CHAPTER EIGHT
Sobrang lungkot ni Monica! nasa terrace siya nun at nakatanaw sa kabundukan napakaganda ng view sa terrace, ito ang favorite place niya sa bahay nilang yun ni Vincent.
She feels peace habang nakatanaw sa kabundukan, tanaw na tanaw ang kabundukan sa terrace nila, malungkot siya kasi one week na simula ng ikasal sila ni Vincent pero hindi pa rin siya nito iniimikan. palaging hatinggabi na ito umuuwi at lagi pang lasing.
Simula nung may mangyari sa kanila ay hindi na ulit ito pumasok sa kwarto nila. sa guest room na ito natutulog.
Samantala habang naglilinis si Vincent ng kotse niya ay natanawan niya ang asawa na malayo ang tingin at parang ang lalim ng iniisip.
Bigla naman siyang nakaramdam ng awa para dito. napansin niya kasing parang nawala ang dating sigla nito, parang ang lungkot lungkot ng itsura nito. Tila namagnet ang tingin niya sa asawa habang pinapalad ng hangin sa terrace ang buhok nito.
She has the most beautiful and innocent face, hindi ito mahirap mahalin mahirap lang talaga siyang intindihin.
Mas lalo pa siyang nabighani dito ng makita niyang may dumapong ibon sa balikat nito at nahuli nito iyon, nun lang niya ulit ito nakitang ngumiti.
Para itong batang tumakbo pababa at lumabas ng bahay.
”Vince. look tawag nito sa kanya, nkahuli ako ng ibon, look at it.. its so nice.”
Tiningnan naman niya ito. Maganda nga yong ibon green at yellow ang kulay ng feathers nito.
” I can't believe it bigla na lang siyang dumapo sa balikat ko.”
“Baka napagkamalan kang puno kaya dinapuan ka.” Pang-iinis niya dito!
“What! nakakainis ka talaga, pero thanks ha kasi kahit pang-iinsulto ang lumabas diyan sa bibig mo at least you are talking to me now.”
Napansin kong kanina mo pa nililinisan yang kotse mo ah. mabuti pa yang kotse mo pinagtutuunan mo ng pansin, pero ako you always ignored me.
“Pati ba naman itong kotse pinagseselosan mo pa! oh sige ipapasyal kita mamaya. Ibibili na rin pati natin ng kulungan yang ibon mo para naman may pinagkaka-abalahan ka!”
Nagulat si Monica sa sinabi ng asawa! tama ba yung narinig niya ipapasyal daw siya nito.
Iniimikan na siya nito.
“Talaga! Vince! dalawin na rin natin sila mommy ha. miss na miss ko na kasi sila eh. Ayaw kong ikulong itong bird na ito kasi ang ganda-ganda niya! gusto ko siyang maging malaya. Malungkot kasi pag nakakulong ka.”
Takang napatingin si Vincent sa asawa. Ganun ba ang pakiramdam nito ngayon nakakulong!
“Vince since kinakausap mo na ulit ako lets talk about us.”
“Monica there's no us.”
“Vince asawa mo na ko! at kung nasaktan ka, ako din naman nasasaktan eh the way you treat me. Vince I'm sorry alam kong nagkamali ako at pinagsisihan ko yun pero hindi ko na mababago pa yung mga bagay na nagawa ko! sana after what happened sana maibalik natin yung dating relasyon natin. Sana bumalik yung dating Vincent na laging nagpapasaya sa akin nung bata pa ako.”
“Monica hindi ka lang sa akin may kasalanan. At alam kong hindi na tayo babalik pa sa dati dahil iba na ang sitwasyon nating ngayon.”
“Ano bang gusto mong gawin ko para mapatawad mo lang ako?” tanong dito ni Monica.
“Monica gaya ng sabi ko hindi ka lang sa akin may kasalanan kaya wag ka sa akin humingi ng tawad.”
“Gusto mo bang humingi din ako ng tawad kay Jana? sabihin mo lang gagawin ko.”
“Monica hindi ko na siguro kailangang hilingin yan sayo kasi kung sincere ka gagawin mo yun ng kusa.”
“For God's sake! si Jana pa rin! until now si Jana pa rin. okay fine! hihingi ako ng tawad kay Jana para na rin sa ikapapanatag ng loob ko.”
