CHAPTER FOURTHY THREE Kitang kita ni Vincent kung paano maging wild at magwala si Monica sa dance floor. Alam niyang lasing na ito. Kita niya din kung paano walang magawa ang best friend nito na si Cheery. Simula ng maghiwalay sila ni Monica ay naging stalker na siya nito. Itinuloy pa rin nito ang pagpafile ng annulment paper nila at kahit labag sa kalooban niya ay wala siyang nagawa kundi ang pumirma at maki cooperate para mapawalang bisa ang kasal nila kapalit ng kasunduang hindi ito aalis ng bansa para dun na manirahan at para itago at ilayo sa kanya ang kanyang mga anak na utos ng papa nito. Nakita niyang may tinawagan si Cherry sa phone nito ng hindi nito maawat si Monica sa dance floor. Baka tumawag ito kay Brando o sa isa man sa mga kapatid nito. Nagkasya na siya na patingin tingi

