If there was no tomorrow, there would be no surprises; if there was no yesterday, there would be no memories; if there was no present, there would be no moments
Payton Macdonald
CHAPTER FOURTEEN
AT VINCENT'S OFFICE
" Hey Vincent are you listening with me? Inis na tanong ni Sandra sa kanya.
"Yes Sandra " andito ka pala!
" Oh yes! Ngayon mo lang napansin ang aga aga nagdi day dreaming ka! Ano bang nang yayari sayo? "
" I’m sorry Sandra, what are you talking about? "
" Kanina pa kita tinatanong kung anong development nung bago nating project. Pumayag na ba yung client natin sa mga terms and condition natin? "
" Oh yeah don’t worry I have settled those. I have closed the deal to our new client. "
" Okay then that’s good, how about going to the bar and let’s celebrate that! "
" Sorry Sandra pero hindi ako pwede. "
" But why? Do you have any problem Vincent?
" Nothing! I just missed my wife! " Matamlay niyang wika.
Nakita niya kung pano nagbago ang expression ng mukha ni Sandra sa sinabi niya para itong nasaktan at nadismaya.
" Why don’t you just forget her and live with your life. Vincent bata pa ang asawa mo sooner or later magbabago pa ang isip nun at tuluyan ng makikipaghiwalay sayo. Give her the freedom she wants. "
" No! Sandra I can’t! asawa ko siya and she’s going to live with me the way that I want! "
" Pero ang tanong namimiss ka naman kaya niya! Vincent its been two weeks since she left you, but then until now di pa rin siya bumabalik, who knows narealized niya na hindi ka naman talaga niya mahal! Vincent c’mon move on! Ako mahal kita! Mula noon until now! "
Hinawakan ni Vincent ang dalawang kamay ni Sandra. Tumingin ito sa kanya at nabanaag niya dun ang lungkot.
" Sandra alam mong minahal kita dati diba! Maliban kay Jana isa ka sa mga sineryoso at iniyakan ko, pero kung ano man ang meron tayo noon tapos na yun! May asawa na ako! Kasal kami at hindi na natin maibabalik pa or madudugtungan kung ano mang meron tayo sa nakaraan.
Live your life Sandra! Maganda ka at hindi ka mahirap mahalin! "
Nakita ni Alexis ang pagsungaw ng luha sa mga mata ni Sandra at mahigpit itong yumakap sa kanya.
Bigla namang bukas ng pinto ng opisina niya at sumungaw doon ang nagulat na asawa niya.
Naitulak ni Vincent si Sandra palayo ng Makita niya si Monica! Wrong timing nanaman ang dating nito sa opisina niya at base sa nakikita niya sa ekspresyon ng mukha nito ay iba nanaman ang iniisip at pakahulugan nito sa nakita.
Matalim ang tingin nito sa kanila ni Sandra.
" So kaya naman pala hindi mo ako sinusundo sa amin eh nag-eenjoy ka na pala sa piling ng babae mo! "
" Monica its not what you think! Agad na depensa ni Vincent. "
Si Sandra naman ay nagpaalam na kay Vincent.
" Vincent I think kaylangan nyu mag-usap, I need to go! "
Bago pa maka-alis si Sandra ay nahawakan na ito ni Monica sa braso para pigilan.
" And where do you think you're going Sandra. Bago ka umalis makinig ka. Vincent is my husband so you should know your place. Stop flirting with my husband! " matapang na babala niya dito.
Bago lumabas ng office ni Alexis si Sandra ay tiningnan ito ni Monica ng masama.
At kung nakamamatay lang ang tingin kanina pa siguro siya tumimbuang at nangisay sa sahig!
Napatingin si Vincent sa dala nitong kulay blue na teddy bear na may nakasulat na peace sa heart na drawing nito.
Hindi na napigilan ni Vincent ang sarili lumapit siya sa asawa at niyakap ito ng mahigpit! At saka bumulong sa tenga nito! " I miss you! "
Hindi naman makapaniwala si Monica na sasalubungin siya ng mahigpit na yakap ng asawa at sasabihin sa kanya na namimiss siya nito!