“That's better and I'm sure matutuwa ang mom and dad mo sa gagawin mo.”
*****************************************************************************************
JANAS’ HOUSE*
Laking gulat ni Aling Mameng ng makitang ang bumaba ng sasakyan ay sila Monica at Vincent.
“Magandang hapon po Inay! bati dito ni Vincent.”
“ Magandang hapon po!” segunda naman niya.
“Magandang hapon din naman sa inyo! Napasyal kayo!”
“ Eh inay si Jana po?”
“Bakit anong kailangan nyu kay Jana?”
“Gusto po sana naming humingi ng tawad mag-asawa kay Jana para makapag-umpisa na po kami ng bagong buhay namin bilang mag-asawa.”
“Vincent matagal ka ng napatawad ng anak ko! Lalong lalo ka na Monica, hindi ka pa humihingi ng tawad ay napatawad ka na ng ate Jana mo!”
“Gusto ko po siyang makausap at personal na humingi ng tawad sa kanya nay Mameng.” wika niya sa matandang dati nilang labandera.
“Senyoreta Monica wala na dito ang anak ko.”
“Poh. eh nasan po siya?”
“Nasa Dubai na siya Kaka-alis lang niya kahapon. Tinanggap na niya yung offer ng school na malipat siya dun. Pero wag kayong mag-alala para siguro sa ikatatahimik ng loob ninyong mag-asawa ay may iniwan siyang sulat para sa inyong dalawa.”
iniabot nito sa kanila ang sulat na ikinagulat niya para san ang sulat! malalaman niya pag nbasa na niya yun mamaya!
Ng magpapa-alam na silang aalis na, ay nagulat siya ng hilingin ni aling Mameng na mayakap siya.
“Senyoreta Monica pwede ko po ba kayong mayakap?”
Nagulat pa siya ng yakapin siya ng mahigpit ni nay Mameng. May kung ano sa yakap na yon na hindi niya maipaliwanag kung ano, iba ang epekto nun sa kanya parang may kung anong hatid sa pagkatao niya at hindi niya din napigilan ang sarili niya na gumanti ng yakap.
“Sige po nay Mameng alis na po kami. paesensya na rin po sana kayo sa mga masasamang naging pagtrato ko sa inyo before.
“Okay lang poh yun senyoreta Monica.
“sige po tutuloy na po kami.
Dumerecho sila sa bahay nila pagkagaling nila sa bahay nila Jana.
Tuwang tuwa ang mom and dad nya ng mapadalaw sila!
“Monica anak! humalik siya sa pisngi ng mom and dad niya!
“ I miss you mom! I miss you dad” tila batang yumakap si Monica sa mga magulang na tila naglalambing!
“Ito talagang batang ito para pa ring bata kung maglambing, eh magkakababy na rin siya!”
Nagkatinginan sila ni Vincent sa sinabi ng ama.
Ang mom naman niya ay napatingin din sa kanya.
“Alam mo iha I'm so excited na maging lolo ulit.” lalo siyang natense sa sinabi ng dad niya at ganun din si Vincent.
“Si dad talaga! mas excited pa sa amin ni Vince biro niya dito. Dad si kuya Brando poh?” pag-iiba niya sa topic.
“Hindi ba nagpaalam sayo ang kuya mo?”
“Hindi po eh! bakit saan ba pumunta si kuya?”
“Nasa Dubai siya ngayon sila yung nanalo sa bidding nung ipapagawang mall dun. 2 years daw ang kontrata nila dun.”
“Sa Dubai? baka poh nagkasabay pa sila ni Teacher Jana sa eroplano kasi umalis na din po si Teacher Jana kahapon papuntang Dubai siya daw poh yung napiling ipadala dun ng school.”
“Pano mo naman nalaman yan?”
“Galing po kasi kami kela Jana ngayon dad para po personal na magsorry sana sa mga nagawa ko para po makapag-umpisa na kami ni Vincent sa buhay namin ng tahimik at may pagpapatawad kaso lang po wala na ng daw po siya dun sabi ni nay mameng.”
“Galing kayo kela mameng! nanlalaki ang mata ng mom niya!”
“Yes mom!” hindi siguro ito makapaniwala na magagawa niyang magsorry.
“That's my girl! proud namang puri sa kanya ng daddy niya! that's good iha! finally you're growing up! Vincent you should take good care of our princess kung hindi sa akin ka naman mananagot!”
