman kong nagkaron ka ng relasyon kay Bianca nung nasa Dubai ka pero hindi ko matatanggap na nagkaanak ka sa kanya!"
" I understand Elena! at sana kung totoo man na anak ko nga si Sandra kay Bianca sana mapatawad mo ulit ako sa pangalawang pagkakataon! Elena matagal ko ng pinagsisihan ang nagawa kong pagkakasala sayo nun! God knows hindi ko sinadyang saktan ka! hindi ako nun pumatol kay Bianca dahil ginusto ko! aksidente lang ang nangyari sa amin nun dahil pareho kaming lasing at parehong malayo sa aming mga pamilya!"
"Tama na Carmelo! wag mo ng ibalik ang nakaraan na yan dahil ayaw ko ng maalala! ang problemahin nalang natin ay si Monica kung pano natin ipapaliwanag sa kanya ang lahat! Carmelo mahal na mahal ko si Monica Anak ko siya! kailan man ay hindi ko naramdaman na hindi ko siya anak."
"Ako man ay ganun din Elena! mahal ko si Monica na parang tunay nating anak na nagmula sa atin at ayaw ko ding may iba siyang kilalaning magulang maliban sa atin, pero sa ayaw at sa gusto natin kailangan nating harapin ang isang katotohanan."
Nagising si Monica na puro puti ang namulatan ng kanyang mga mata! nasa langit naba siya? takang tanong niya sa sarili. Inilinga-linga niya ang paningin at nahagip ng kanyang mata ang isang lalakeng nakahiga sa sofa! si Vincent ang kanyang taksil na asawa. Pero nasaan siya at anong ginagawa nila sa silid na ito. Pilit niyang inalala ang lahat...at bumalik sa alala niya ang isang masakit na katotohanan ang pagtataksil ng asawa niya at ang pagiging ampon niya! hindi siya isang tunay na Montenegro! hindi siya isang tunay na prinsesa kundi isa lamang siyang hamak na anak ng isang labandera at kapatid niya pala si Jana ang babaeng inalipusta at sinaktan niya ng sobra!
Napaluha nanaman siya ng maalalang muntik na siyang mamatay dahil muntik na siyang masagasaan! sana nga namatay na lang siya!
Napatingin siya sa gawi ng pinto ng bigla yung bumukas at pumasok ang mommy at daddy niya! nagising din si Vincent sa pagkakaidlip nito ng marinig ang pagbukas ng pinto. Nakita niyang nagmano ito sa mommy at daddy niya.
Patakbong lumapit sa kinaroroonan niya ang kanyang ina! Monica anak! agad siya nitong niyakap! lalo siyang naiyak sa higpit ng yakap na yun ng mommy niya!
"Mommy bakit di nyu sinabi sa akin ang totoo?"
Umiiyak niyang tanong sa mommy niya.
"Monica wag mong intindihin ang sinabi sayo ng Sandra na yun! anak ka namin! kami ng daddy mo ang mga magulang mo! anak promise me na walang magbabago! mahal na mahal ka namin anak."
Lalo pang naiyak si Monica ng ang daddy naman niya ang lumapit at yumakap sa kanya!
"Monica anak makinig ka sana samin ng mommy mo! Anak ka namin at walang pwedeng makapagpabago nun, mahal na mahal ka namin ng mommy mo! anak wag mo sanang kalilimutang ikaw lang ang nag-iisang prinsesa namin!"
"Pero dad si Sandra totoo ba? totoo ba na anak nyu siya?"
"Hindi ko alam anak pero totoong nagkaron ako ng kaugnayan sa ina niya nung araw na malayo ako sa mommy mo at mga kapatid mo nung time na nasa ibang bansa ako! pero hindi ko alam na nagka-anak ako sa kanya! anak hindi ka dapat agad naniwala sa mg sinabi sayo ni Sandra!"
"Hindi ko na alam kung anong dapat kong paniwalaan dad sana maging totoo kayo sa akin! dad totoo ba na hindi nyu ako anak? totoo ba na si aling Ditas ang aking tunay na ina? dad gusto kong sa inyo mismo ni mommy manggaling ang totoo."
"Dad, mom please tell me the truth!"
"Yes iha pero kahit kailan hindi namin naramdaman na hindi ka namin anak! Monica ikaw lang ang nag-iisang prinsesa namin anak."
Napahagulhol na ng iyak si Monica ng kumpirmahin na ng kanyang ama ang totoo.
Tama nga pala si Sandra isang malaking kasinungalingan nga pala ang buhay ko!
" Mom, Dad ang sakit sakit po! hindi ko po kayang tanggapin na hindi kayo ang mga magulang ko!"
"Monica anak wala namang magbabago! hindi mababago ng katotohanan ang pagmamahal namin ng mommy mo sayo bilang mga magulang mo! anak sana sa kabila ng lahat ng nalaman mo sana wag magbago ang pagtingin mo samin ng mommy mo! "
" Hinding hindi magbabago yun dad! Kayo ni mommy ang magulang ko! mahal na mahal ko po kayo ni mommy dad! "