Ang sweet! Gusto niyang kiligin ramdam niya sa higpit ng yakap ni Vincent na mukhang namiss nga siya nito.
Pero ng maalala niya ang tagpong nadatnan niya ay inis na kumawala siya sa mga yakap ni Vincent!
" Let go of me Vince! Liar! Magsama kayo ng Sandrang yun! "
" Monica listen to me! Kung ano man yung nakita mo wala yun! Wala kaming ginagawang masama ni Sandra. I am just trying to comfort her. "
"And you want me to believe that! I came here para sana makipagbati sayo and makipagpeace sayo but look what I’ve got! Just another heart ache! How many times are you going to hurt me Vince! " Inis na tanong niya sa asawa na nakatingin lang sa kanya.
Sa inis niya ay ibinato niya sa pagmumukha nito ang tedy bear na dala niya sabay walk out at labas ng opisina nito. Samantala naagaw naman ang atensyon ni Vincent ng Tedy Bear na ibinato sa kanya ni Monica dahil tumunog yun at nagsabi ng I miss you! I love you! Kaya tuloy hindi na niya napigilan si Monica sa pag-alis at paglabas nito ng opisina niya.
Minabuti niyang huwag ng habulin ang asawa dahil kilala niya ang ugali nito baka mas lalo lang sila nitong mag-away at mas lalo pang lumaki ang gulo sa pagitan nila.
Dinampot ni Vincent ang Tedy Bear at ipinatong yun sa table niya. Kahit minsan isip bata si Monica ay hindi ito mahirap mahalin kasi sobrang sweet nito kahit nung bata pa ito kaya nga nung time na nalulungkot siya dahil sa break up nila ni Sandra ay napapasaya siya nito. Masayahin at makulit na bata kasi ito dati, sobrang bibo at sobra ding salbahe at si Joey ang laging minamalas na makatikim ng mga kasalbahehan nito noon. Pero kahit na salbahe ito nung bata pa ito ay hindi naman nakakainis ang pagkasalbahe nito. Sino ba naman ang maiinis dito ay napaka cute at napakabibong bata nito dati at sino rin bang mag-aakala na ang batang kinagigiliwan nila dati ay magiging asawa niya.
Natutuwa si Vincent sa pagdating ng asawa niya sa kanyang opisina para makipagbati sa kanya sayang nga lang at nadatnan pa nito ang moment nila ni Sandra kanina.
Bigla nanamang nakadama ng lungkot si Vincent ng maalalang galit nanaman nga pala sa kanya ang asawa.
Nahinto ang pag-iisip niya ng tumunog ang telepono na nakapatong sa table niya.
" Hello! Vincent iho! " Ang mommy niya ang nasa kabilang linya.
" Hello ma." Napatawag ka?
" Gusto lang kitang kumustahin iho! Kumusta ka na anak? Kumusta na kayo ni Monica? Malaki naba ang tiyan ng asawa mo! Ay naku iho sobra na kaming excited ng papa mo sa magiging apo namin. "
Natigilan si Vincent sa sinabi ng mama niya! Pano ba niya sasabihin dito na hindi naman buntis si Monica.
" Hello Vincent iho andyan ka pa ba? "
" Yes ma! Kumusta po kayo ni papa dyan sa Amerika? Kelan poh ba ulit ang uwi nyu ng Pilipinas? "
" Ay naku iho wag mo kaming alalahanin ng papa mo! Okay naman kami dito. Siyanga pala iho balak nang papa mo na ibenta nalang ang share niya dito sa kompanya nila para dyan na manirahan sa Pilipinas, para daw maalagaan namin apo namin sayo. "
Ay naku anak excited na talaga kami ng papa mo sa paglabas ng magiging anak nyu ni Monica!
Alam ni Vincent kung gaano kagusto nang mga magulang niya na mag-asawa na siya dati dahil gusto na nga ng mga itong magkaapo dahil nga sa nag-iisa lang siyang anak ng mga ito.
