There is a promise in every new dawn. Promise of a new start, a new chances, new opportunities and a new hope. Always remember the promise.
Doe Zantamata
CHAPTER TWENTY
" Okay fine Vince kung yan ang gusto mo! I wont take any pills, and kung gusto mo magkababy na tayo, I will cooperate now, but please I can't promise na maiiwasan ko si Jerome. He's a good friend of mine with a good heart, he's one of a kind. "
" Bakit ba hindi mo maiwasan ang lalakeng yun! " inis na tanong sa kanya ni Vince sa kanya,
" Dahil wala naman siyang ginagawang masama sa akin para iwasan ko siya! Vince believe me mabuting tao si Jerome at mula siya sa isang mabuting pamilya bakit ba ganyan nalang ang pagkadisgusto mo sa kanya? tell me at baka sakaling maintindihan ko! "
" Dahil nagseselos ako sa kanya! walang kagatol gatol na sagot nito. "
Napatingin siya kay Vince at napatawa! " Nagseselos ka kay Jerome? marunong pala magselos ang asawa ko! "
" Why? what's funny? nakakatawa bang aminin na nagseselos ako! Monica lalake ako at ramdam kong may gusto sayo ang Jerome na yun! Sa mga titig niya sayo, sa kilos niya alam kong lihim siyang may pagtingin sayo at hindi lang bilang kaibigan ang tingin niya sayo! "
" You are so impossible Vince! hindi pa tayo mag-asawa ay friend na namin si Jerome. Di sana noon pa niya ako niligawan, noong wala pa akong asawa, kaya imposible yang sinasabi mo dahil never siya nagparamdam sa akin. "
"Masyado ka lang sigurong manhid Monica kaya di mo napapansin. Tama man ako o mali basta ang gusto ko iwasan mo siya. "
" Okay okay! I'll try na maiwasan siya as long as my pagkakataon I'll keep distance on him but you should also promise me na iiwasan mo ang malanding Sandra na yun! I hate her! "
" Monica imposible yang hinihiling mo dahil bussiness partner kami ni Sandra at araw araw kaming nagkikita sa opisina. "
" Then that's exactly my point Vince, ganun din kami ni Jerome araw araw din kaming nagkikita sa school.
Napakamot sa ulo si Vincent tiningnan lang siya nito at di na nagsalita pa! para siguro hindi na humaba ang usapan nila.
Nahiga na ito sa kama nila at pumikit. Wala siyang nagawa kundi ang mahiga na rin at tumabi dito. yumakap siya dito pero tumalikod ito sa kanya.
" Vince galit ka pa rin ba? akala ko ba okay na tayo, nilambing lambing niya ang asawa at di siya tumigil hanggat hindi ito humaharap sa kanya. at ng humarap ito sa kanya ay siya na ang nagtake advantage, hinalikan niya ito sa lips at di naman ito nagpakipot parang sabik na gumanti ng halik sa kanya, ilang minuto ding tumagal ang halik nila bago naghiwalay ang mga labi nila! " I miss you! " malambing na wika ni Monica sa asawa.
" I miss you too sweetheart! " malambing ding wika ni Vincent sa kanya na mukhang namiss talaga siya dahil parang sabik na sabik ito sa kanya! sweetheart gawin na natin si junjun tonight, nanunukso na request nito sa kanya at pinagbigyan naman niya ito. Hinayaan niyang magpakasasa ito sa alindog niya buong magdamag, grabe parang wala itong kapaguran dahil buong gabi siya nitong di pinatulog. Magdamag nitong prinoseso si Junjun.
AT VINCENT OFFICE
" Sandra can we talk? bungad ni Vince kay Sandra ng pumasok siya sa office nito.
" About what Vincent? " agad namang tanong nito?
" About us! "
"And what about us?"
" Sandra alam mong matagal na tayong tapos at wala na akong nararamadaman sayo! Sandra sana naman tigilan mo na ang pagsasabi na kung anu-ano kay Monica dahil ako ang naiipit sa sitwasyon. "
" So nagsumbong na pala sayo ang magaling mong asawa! Vincent alam mo ang sagot ko sa tanong mo! Vince alam mong mahal kita kaya ako nagpapakababa ng ganito! willing naman ako maging pangalawa lang ah! " tila naiiyak nitong wika na punong puno ng lungkot sa mga mata.
