Chapter 3

2008 Words
Endiyah Mahihinang katok sa bintana ng sasakyan ko ang pumukaw sa nakatulog kong diwa. Inangat ko ang ulo mula sa manebela ng sasakyan at sinilip ang kumakatok. Isang binatilyo na sa tingin ko ay car wash boy. Inayos ko muna ang sarili bago ibinaba ang salaming bintana ng sasakyan. Nakangiti siya sa akin. “Good morning po, Ma’am. Magpapa-car wash po ba kayo?” nakangiti niyang tanong. Ngumiti ako sa kaniya pabalik at umiling. “No, salamat.” Inabot ko ang sling bag ko at naglabas ako ng singkwenta pesos mula sa wallet ko. Inabot ko ‘yon sa binatilyo. “Tanggapin mo ito iho, pasinsiya kana.” Binigyan ko siya nang matamis na ngiti upang hindi mailang sa akin. Inabot niya ‘yon at nagpasalamat. Pinaandar ko na ang sasakyan at tuluyan ng umalis sa building na iyon. Nang makarating ako sa mansyon namin ay agad akong kinausap ng Papa ko tungkol sa lakad ko. “Why you did not tell me that Ethan is your indebted?” I try to calm myself and did not raise my voice in to my Dad. Nasa loob kami ngayon ng library kasama na rin si Mama He sighed deeply. “I’m sorry Anak. Karma strikes me back, because of my evil deeds I lost everything. Patawarin mo ako...patawarin ninyo ako ng Mama mo.” His voice cracked. Shame and fear written on his face. Hindi ko napigilan ang mga luha ko. Again, nagsimulang maglaglagang muli sa magkabila kong pisngi. I hated the fact that my dad lied to me. He lied about loosing our properties while I was away and he lied about the person he indebted. “He’s seeking for revenge.” I whispered. Nilapitan ako ni Mama sabay haplos ng balikat ko. She’s trying to make me calm. Hindi na muling nagsalita ang papa ko kung kaya’y nagpaalam akong aakyat na sa kuwarto ko. My mind is deadly tired. Kung maari ay ayaw ko na muna mag-isip. Kinabukasan ay sinubukan kong mag-submitt ng mga resumes ko sa mga kompanyang naghahanap ng empleyado. Nag-online email din ako sa mga kompanya na alam kong possible akong matanggap. I was busy the whole day. Sinubukan ko rin na bisitahin ang BDO bank namin. Unfortunately, iba na ang mga employees at mukhang hindi nila ako kilala. Siguro pinalitan na ni Ethan ang mga old employees ng Papa ko. He owned this. Wala na akong karapatan na magreklamo. Laglag ang mga balikat kong umalis na lang doon. Now, I witnessed our drowning. Ang buhay namin ngayon ay parang lumulubog na barko. All you have to do is to witness while it was drowning deeply. You can’t save it. Not because you don’t want too, but because you have no power to do so. Kinabukasan ay wala pa rin akong natanggap na magandang balita. All my applications was declined. Bakit? Nagtapos naman ako sa London. Bakit nila dini-decline ang forms application ko nang hindi pa nila nasusubukan ang mga kakayahan ko. Ang lupit naman ng mundo! O baka masyado lang akong apurado dahil hanggang bukas na lang ang oras ko. Naalaala kong binigyan ako ng romantikong halimaw na ‘yon ng tatlong araw para magdisisyon at kapag wala pa akong nahahanap na trabaho simula bukas ay babalik na naman ako sa kaniya at baka mapilitan nang um-oo sa condition na inalok niya. “Argh!” sinabunutan ko ang buhok habang nakatingin ako sa mga nag-response sa email ko. All rejected! “Lord, help me. Hindi ko na alam ang gagawin ko.” Pinikit ko ang mga mata. I pray silent, ito lang ang kaya kong gawin, ang isuko ang lahat ng problema ko sa buhay. May pagpipilian naman ako, ‘yon lang ay hindi tama at labag sa kalooban ko. Nakatulugan ko ang sobrang pag-iisip ng mga problema namin sa buhay. *** I was standing at the middle of his presidential office waiting for him to change his mind. Pilit kong