Ayaw niyang malungkot ang mga magulang pero ayaw din niyang paasahin ang mga ito na magkakaapo na nga ang mga ito kaya mas minabuti niyang sabihin nalang sa ina ang totoo kahit na alam niyang masasaktan ang mga ito.
" Ma, hindi po totoong buntis si Monica kaya hindi pa po kayo magiging lola at lolo ni papa! "
" Ano! Pero pano nangyari yun! "
" Ma, niloko lang tayo ni Monica. Pinalabas niya na buntis siya para hindi matuloy ang kasal namin ni Jana at mapilitan ako na pakasalan siya! "
" Nagawa ni Monica yun anak? "
" Ma, para namang hindi nyu kilala si Monica, bata pa alng yun ay marami ng kalokohang nalalaman. "
" I’m so sad to hear that iho! Gustong gusto na naming magkaapo ng papa mo. Anak we are not getting any younger anymore! "
" Don’t worry ma! I will work on it! " Biro ni Vincent sa ina.
" Aba iho dapat lang! matanda na kami ng papa mo at gusto man lang sana namin ng papa mo na maalagaan at makasama pa ng matagal ang magiging apo namin. "
" Oh sige na ma bibigyan ko kayo ni papa ng apo soon. Nangingiting wika ni Vincent sa ina na kausap sa telepono na may pilyong ngiti na sumilay sa mga labi. "
Ng magpaalam na ang mama niya sa kabilang linya ay nakadama ng kahungkagan si Vincent. Tama ang mama niya hindi na nga bata ang mga ito at kahit siya ay hindi na rin bata at matanda na rin at gusto na rin talaga niyang magka-anak at naalala nanaman niya ang asawa, talagang kailangan niya na talagang makipag-ayos dito at ayusin ang buhay nila bilang mag-asawa, gusto na rin niyang magka-anak at alam niyang sooner or later ay magkaka-anak din sila agad ng asawa dahil sabi ng doctor pag bata pa daw ang babae ay mabilis itong mabubuntis, pero pano naman mabubuntis ang asawa niya kung hindi naman sila lagi nagtatalik nito at mas malimit pa ang away nila kaysa ang pagtatalik nila.
Ayaw din naman niya pwersahin ito sa bagay nay yun dahil bata pa nga ito at gusto niya na kung gagawin nila yun ay pareho nilang gusto at hindi dahil napipilitan lang siyang pagbigyan nito. Ah…napasabunot siya sa buhok niya ng maalala ang bagay na yun. Lalo tuloy niya namiss ang asawa. Kaylangan niya talagang gumawa ng effort para magkabati sila.
MONICA’S UNIVERSITY
Masayang nag-uusap sila Jerome at Monica habang papalabas ng University hindi nila nun kasabay ang best friend niyang si Cherry kaya sila lang dalawa ni Jerome ang magkasabay sa pag-uwi. Kahit na malungkot siya mula pa kanina dahil nga sa encounter nila ng asawa niya sa opisina nito ay nagawa pa rin siyang patawanin ni Jerome sa mga corny na jokes nito. At ito ang gustung gusto niya sa kaibigan.
Samantala bigla namang nakadama ng selos at galit si Vincent ng Makita niya ang asawa na masayang nakikipag-usap sa isang lalake habang palabas ng gate ng university. Kilala niya ang lalakeng kausap nito ito yung lalakeng naghatid sa asawa niya ng minsang malasing ito.
Gusto niyang haklitin ang asawa at suntukin ang lalakeng yun pero nagpigil siya.
Samantala nagulat naman si Monica ng salubungin siya ni Vincent sa may labas ng gate ng university nila. May dala itong boquet of flowers and chocolate at mas nagulat siya ng bigla siyang halikan nito sa lips sa harap ni Jerome. Napansin niyang tila nailang si Jerome sa nasasksihan kaya itinulak niya si Vincent.
" Vince ano ba! " Naamoy ni Monica na amoy alak ang asawa mukhang nakainom ito. Kaya naman pala tila bigla itong nawalan ng hiya sa katawan.
" Bakit masama bang halikan ko ang asawa ko. " nakangising tanong nito sa kanya.