“Yes dad! wag poh kayong mag-alala! Monica and I will work out on our marriage to last forever.” biglang nagningning ang mga mata ni Monica! forever! she likes the idea. Sana nga maging forever sila ni Vincent.
Naging extra caring at extra sweet si Vincent sa kanya sa harap ng mga magulang niya!
Ng makauwi silang mag-asawa sa sarili nilang bahay ay back to normal nanaman sila. Sa master's bedroom siya natutulog at ang asawa naman niya ay sa guest room.
Habang di pa siya inaantok ay naalala niyang basahin ang sulat na iniwan sa kanya ni Jana.
Monica,
You will always be the sweetest child I have ever known before. The cutest and the sweetest one. You will always be the little sisiter I never had the chance to have. I just want you to know no matter what you did I never get mad to you because you and Vincent are one of the important person in my life.
Please take good care of Vincent, let him fall in love with you the way you want him to love you. Dont ever give up on him, use your beauty and charm and I'm sure he can't resist you and will choose to stay by your side forever.
It will be easy for you to make him stay and fall for you because you are so charming and adorable and I know that both of you have a chemistry on each other. I never regret that our wedding did not happen because I know that he's not the right person for me because he destined to be the right person for you.
Always bear in mind that I have forgiven you. I have to forgive you both, for me to be able to move on and live my life. I was hurt and in pain but I know in time my broken heart would be fix again by someone who destined to be my man.
Good luck to both of you! I wish you all the best!
Jana.
Natouch naman siya sa message ni Jana after what she did hindi ito galit sa kanya.
bakit? akala pa naman niya puro panunumbat ang mababasa niya sa sulat pero mali pala siya ng akala.
Tama si Jana she should make Vincent fall in love with her.
natigil ang pag-iisip at pagmumuni-muni niya ng marinig niyang bumukas ang pinto. Itinago niya ang sulat sa ilalim ng unan at nagkunwaring tulog. Maya maya ay naramdaman niyang humiga ito at tumabi sa kanya.
Himala wala yatang lakad ngayong gabi ang asawa niya. Wala yata itong planong maglasing ngayong gabi. Para nanaman siyang nakuryente ng maramdaman niyang yumakap ito sa kanya.
Gosh!!!!gusto niya ang pakiramdam na yun na yakap siya ng kanyang asawa.
Pinapakiramdaman niya ito kung anong susunod na gagawin pero wala naman itong sumunod na ginawa basta lang natulog ito na nakayakap sa kanya habang siya ay gising at nakikiramdam lang.
Naalala niya ang sabi ni Jana sa sulat make Vincent fall in love with you by your charm.
Nagising si Vincent kinabukasan na wala sa tabi niya ang asawa, nagising ba ito kagabi at lumipat ng higaan ng malamang tinabihan siya nito?
Nagising siya sa amoy ng mabangong ginisa at nadatnan niya ang asawa sa kusina na napeprepare na ng brekfast.
“Good morning!” bati nito sa kanya sabay halik sa kanya sa lips.
Ang ganda naman ng umaga niya.
“Good morning!” ganting bati niya dito. Mukhang ang sarap ng breakfast natin ah.
”Syempre ako ang nagprepare niyan eh. C'mon lets eat.”
“Wow ang sarap nito ah. kelan ka pa natutong magluto?”
tanong nito sa kanya!
”Hello marunong naman talaga ako magluto noh! I just dont get a chance na magluto at home kasi may mga maids kami na gumagawa nun.”
“Well this is good. Sana laging ganito! hayaan mo from now on lagi na kitang ipagluluto.” Naging masaya ang buong maghapon at magdamag nila ni Vincent, for the second time around kasi may nangyari ulit sa kanila but this time hindi na marahas, wala ng kasinungalingan, malaya sila pareho this is the very intimate moment nila as of now.
Tama si Jana talagang kaya niyang akitin si Vincent sa charm nya kasi feeling niya naaadik na sa kanya ang asawa niya dahil lagi na maaga umuwi at bihira na gumimik.
Nararamdaman na rin niyang tila nahuhulog na ito sa kanya at nagiging sweet at caring na rin.
Oh my! this is love. Hehe siya yata ang mas nahuhulog kay Vincent eh! lagi siyang lutang at si Vincent lagi ang laman ng kanyang isipan.