Endiyah’s POV Nagising akong pati talampakan ko ay sumasakit. Paano bang hindi gayong naging malupit siya sa akin kagabi. Hindi niya ako pinatulog nang maayos. Isang oras lang yata akong nakakatulog at heto na naman, muling gagapang ang mga kamay niya sa buong katawan ko. Kinapa ko siya sa tabi ko ngunit maluwang na ang higaan. Agad akong napabalikwas ng bangon sabay tingin sa orasan na nakapatong sa night stand. Natutop ko ang noo nang mapagtanto kong alas onse na pala ng umaga. Okay pa naman, hindi katulad noong una na inabot ako ng hapon. Binalot ko ang hubad na katawan sa puting kumot at naglakad ako sa banyo. Napangiti ako nang bumungad sa akin ang bathtub na puno ng tubig. Pinaghanda niya talaga ang pampaligo ko. Bago ako pumaloob sa bathtub ay sinilip ko muna ang sarili sa sala