pinapakalma ang sarili sa kaniyang harapan. Nanatili siyang nakaupo sa swivel chair niya at hindi sinasagot ang mga pakiusap ko sa kaniya na bigyan pa ako ng ilang araw para makahanap ng trabaho. But his beautiful eyes were all on me. Titig na titig sa akin na para bang tumatagos na ‘yon sa kaloob-looban ko. ”You’re asking for more days?” His cold baritone voice filled my ears. Tumango ako. “Sinubukan ko naman maghanap ng trabaho, it was all declined yesterday.” Ngumisi siya sa akin. ‘Yong tipong iniinsulto ako. “So anong konektado no’n sa usapan natin?” Deretso niya akong tiningnan. His jaws clenched once. “I’m offering you a f*cking choice Endiyah, but you refused it.” “Ayaw ko sa condition mo!” Tumaas ang boses ko sa kaniya. Dumilim ang mukha niya. “Then prepared to get out in your house. It will be mine by day after.” Tinalikuran niya ako at muling umupo sa swivel chair niya. “E-ethan…” He cursed. “Business is business, Endiyah. Now tell me? live with me or you and your parents will be getting out from that house?” seryoso niyang tanong sa akin. Hindi ako sumagot. Hindi ko alam kung anong sasabihin at paano kapag pumayag ako, papayag din ba kaya ang mga magulang ko? Nakita kong tumayo siya mula sa upuan niya at naglakad palapit sa akin. Nang isang dangkal na lang ang pagitan namin ay hinawakan niya ang baba ko gamit ang kaniyang dalawang daliri upang mapatingin ako sa kaniya. I stared at him without fear. “Yes or no?” he asked. Kapag pinanaig ko ang pakikipagtalo sa kaniya ay baka pulutin pa kami sa lansangan kapag nagkataon. I could see how determined he is to do what he wanted. “Hanggang kailan ako titira sa iyo?” “As long as I want,” “Hindi ‘yon puwede, Ethan.” Pagtutol ko. Binitiwan niya ang baba ko. “Pay me then.” Pinikit ko ang mga mata bago nagsalitang muli. “Let me work with you,” I suggested. He stared at me. “Work and live with me. Deal.“ “At kapag nabayaran ko na ang 10 million, I’ll be free?” paniniguro ko. Sandali niya akong tinitigan. “If that’s what you want, fine.” “Play fair Mr. Treveno.” Ngumisi siya ng mapakla. “I give you my words. Mag-impake kana at bukas na bukas ay ipapasundo kita sa driver ko.” Nagulat ako sa sinabi niya pero agad rin akong nakabawi. Dinaig ko pa ngayong ang tutang sunod-sunuran na lang sa mga kagustuhan niya. Nang malaman ng Papa ko ang nais ni Ethan ay tinutulan niya ito. But I don’t want to lose this house. Pinaintindi ko ‘yon sa kanila ni Mama. Lahat ay gagawin ko maisalba ko lang ang bahay namin, our greatest treasure. Gaya ng sabi ni Ethan ay alas sais pa lang ng umaga ay dumating na ang driver niyang susundo sa akin. Umiiyak pa ang mama ko nang ihatid ako sa labas. Hindi na rin nag-abala ang papa ko na tingnan ako dahil alam kong nasasaktan na rin siya sa mga nangyayari. “Anak, Endiyah. Mag-iingat ka. Kapag pinagmalupitan ka ng lalaking ‘yon, umuwi ka hmm.” Puno ang pag-aalala ng Mama ko sa akin. Niyakap ko siya nang mahigpit. “Don’t worry, ‘Ma. I can handle him.“ Biro ko. Alam ni Mama kung gaano ako kamahal ni Ethan noon. Tumango siya na tila kampante na sa sinabi ko. “I will work for him. Magiging okay ako, take care for Papa.” I smiled. Pinahid ko pa ang luha sa mga mata niya. Tahimik lang na nakamasid sa amin ang driver ni Ethan. “I love you, Anak.” Niyakap akong muli. Ngumiti ako sa kaniya bago pumasok sa loob ng sasakyan. Tahimik lang akong nakaupo sa likod habang nasa beyahe. Hindi rin ako nag-abala na tanungin kung anong pangalan ng driver ni Ethan. Nakangiti at tumatango lang ito kapag nasusulyapan niya ako sa may reviewer mirror. Dinala niya ako sa isang Luxury subdivision sa Makati. Pumarada