" Sandra wag mong gawin yan sa sarili mo! wag mong ibaba ang sarili mo! you deserve someone better. "
" Pero Vincent hanggang ngayon ikaw pa rin ang mahal ko! "
" Stop it Sandra! tigilan mo na ako dahil wala kang mapapala sa akin! may asawa na ako at ayaw ko siyang saktan! di ko rin makakaya kung mawawala siya sa akin. "
" Ikaw ang tumigil Vincent kasi nasasaktan na ako sa mga pinagsasabi mo! I told you handa naman akong maghintay eh! minahal mo ako dati kaya baka pwede pa rin nating maibalik yun kahit hindi na buo baka pwede pa Vincent! "
" Sandra hindi na mangyayari yun dahil mahal ko ang asawa ko at hindi ko siya lolokohin kaya please lang tumigil ka na! tama na! "
Pagkalabas ni Vincent ng opisina niya ay pumatak ang masaganang luha sa mga mata niya! masyado na siyang nagpakababa kay Vincent mahalin lang siya ulit nito pero ang aminin nito kung gano nito kamahal ang asawa nito ay sobrang sakit! walang kasing sakit na parang sumusugat sa buong sistema niya. Parang pinupunit ang puso niya. Simula nung nakipagbreak siya kay Vincent nung pagkagraduate nila ng high school ay hindi siya nakipag-relasyon sa iba. Marami din namang mga nanligaw sa kanya nung nasa Amerika siya pero ni isa man sa mga ito ay wala siyang sinagot dahil wala yong kilig at spark na hinahanap niya tulad nung naramdaman niya kay Vincent dati.
Hindi ako makakapayag na maging masaya kayo ng asawa mo Vincent! banta ni Sandra sa sarili lang niya! babawiin ko ang dating sa akin! sisirain ko ang pagsasama nyu! wawasakin ko ang puso ng babaeng mahal mo Vincent! mapaghiganting wika ni Sandra sa sarili lang niya.
AT THE UNIVERSITY
"Monica what's wrong? iniiwasan mo ba ako? may nagawa b akong mali na ikinagalit mo? buong pag-aalalang tanong ni Jerome sa kanya ng macorner siya nito sa lobby ng school.
Monica tell me! bakit mo ako iniiwasan. " She saw pain in his eyes while asking me that.
" Jerome wala! " nabigla niyang sagot sa kaibigan. Naawa siya dito, alam niyang nasasaktan niya ito sa ginagawa niyang pag-iwas.
" Then why Monica? bakit parang feeling ko iniiwasan mo ako! "
" Jerome no..." tanggi naman niya dahil ayaw niyang mas lalo pang masaktan ang kaibigan.
" Yes Monica ramdam ko yun and I want you to know na nasasaktan ako! akala ko magkaibigan tayo! bakit all of a sudden you seem so cold to me, why Monica? will you please tell me why? what wrong have I done to you? please tell me. "
" Jerome you will always be my good friend, pasensya ka na sa akin marami lang akong problema. "
" Then tell me what your problem is baka makatulong ako! "
" Jerome pwede bang next time na lang tayo mag-usap malilate na kasi ako sa next subject ko eh! "
" Okay! " malungkot itong tumango at hinayaan na siyang makaalis.
" Best iniiwasan mo nga ba talaga si Jerome? " tanong sa kanya ng best friend niyang si Cherry na mukhang nakakahalata na rin sa pag-iwas na ginagawa niya.
" Masyado na ba akong obvious best? " tanong nia sa kaibigan.
" Ay oo naman best sobrang obvious at alam mo bang nasasaktan mo na yung tao. Lagi kaya ako nung tinatanong kung ano daw bang nagawa niyang masama para iwasan mo siya. "
" I also feel sorry for him best at ayaw ko rin siyang nasasaktan, pero best kaylangan eh! "
" Eh bakit nga kasi best? sobrang bait ni Jerome and he dont deserve that kind of treatment! "
" Best kasi ayaw sa kanya ni Vince. Nagseselos si Vince sa kanya at ayaw niya daw na makita kaming magkasama, gusto niyang iwasan ko si Jerome kaya yun ang ginagawa ko! "
" Tarantado pala yang asawa mo eh! " nanggagaliiting wika ni cherry.
" Best naman watch your language! asawa ko pa rin yon! "
" Eh totoo naman eh. Mabuti sana kung may masamang ginawa sayo yong tao eh wala naman! Monica alam mo bang sobra mo ng nasasaktan si Jerome. Best kung alam mo lang ang pinagdadaanan niya. Huwag mo namang gawin kay Jerome yun. Friend natin siya remember. Sobrang kitid naman ng utak niyang asawa mo! bakit wala ba siyang tiwala sayo? Best nagiging sunud sunuran ka na yata dyan kay Vincent, Best sinasabi ko sayo yang si Vincent magagawa ka niyang iwan pero kami ni Jerome na kaibigan mo hinding hindi, wag mo namang gawin yan kay Jerome sobrang nasasaktan na nga yong tao eh! "
" Bakit best may problema ba si Jerome? " nagtatakang tanong niya sa kaibigan.
" Oo best malaki ang problema niya kaya please lang best wag mo na dagdagan. "
" Okay I'm sorry I didn't know! ano bang problema niya! "
" Mas mabuting sa kanya mo nalang malaman best baka kasi isipin ni Jerome na napaka tsismosa ko naman. "
Naging palaisipan kay Monica kung anong problema ng kaibigan nilang si Jerome.