" Nakakahiya ang daming tao dito, masyado ka naman yatang PDA." Inis na sita niya sa asawa. Hindi naman nito pinansin ang pagkainis niya.
" Flowers and chocolate to my lovely wife. Pinisil nito ang tungki ng ilong niya. Oh wag ka ng magalit peace na tayo! "
" Peace? Peace-pisin mong mukha mo! Inis pa ring wika niya dito sabay kuha ng flowers at chocolate. Ano ito suhol? Akala mo siguro makukuha mo ako sa flowers and chocolate mo! Hindi noh! "
" Monica mauna na ako! Paalam sa kanya ni Jerome. Sige Jerome thank you for the advices you gave me and for making me happy. Bye ingat! Paalam niya sa kaibigan. "
" Wow ayos ha! At ano naman ang ginawa ng lalakeng yun at napasaya ka niya. Uy Monica baka nakakalimutan mong may asawa ka na. kung makipaglandian ka sa Jerome na yun feeling mo dalaga ka pa ah. "
" Ah Ganun! Pwes sabihin mo yan sa sarili mo Vince wag sa akin dahil wala kaming ginagawang masama ni Jerome kung ano mang meron kami it’s only purely friendship.! Pero kayo ng malanding Sandra na yun kung makapaglandian kayo parang wala kayo sa opisina nyu at wala kayong pakialam kung may makakita man sa inyu! "
" Monica please wag na nating pagtaluhan yun. Please go home and let’s make our marriage work. "
" Nakita ni Monica ang sinseridad sa mga mata ni Vincent ng sabihin nito ang mga katagang yun! Go home and let’s make our marriage work ang sarap pakinggan! "
" I’m sorry Vince pero uuwi lang ako at babalik sa atin kung kelan ko gusto. So you better go home dahil hindi ako sasama sayo pauwi. Susunduin ako ni daddy kaya makakaalis ka na. "
At ilang sandali nga lang ay dumating na si Carmelo ang daddy ni Monica.
Ngbless naman si Vincent sa bianan tanda ng pag-galang. Magandang gabi po dad!
" Magandang gabi din sayo iho! It’s nice to see you Vincent! Oh what a nice flowers iha. Peace offering ba yan sayo ng asawa mo. " tila nanunuksong tanong sa kanya ng dad niya na ngiting ngiti pa.
" Yes dad pero nakapagdecide na ako dad hindi ako sasama sa kanya! I’ll go home with you dad. "
" Don’t mind her Vincent! Ang mabuti pa ay sumama ka na muna sa amin at dun ka nalang magdinner ng makapagbonding na rin tayo. "
" Monica iha dyan ka na sumakay sa kotse ng asawa mo. "
" Pero dad. Sige na Vince sumakay na kayo ng asawa mo I’m sure matutuwa ang mommy nyu na Makita kayo ni Monica na magkasama. "
Walang nagawa si Monica kundi sundin nalang ang ama. Dahil alam naman niyang hindi siya mananalo dito lalo pa at alam na nito na Malaki ang kasalanan niya kay Vincent alam niyang si Vincent pa rin ang kakampihan nito.
Habang daan ay wala silang imikan ni Vincent.
Pero in fairness hindi niya maiwasang kiligin sa panunuyo sa kanya ngayon ng asawa. Ganito pala yong feeling na para kang nililigawan ng taong gusto mo rin at mahal mo rin. First time niya kaya makatanggap ng flowers and chocolate mula sa asawa. Sa isiping yon ay hindi niya maiwasang mapangiti. Ng mapansin ni Vincent ang sumilay na ngiti sa labi ng asawa ay hindi niya maiwasang maakit dito. Kaya hindi niya napigilang kunin ang kamay nito at dalahin sa kanyang mga labi habang nagdadrive siya at nsa manibela ang isang kamay. Nagtatakang napatingin naman si Monica sa asawa habang kunwari ay pagalit na iniiwas ang kamay niya pero deep inside ay kilig na kilig siya ng lumapat sa kamay niya ang mga labi ng asawa, tila ba may boltahe ng kuryente na gumapang doon. Ngingiti ngiti naman si Vincent habang nagdadrive.