siya sa tapat ng malaking bahay na sa estimated ko ay apat ang kuwarto nito. Ganito kasi ang style ng tinitirahan nila Uncle Fred no’ng nandito pa sila sa Pilipinas. Simula ng mamayapa si Lolo ay bumalik na sila ng Italy kasama ang girlfriend niyang si Tita Anna dahil pareho nando’n ang kanilang trabaho. “Andito na po tayo, Ma’am,” nakangiting sabi sa akin ng driver. Tumango ako sa kaniya at nagpasalamat bago bumaba ng sasakyan. Pagbaba ko pa lang ay siya namang bukas ng main door ng bahay. Lumabas doon ang isang babae. May edad na rin pero hindi ganoon katandaan. Nakangiti itong nilapitan ako. “Good morning po, Ma’am. Ako nga pala si Tina.” Pakilala niya sa sarili. Gumanti ako ng ngiti sa kaniya. Iginala ko ang paningin sa paligid. Malinis at organize ang kanilang garden. “Halika na po kayo sa loob Ma’am at baka nauuhaw na kayo o nagugutom. Ipagluluto kita ng masarap na almusal.” Tila gumaan ang loob ko sa mabait na kasambahay. Tumango ako sa kaniya. Tinawag niya ang driver. “Josep, ikaw na ang bahalang mag-akyat niyang mga gamit ni ma’am Endiyah.” Nagulat ako ng banggitin niya ang pangalan ko. She know me? Tumango sa kaniya si Josep at niyaya ako ulit para pumasok sa loob. Namangha ako sa ganda ng interior ng bahay. Simple lang pero eligante tingnan. Dito na yata ako ibabahay ng halimaw na ‘yon. I smirked. “Ate Tina, nandito ba si Ethan?” hindi ko napigilan ang magtanong sa kaniya. Kinakabahan akong makita ang romantikong halimaw na ‘yon. Nilingon niya ako. “Kapapasok lang niya sa opisina, Ma’am. Pero binilin niyang ‘wag kayong gutumin.” Kinindatan pa niya ako. “At tsaka bihira lang ‘yon dito umuwi, lagi ‘yon nasa penthouse niya. Iwan ko lang ngayon.” Iiling-iling pa ito habang nagsasalita. Nang hindi ako nagkomento ay napahinto ito. “Pasinsiya kana ma’am Endiyah. Madaldal ako minsan. Huwag kang magsusumbong kay sir baka mawalan ako ng trabaho.” Nalungkot pa ito sa huli niyang salita. Agad akong umiling. “Normal lang ang talkative, Ate.” I said with a smile so she can relax. “Paano mo nga pala nalaman ang pangalan ko?”tanong ko sa kaniya. Lumapad ang ngiti niya. Ang bibo niya talaga at nakakagaan ng loob. ‘Yong lungkot na nararamdaman ko kani-kanina lang ay tila naglaho nang makausap ko si Ate Tina. “Syempre ang laki ng litrato mo sa library ni Sir. Andoon pa ang full name mo. Endiyah Rose.” Tinaas pa ang kamay at sinusulat sa ere ang buong pangalan ko. Napatitig ako sa ginawa ni Ate Tina. “Ano ho? May picture ako sa library…ni Ethan?” Tama ba ang narinig ko na may litrato ako sa library ni Ethan. “Kaninang nagbilin sa akin si Sir na darating ka ay agad kong tinanong Ma’am. Syempre tinanong ko kung ‘yong litrato ba sa library niya ang darating. Tumango siya. So, noong makita kita kanina nakilala na kita agad.” Tinaas-taas pa niya ang kilay sa akin. Hilaw akong ngumiti sa kaniya. “Ano bang itsura ko sa litrato na ‘yon?” Hindi ko mapigilan ang magtanong. Curious lang ako. “Nasa tennis court ka no’n, Maam. ang bata mo pa sa picture na iyon.“ Now, I remember. It was our first date. Hindi ko lang akalain na magtatago pa ng litrato ko si Ethan. Akala ko nga ay sinunog na niya ang bawat memorya namin at kaya ako andito ngayon sa kaniya ay para parusahan. Hindi ko na kayang basahin kung anong laman ng utak niya ngayon dahil ibang-iba na siya kaysa dati. Tumango ako sa kaniya. Hinila niya ako sa kusina at pinaghanda ng almusal dahil hindi pa ako kumakain sa amin bago umalis. Patuloy pa rin siyang nagkukuwento habang ako ay nakikinig lang. Napapangiti ako minsan sa mga nakakatawa niyang sinasabi.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD